Tampulan ng Tsismis ang Babaeng Pumapasok sa Opisina na Hindi Naliligo, May Nakakaiyak Pala Itong Pinagdaraanan

“Hi team, good morning. So eto nga pala si Lorie, ang bago niyong team mate. Kakatapos lang ng training niya.” anang supervisor ni Lorie.

“O Loriw, kapag ka may questions ka, ask mo lang silang mga ka-team mo, tutulungan ka nila, okay?” dagdag pa niya.

“Thank you po, ma’am.” nahihiyang sagot ni Lorie.

Isang bakanteng upuan ang kanyang nakita at doon siya deretsong naupo.

“Hi girl,” anang kanyang katabi. “Hazel nga pala,” at inabot nito ang kamay niya at nagshake hands sila.

“Sabihan mo lang ako kapag ka may tanong ka ha,” dagdag pa nito.

Tumango na lamang si Lorie dahil hindi pa rin maalis ang kanyang hiya.

Naging maayos naman ang kanyang unang araw. May mga bago siyang naging kakilala at naging kaibigan. Masaya ang dalaga dahil hindi na siya nahirapan makitungo sa mga kasama dahil sila mismo ang lumalapit at nakikipagkwentuhan sa kanya.

Advertisement

Dalawang Linggo ang lumipas nang may napansing kakaiba si Hazel. Agad niya itong ipinagsabi sa ibang ka-opisina.

“Bes, may napapansin ka ba kay Lorie?” tanong niya kay Karla.

“Meron. Pero ano bang napapansin mo sa kanya? Mamaya magkaiba tayo ng iniisip eh,” sagot ni Karla.

“Ewan ko kung ako lang ha, pero para kasing paulit-ulit yung damit niya no?” ani Hazel.

Napapalakpak ng isang malakas si Karla dahil swak na swak pala ang iniisip nilang dalawa.

“Oo bes! Tapos may araw pa na parang hindi siya nakakaligo eh! Hindi naman siya mabaho, pero alam mo naman yung itsura pag hindi nakaligo diba?” sambit ni Karla na may kasabay pang paglaki ng mata habang nagsasalita.

“Totoo yan girl! Kasi minsan napapansin ko tinatali niya na lang yung buhok niya pag sobrang oily na kasi hindi na shampoo-han. Yung ganun!” sabi ni Hazel.

Biglang dumating ang isa pa nilang ka-opisina at tinanong ang pinag–uusapan ng dalawa.

Advertisement

“Parang bagong chika ito ha? Anong ganap mga mars?” anito.

At nang maikwentong muli ni Hazel at Karla ang napapansing kakaiba Lorie, “Ay ano ba kayong dalawa! Huli na kayo sa balita! Nung isang araw pa namin napag-uusapan yan kasama ng iba!” dagdag pa ng kausap.

Mga ilang segundo lamang ang lumipas at dumating na si Lorie kaya nanahimik ang tatlo.

“Uy anong meron?” pagtatakang tanong ni Lorie na gustong-gustong malaman ang tila malaking chismis.

“Naku, wala naman. Pinaguusapan lang namin yung team building! Sasama ka doon di ba?” tanong ni Hazel.

“Ah. Baka hindi eh. Kasi uuwi ako kila mama. Sa susunod nalang ako makakasama.” Nakatungo niyang sagot at dumiretso na lamang sa kanyang table para magtrabaho na muli.

“Sayang naman girl. Sumama ka na!” pamimilit ni Karla.

Ngunit hindi na nakasagot si Lorie dahil nagtatrabaho na siyang muli.

Advertisement

Mula noon ay nagsimulang kumalat ang chismis na tungkol kay Lorie. Marami na ang nakakaalam nito, siya na lamang ang hindi.

Ang kanyang mga katrabahong si Hazel at Karla ay nais usisain ang buhay ni Lorie para malaman kung bakit nga ba siya ganoon, ngunit si Lorie mismo ang tila punong-puno ng sikreto at hindi nagkukwento ng kahit ano sa kanyang buhay.

Isang araw nagkasalubong si Lorie at Hazel sa kantina ng kanilang opisina.

“O Lorie! Bakit sobrang aga mo naman?” pagtataka ni Hazel dahil alas-otso pa ang kanilang trabaho ngunit alas singko palang ay nasa opisina na ang dalaga.

“Kanina pa ako nandito eh, mag-aalmusal palang. Tara sabay na tayo.” Nakangiting pag-aya niya.

Dahil nakapag-almusal na si Hazel ay sinamahan na lamang niya ang dalaga na kumain. Naisip niyang baka tamang pagkakataon rin pala malaman kung totoo ang mga chismis.

“Bakit nga pala ang aga mo dumating?” tanong ni Lorie sa kaharap.

“Ah kasi di ako makatulog sa bahay, may nagka-karaoke malapit sa’min kaya naisip kong pumasok nalang ng maaga. May tulugan naman tayo dito diba?” sagot naman ni Hazel.

Advertisement

“Ah oo. Nakita ko nga.” Mahinang sagot ni Lorie.

Hindi makapagtanong ng iba pa si Hazel dahil nahihiya siya at baka magalit sa kanya si Lorie, kaya tinapos na lamang nila ang kanilang almusal.

“Pupunta ka pa ba sa tulugan?” tanong ni Lorie.

“Oo eh, ikaw ba? Sabay nalang tayo kung pupunta ka.” ani Hazel.

Hindi inaasahan ni Hazel ang makikita sa loob ng malaking tulugan ng kanilang opisina. Nakapatong sa isa sa mga kama ang dalawang bag ni Lorie na halos ga-maleta ang laki.

“Gamit mo ito?” pagtatakang tanong ni Hazel.

“Wag kang maingay Hazel ha, nahihiya kasi ako eh.” sagot ni Lorie.

“Ha? Di ko maintindihan. Bakit ka nahihiya? Ano bang meron?” sagot ni Hazel.

Advertisement

“Kapag ka may pasok kasi, dito ako natutulog. Tapos umuuwi ako tuwing Sabado at Linggo sa nanay ko.” naiilang na sagot ni Lorie.

Dahil hindi nakasagot si Hazel at takang-taka lamang tinuloy ni Lorie ang kanyang kwento.

“Bago kasi ako nag-apply dito sa atin, nasunugan kami. Walang natira sa bahay at mga gamit namin. Nakikitira na lamang ang pamilya ko sa tiyahin ko ngunit maliit lang ang bahay nila doon kaya hindi na ako nakikisiksik. Para rin makaipon agad para mailipat ko sina mama sa ibang bahay kahit nirerentahan lang ay tinitipid ko ang sarili ko at dito na lang natutulog sa opisina.” Nakangiting kwento ni Lorie kahit naiiyak na.

“Kaya ba palagi kang maaga dito sa opisina? Eh paano ka pala nakakaligo niyan?” naisingit pang tanong ni Hazel.

“Hazel wag mo nalang sabihin sa iba ha, nahihiya kasi talaga ako eh. Minsan aaminin ko, hindi talaga ako nakakaligo. Dahil wala namang shower dito sa opisina. Nagpupunas punas nalang ako dahil mayroon namang lababo sa CR natin. Mabuti na nga lang at may aircon dito sa atin hindi ako amoy pawis.” nahihiyang sagot ng dalaga.

Hindi nakapagsalita si Hazel sa kahihiyan. Lalo pa’t siya ang isa sa mga nag-isip ng masama kay Lorie.

Kaya naman upang makabawi, inalok ni Hazel na doon na muna manirahan si Lorie sa kanila hanggang sa makalipat siya at ang kanyang pamilya sa maayos na tirahan. Humingi rin ng kapatawaran si Hazel sa maling pag-iisip niya tungkol sa dalaga. Napatawad naman ni Mae ang kaibigan.

Nagsilbing aral kay Hazel ang nangyari at nangakong hindi agad mag-iisip ng masama sa kapwa dahil bawat isa ay may kani-kaniyang pinagdaraanan.