Napalayas ng Ama ang Lalake Dahil sa Kanyang Pagmemake-up, Ngunit Ito Rin Pala ang Magdadala sa Kanya sa Tagumpay

Limang taon pa lang si Carl noon nang mahiligan na niya ang laruan ng kanyang mga ate.

Bunso siya sa kanilang magkakapatid at nag-iisang lalaki pa sa kanila.

Habang ang lahat ng kanyang mga kaklaseng kaibigan ay naghahabulan sa init ng araw, kasama niya ang mga kaibigan niyang babae sa loob ng kanilang silid at nagkukwentuhan lamang. Dahilan niya lamang ay ayaw niyang mainitan.

Hindi nagtagal ay unti-unting napansin ng kanyang tatay ang kakaibang kinikilos niya.

“Halika nga dito Carl!” sigaw ng kanyang tatay.

“Yes ‘tay?” tanong naman ng binata habang siya’y tumatakbo palapit sa kanyang tatay.

“Anong yes tay? Bakla ka ba?!” galit na tanong ng kanyang tatay.

“Luh? Hindi po ha!” iling na iling na sagot ni Carl.

Advertisement

“Siguraduhin mo kundi palalayasin kita dito sa pamamahay ko!” bulyaw ng kanyang ama.

Hindi na sumagot pa si Carl para maiwasan ang galit ng kanyang tatay.

Kahit alam niya sa kanyang puso na siya’y isang bakla ay minabuti na lamang niya na itago ito sa sarili dahil natatakot siya sa galit ng kanyang ama.

Ngunit hindi niya kahit kailan maitatago ang kanyang sikreto sa nanay niya.

Inamin niya ito sa kanyang nanay at buong puso pa rin siyang tinanggap. Mnabuti nilang hindi muna sabihin ito sa kanyang ama pansamantala.

Isang araw, habang nag-aayos ang kanyang mga nakatatandang kapatid ay nakita niya ang napakaraming make-up sa kanilang kwarto.

Kolehiyo pa lamang siya noon at ang kanyang mga ate ay nagtatrabaho na.

Isang araw nahuli siya ng kanyang mga ate nya habang ginagamit niya ang kanilang mga pang make-up.

Advertisement

“Carlito! Ano yan?!” mahinang sabi ng kanyang ate. Nag-iingat dahil baka marinig sila ng kanyang ama.

“Bakit mo ginagalaw yan?!” sabi pa ng isa niyang kapatid.

“Ah, wala te, tinitignan ko lang yung itsura,” sagot niya habang binubura ang mga nailagay na sa kanyang mukha.

“Wow ha. Ano to? Chinecheck mo lang?” sagot ng kanyang kapatid habang nakataas ang kanyang kilay.

“Umamin ka na nga. Akala mo naman hindi ka namin nahahalata,” nakangiting pang-aasar ng kanyang ate.

“A-alam niyo?” nagtatakang sagot niya.

“Oo naman no. May mga katrabaho kaming bakla eh, kaibigan pa namin. May gay radar kaya ako!” tumatawang sagot ng kanyang isang kapatid.

“Alam na ba ni papa?” tanong ng nakatatanda niyang kapatid.

Advertisement

“Ate! Wag niyong sasabihin kay papa, please. Palalayasin niya raw ako,” natatakot na sagot ni Carl.

“Baliw ka talaga. Syempre hindi yun gagawin ni papa, anak ka niya eh,” sagot ng kanyang kapatid.

Dahil sa pagpapalakas ng loob ng kanyang mga ate ay nakatulong ito para maamin na niya sa kanyang tatay na siya’y isang bakla.

Normal sa isang ama na mahirapang tanggapin na ang nag-iisa niyang anak na lalaki ay isang bakla.

Kaya naman napakatagal bago rin niya natanggap ang totoong si Carl.

Nalalapit na ang pagtatapos ni Carl noon sa kursong nursing at ipinagmamalaki pa rin siya ng kanyang ama kahit pa umamin siyang isa siyang bakla.

“I’m proud of you, anak, alam kong magiging successful ka sa pinili mong kurso,” nakangiting sabi ng kanyang tatay sabay yakap niya sa kanyang anak.

Ngunit may ibang kagustuhan si Carl para sa sarili niya. Hindi naging mahirap sa kanya ang makahanap ng ospital na papasukan ngunit hindi siya naging masaya sa kanyang trabaho.

Advertisement

Dahilan niya ay nahihirapan siyang magpuyat at naliliitan pa siya sa sweldo niya.

Kaya naman nakaisip siya ng magandang pang part-time.

Kumuha siya ng mga kliyente niya para sila’y make-up-an.

Mayroon siyang nagiging kliyente na ga-graduate, mayroon ding ikakasal at meron naman ding debutante.

Sa talentong mayroon siya sa pagme-make-up ay kusa na siyang tinatawagan ng mga bagong kliyente.

Dumating pa sa puntong mas malaki na ang kinikita niya sa pagme-make-up kaysa sa pagdu-duty sa ospital.

May mga araw pa siyang umaabsent na lamang sa trabaho dahil mayroon siyang kailangang make-upan na kliyente.

Nang malaman ito ng kanyang tatay ay labis ang kanyang galit.

Advertisement

“Tinanggap ko na nga ang pagiging bakla mo! Pinag-aral pa rin kita tapos mas gugustuhin mong mag make-up make-up lang?! Ginag*go mo ba ako, ha, Carl?!” at sinampal siya ng kanyang tatay ng pagkalakas-lakas.

“Hindi ka iimik?! Ha?! Kung hindi ka sasagot at pipiliin mo ang pagme-make-up, ay lumayas ka na lang sa pamamahay ko!” galit na galit na sabi ng kanyang tatay.

Dahil pagme make-up ang nasa puso ni Carl ay minabuti niyang umalis na lamang sa bahay nila.

Nagsimula siyang magrenta ng maliit na kwarto dahil naisip niyang mas madalas naman siyang nasa labas at nagtatrabaho.

Nanatiling maging nurse si Carl ngunit hindi niya pa rin isinuko ang pagiging make-up artist niya. Dahil sa kanyang pagsisikap at talagang galing sa pagme make-up ay dumoble at nag-triple pa ang bilang ng kanyang mga kliyente.

Nagsimulang kumalat ang kanyang pangalan at ang kanyang talento. Unti-unti, galing sa maliit na kwarto ay nakabili siya ng sarili niyang condo.

Binibisita niya pa rin ang kanyang nanay at mga kapatid pero tuwing wala lamang ang kanyang tatay.

Nagkaroon rin siya ng sarili niyang salon dahil sa kanyang pagtatiyaga.

Advertisement

Isang araw ay mayroong isang matandang lalaki ang pumasok sa kanyang salon at laking gulat ni Carl dahil kilala niya ito: ang kanyang tatay.

“Pa, ano pong ginagawa ni-“ ngunit naputol si Carl sa kanyang sasabihin nang bigla siyang niyakap ng kanyang ama.

“Anak patawarin mo ako. Ako na iyong tatay dapat ang unang naniniwala sa kakayahan mo. Ngunit patawarin mo ako dahil hindi ko binigay sa iyo yun. Hindi ko hihilingin na umuwi ka sa atin, dahil alam kong masaya ka sa buhay mo ngayon. Sana mapatawad mo ang papa mo. At sana malaman mo rin na kung saan ka masaya, palagi kitang susuportahan doon,” naiiyak na sabi ng kanyang tatay habang nakayakap sa kanya.

Hindi nakapagsalita si Carl at pag-iyak lamang ang kanyang nagawa.

Mula noon, minsan ay tatay niya pa mismo ang bumibisita sa salon ng anak na may kasamang mga kliyenteng nais magpaayos kay Carl.

“Magaling yang anak ko, kaya mula ngayon dito na kayo palagi sa salon niya ha! Magdala rin kayo ng mga kaibigan,” pagyayabang niya sa ibang mga customer.

Sobrang saya ni Carl na sa wakas ay natanggap siya ng kanyang ama. Ngunit mas masaya ang kanyang ama dahil nakikita niyang masaya ang kanyang anak.