Sugar Daddy Ko ang Daddy Mo

“Anak, pasensya kana ha, pero mukhang hindi na namin masusuportahan ng tatay mo ang pag-aaral mo sa kolehiyo. Baka pwede na magtrabaho kana muna, mag-ipon, saka mo tapusin ang kursong kinuha mo. Pasensya kana nak, walang-wala na tayo eh. Lalo na ngayong wala nang trabaho ang tatay mo.” malungkot na anang nanay ni Stella.

Third year college student si Stella sa isang pribadong paaralan sa Maynila. Isang taon na lang sana ay gagraduate na siya, kaso dumating ang krisis sa kanilang pamilya. Nasisante sa trabaho ang tatay niya at napilitan silang ibenta ang kanilang Bahay.

Kasalukuyan sila ngayong naninirahan sa isang squatter’s area, doon lang kasi may abot kayang paupahan. Kitang-kita ni Stella kung paano manlumo ang nanay niya habang pinagmamasdan ang listahan ng utang nila sa bangko.

Pati si Stella ay labis nang naaapektuhan sa krisis na ito. Kaya naman, humingi na siya ng tulong sa kanyang nobyong si Jojo. Ngunit isa palang rin itong estudyante, walang trabaho, sapat lang ang pera nito na pangtustos sa sariling pag-aaral.

“Sorry babe, wala talaga ako ngayon eh. Hindi kita matutulungan ngayon.” anito sa kabilang linya ng telepono.

Sa sobrang bigat ng loob ni Stella, sumama siya sa kaibigan niyang nagtatrabaho sa isang bar malapit sa lugar na tinitirahan nila ngayon. Gusto niya lang mag-aliw. Doon ay nakakilala siya ng grupo ng mga business man, nilibre siya ng maiinom. Ang isang boteng alak ni Stella ay nadagdagan pa ng isa, hanggang sa naging dalawa, pumangatlo at di kalaunan, nalasing siya.

Nagising na lang siyang nakabalot ng puting kumot sa isang magandang kwarto. Sa bandang bintana, may nakita siyang lalaking nakaupo, naninigarilyo ito habang nakatanaw sa mga gusali sa labas.

“Excuse me po, sino po kayo? Bakit po ako andito saka bakit po wala akong saplot?”pagtataka ni Stella, medyo kinakabahan siya dahil hindi niya makilala ang lalaki.

Advertisement

“Naku iha, andito tayo sa condo ko. Dito ko madalas dinadala yung mga babaeng nagpapauwi sakin.” deretsahang sabi ng lalaki.

“Ibig sabihin po nagpauwi ako sa inyo?” ani ni Stella habang palapit sa lalaki. Humarap ito saka niya nakilalang isa ito sa mga nakainuman niya kagabi.

“Aba oo. Iyak ka kasi nang iyak sa bar. Sabi mo ang lungkot-lungkot mo. Kaya pinasaya kita. Sobrang saya mo nga kagabi sa ginagawa natin.” nakangising sabi ng matanda.

“Bakit nga ba ganoon na lang ang iyak mo? Anong problema mo?” pagtatanong ng matanda sa mangiyak-ngiyak na si Stella.

Inilahad niya ang lahat rito, wala siyang itinago. Habang nagkukwento ay humahagulgol pa siya ng todo dahil sa sobrang bigat ng kanyang nararamdaman.

“Gustong-gusto ko po kasing makapagtapos, isang taon na lang naman po ako. Baka pwede niyo akong tulungan.” wika ng dalaga habang hinihimas-himas ang kamay ng matanda.

“Walang problema! Basta ba sa akin ka tuwing gabi.” seryosong anito saka hinalikan ang dalaga.

Pumayag si Stella sa nais ng matanda. Nakabayad at nakapasok siya sa paaralan. Unti-unti na rin nilang nabayaran ang kanilang utang sa bangko. Tuwang-tuwa ang kanyang ina, tila ba nabuhayan ulit ito.

Advertisement

Habang ito namang nobyo niyang si Jojo ay para bang nagdududa na sa nobya. Madalas kasi na naiinis siya kapag nagtatanong siya kung saan niya nakukuha ang pera, kung ano ang trabaho niya. Kaya naman, nang makahanap ito ng magandang tiyempo ay palihim na sinundan siya pagkatapos ng kanilang klase.

Napakunot ang noo ng binata, alam niya ang condong ito. May unit rito ang kanyang papa. Ni hindi na nga siya kinwestyon ng guard at receptionist nang pumasok siya dahil madalas siya rito noon. Bago sila mag away ng matanda at bago siya mag-solo sa buhay.

“Room 203, kung hindi ako nagkakamali, kay papa itong condo.” maluha-luhang wika ng binata.

Sakto namang alam ni Jojo ang password ng condo. Nabuksan niya ito, at bumungad sa kanya ang kanyang tatay, may kahalikan na dalaga sa sofa.

Gulat na gulat ang dalaga, napabalikwas ito, habang ang matanda naman ay chill lang. Nagsindi ito ng sigarilyo tapos ay kinausap si Jojo.

“O, iho. Napadaan ka? Naistorbo mo nanaman ang daddy eh.” anito habang patawa-tawa.

Halos gumuho ang mundo ni Jojo. Kitang-kita niya kung paano maghalikan ang tatay at nobya niya. Mangiyak-ngiyak siyang lumabas ng condo, walang ni isang salitang sinabi. Habang ito naman si Stella, tila hindi makagalaw sa kinauupuan niya.

“O, dear, para kang nakakita ng multo. Gwapo ng anak ko no, manang mana sakin.” ika ng matanda.

Advertisement

At doon tuluyang tumulo ang luha ni Stella. Dali-dali siyang tumakbo palabas para habulin ang nobyo. Pero wala na ito. Bumalik siya sa condo at doon niya inamin sa matanda na nobyo niya ang anak nito.

Gulat na gulat ang matanda.

“Bakit hindi mo sinabing may nobyo ka, Stella? Aba anak ko pa? Ikaw pala ang tinutukoy niyang gusto niyang pakasalan! Pambihira naman! Malaking gulo ito!” annang inis na inis na matanda.

“Gawin mo ang lahat para maayos kayo iha. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa anak ko dahil sa pagiging maloko ko. Dalian mo na, huwag kana mag-aksaya ng oras.” sising-sising ika ng matanda.

Nahanap at nakausap naman ni Stella si Jojo. Ngunit mailap pa rin ito. Lumipas ang ilang buwan hindi pa rin sila maayos. Hanggang sa nabalitaan na lang ni Stella na sumakabilang buhay na ang matanda. Kahit nag-aalinlangan pumunta siya sa burol nito at doon niya muling nakita si Jojo.

Nagulat si Stella nang bigla siyang niyakap nito. Iyak nang iyak ang binata.

“Alam mo, sobrang nagsisi ang daddy sa ginawa niyo dati sakin. Araw-araw siyang pumupunta sa kwarto ko para dalhan ako ng pagkain kahit hindi ko siya pinapansin. Kahapon, huling dala niya sakin ng pagkain, nagulat ako na may sulat na nakaipit.” walang tigil sa paghikbi ang binata.

Sana mapatawad mo ako pati ang nobya mo. Hindi ko sinasadya anak, wala akong intensyong saktan ka. Ngayon sana pagbigyan mo ko sa hiling ko, pakasalan mo siya katulad nang binabalak mo dati.

Advertisement

Doon nagkaayos sila Jojo at Stella. Napagtanto kasi ng binata na mahal niya pala talaga ang dalaga kahit na sobra siya nitong nasaktan. Naintindihan niya na kaya naman pala ito nagawa ng nobya ay dahil sa walang-wala na ito. Nangako ang binata na tutulungan niya ang nobya hanggang sa makatapos ito.

Madalas tayong nalalagay sa alanganin bunsod ng kahirapan, pero ang mahalaga kung ano ang ating natutunan at kung sino ang muling tatanggap sa atin.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only)

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino