Imbes Ipagtanggol ang Misis ay Kinampihan Pa ng Mister ang Manyak na Tiyuhin; Natauhan Siya nang Anak Niya Mismo ang Muntik Mabiktima

“Babe, natatakot ako. Ayoko kasi talaga ng gulo. Pero hindi maalis sa isip ko ang ginawa sa akin ni Tito Cesar noong nakaraang Linggo.” Saad ni Jen sa asawang si Ed.

“Oh, noong nakaraang Linggo ‘yan nangyari? Bakit ngayon mo lang naisip sabihin? Ano’ng nangyari? Inutangan ka na naman?” Tugon ni Ed sa asawa.

“Mas malala pa. Ang sabi niya’y malalaglag na daw ang cellphone sa bulsa ko pero nang tignan ko’y nakapasok naman iyon ng buo at hindi malalaglag. Lumapit si Tito Cesar at dinakma ang puwet ko. Nang naalarma ako, ang sabi nya lang ay pasensya na daw ay akala niya’y malalaglag ang laman ng bulsa ko. Pero hindi pa rin niya inaalis ang mga daliri nya sa likuran ko kaya’t tinapik ko na lamang ang kamay nya.” Balisang wika ni Jen.

“Ha? Baka naman nasanggi lang ang likuran mo. Masyado lang talagang mainit ang dugo mo sa mga kamag-anak ko. Ayusin mo ang pag-iisip mo. Mas kilala ko ang tiyuhin ko kaysa sa iyo.” Ika ng mister sabay padabog na lumabas ng kanilang silid.

Hindi naman nakatiis si Jen at isinumbong sa hipag ang pangyayari.

“Ate Jen, ganiyan talaga si Tito Cesar lalo na’t pag nakakainom. Noong bata nga ako’y naabutan ko siyang naghahapunan sa mesa kaya’t nagmano ako. Matapos kong magmano ay hinatak niya ang kamay ko at hinalikan ako sa pisngi. Maya-maya’y akma siyang hahalikan ako sa labi ngunit umiwas na ako. Nang magsumbong ako kay mama ay pinagalitan pa niya ako.” Wika ng hipag ni Jen na si Alexa.

Mula nang sabihin ni Jen sa asawa ang pangyayari ay hindi niya ito nakitaan ng pagbabago. Palagi pa rin nitong nadadatnan ang tiyuhin nitong umiinom sa kanilang bahay kasama ng asawa at mga pinsan nito. Kaya naman hindi na siya nakatiis.

“Ed! Pumasok ka nga muna sa kuwarto! May sasabihin ako!” Inis na sambit ni Jen.

Advertisement

“Ha? Kasarapan ng inuman, patatayuin mo ‘ko dito? Ibang klase ka talaga! Napakabungangera mo!” Galit na galit na saad ni Ed habang lumaklak pa ng gin bago tumayo at pumasok sa kanilang bahay.

“Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo? Unang biktima niyan ay ang kapatid mong babae, pangalawa ako. Hihintayin mo pa bang mabiktima ng manyak mong tiyuhin ang anak natin!?”

“Bobo ka! Pareho kayong bobo ni Alexa! Kung sinabi niyo kaagad sa akin iyan nang kakatapos pa lang maganap e di sana’y may nagawa pa ako! Ngayon ay tatanggi lang iyan! Lumayo na lang kayo sa kanya! Isa pa, ni hindi ko nga alam kung guni-guni niyo lang iyon. Baka pinagiinitan niyo lang si Tito Cesar dahil masarap siyang kasama at pasimuno sa inuman! Naiinis lang kayo sa kanya dahil ayaw niyo ni Alexa na umiinom ang mga asawa niyo!” Mataas na ang boses ng mister.

Hindi naman na nakatiis pa si Jen kaya’t tinawagan nito ang ina at nag-impake.

“Saan kayo pupunta? Ha!? Magmamalaki ka dahil ikaw ang mas kumikita sa ating dalawa? Sige, layas!” Giit ni Ed.

“Kung ayaw mong masira ang pamilya natin, paalisin mo na iyang tiyuhin mo at huwag na huwag mo nang papupuntahin dito!” Saad ni Jen.

“Hindi na! Lumayas ka na! Isama mo ‘yang anak mo! Mga praning kayong lahat!”

Agad namang tumalilis ng alis si Jen kasama ang anim na taong gulang na anak na si KC.

Advertisement

Nang makauwi sa bahay ng mga magulang ay agad ikinuwento ni Jen ang pangyayari sa mga ito. Mariin namang binilinan ng ama ni Jen na si Mang Ruben ang apong si KC. “Ito apo, pepper spray ang tawag dito. Kapag hinawakan ka sa ganito… Spray mo sa mata niya ito para hindi niya magawa ang masamang bagay na iyon sa ‘yo.” Saad ng matanda habang tinuturo ang kaniyang mga maselang parte ng katawan.

At dahil matalinong bata si KC ay lubos naman niya itong naunawaan.

Lumipas ang ilang Linggo at nakaramdam ng paghihirap si Ed. Palibhasa’y maliit lang ang kinikita nito sa pagrerepair ng mga sirang appliances. Ni wala nang natitira sa kaniya pambili ng alak kaya’t nagpasya itong sunduin ang mag-ina sa bahay ng kaniyang biyenan.

“Sorry na, Jen. Hindi ko na papupuntahin si Tito Cesar sa bahay.” Sambit ng nagsusumamong si Ed.

“Ayoko sanang makialam ngunit sensitibong bagay ito. Sana’y huwag na lamang maulit ang nangyari sa anak namin.” Wika ng ina ni Jen na si Aling Loida.

Nangako naman si Ed na hindi na kailanman patutungtongin sa kanilang pamamahay ang tiyuhin.

Tuwang-tuwa naman si Jen sa nakitang pagbabago sa asawa. Hindi na ito umiinom at pirme na lamang na nasa bahay.

Ang hindi nito alam ay patuloy pa rin sa pagpunta ang tiyuhin sa mga oras na wala siya. Inuto pa ni Ed si KC upang huwag magsumbong sa ina.

Advertisement

“Hindi ko na lang ito sasabihin kay mommy pero humanda sa akin iyang Lolo Cesar ko sa oras na lumapit siya sa akin.” Wika ni KC sa kalarong si Mika.

“O sige, sa inyo muna ako maglalaro para may kakampi ka!” Saad ni Mika.

Nang makauwi ng bahay si KC ay napansin niyang lango na sa alak si Cesar.

Mariin nitong kinapitan ang kalaro at saka inilabas ang pepper spray na ibinigay ng kanyang Lolo Ruben.

“KC, apo! Halika dito sa may banyo, isama mo ang kalaro mo! Maglaro tayo ng bahay-bahayan! Ako ang tatay, ikaw ang nanay, ang kalaro mo daw ay kumare mo!” Saad ng manyak na si Cesar.

Nanginginig na sa takot ang dalawang bata ngunit sumunod ang mga ito kay Cesar.

“Handa ka na ba, KC?” Bulong ni Mika sa kaniyang bespren.

“Oo. Manood ka!” Tugon ni KC sa mahinang boses.

Advertisement

“Halika, kumandong ka sa akin. Kunwari ay naglalambingan tayo sa kama. Ikaw naman bata, kunwari ay minamasahe mo ako habang naglalambingan kami ng asawa ko! Sabay niyo daw akong hahalikan sa leeg.” Wika ni Cesar.

Agad na sumunod ang magkaibigan at inisprayan sa magkabilang mata si Cesar.

“Aray! Pta! Ggo kang bata ka!” Sigaw ng lasing na lasing na si Cesar.

Agad naman itong narinig ni Ed at ng kaniyang mga pinsan. Nagmamadali silang pumasok ng bahay upang alamin kung ano ang nangyayari.

“Hayop kang bata ka! Mana ka talaga sa nanay mong patpatin at walang puwet!” Galit na galit na saad ni Cesar habang hinuhugasan ang mga mata sa banyo.

“KC! Bakit? Ano’ng nangyari!?!”

Hindi pa man natatapos sa pagkukuwento ang bata ay agad pinagsusuntok ni Ed ang tiyuhin. Hindi naman nakuntento ang mga pinsan nito sa panonood lang kaya’t nakisuntok, tadyak, sipa na rin ang mga ito.

Maya-maya’y humahangos papasok sa loob ng bahay si Jen at nakita niyang nakahandusay ang duguang si Cesar. Agad na rin itong tumawag ng mga pulis.

Advertisement

“Hayop ka! Mabulok ka sa kulungan!” Saad ni Jen.

Nang makita ito ng mister ay agad itong tumakbo at niyakap ang misis.

“Sorry, babe! Patawarin mo ako! Kung kailangang makulong din ako, pagbabayaran ko ang pagiging wala kong kwentang ama,kapatid at asawa! Inilagay ko kayo sa panganib mag-ina!” Lumuluhang saad ni Ed.

“Bibigyan pa kita ng isang pagkakataon para sa anak nating si KC. Sana’y huwag mo nang sirain ulit ang tiwala ko sa iyo.”

Mula noon ay natuto na si Ed layuan ang bisyong pag-inom. Naging responsable na rin itong ama at asawa.

Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Jen, bibigyan mo pa rin ba ng isa pang pagkakataon si mister?