Hindi Inasahan ng Ale ang Maagang Pagkawala ng Dalagang Tinuturing Niyang Sariling Anak, Ngunit Nag-iwan Ito ng Isang Bagay na Lalo Niyang Ikinaluha

Matandang dalaga si Fely, iginugol niya ang buhay sa pag aalaga sa noon ay may sakit na ina, at pagpapalaki sa mga pamangkin. Hindi siya nakapag ipon ng para sa sarili, gayunpaman ay maswerte siya at mahal na mahal siya ng pamangking si Anne. Hindi ito nakalimot, sa katunayan ay ito ang kasama niya ngayon sa bahay at siyang bumubuhay sa kanya.

Hindi mayaman ang magtiya at sapat lang ang kinikita ni Anne para sa kanilang dalawa pero masaya sila dahil nariyan naman ang isa’t isa.

“Kapag tumanda ka tita, ako naman ang mag aalaga sayo,” sabi ni Anne kay Fely noong 7 years old palang ito. At tinupad naman iyon ng dalaga, hanggang ngayon ay nagsisikap siya para kahit paano’y makatikim naman ng ginhawa ang tita niyang nagpakahirap para mapalaki siya.

Alas siyete ang time ni Anne sa trabaho ngunit alas singko palang ay umaalis na ito ng bahay. Gusto kasing abutan ni Anne ang mga pandesal na tinitinda sa tapat ng gate ng trabaho niya, madaling maubos iyon. Nagpapareserve siya at ipinapakiusap niyang i-deliver sa tiyahin para paggising nito ay may almusal na.

Hanggang isang umaga, siguro at mga 6:oo, ay nakareceive ng text si Fely na ikinawasak ng puso niya. Naaksidente ang jeep na sinasakyan ng pamangkin kaninang 5:30 at isa ito sa mga nasawi. Iyak ng iyak si Fely at hindi siya makapaniwala, ang kanyang nag iisang itinuring na anak, ang kanyang natitirang pamilya…wala na.

Gusto nang pumunta ni Fely sa ospital ngunit hindi siya sigurado kung kaya niya bang makita ang mahal na pamangkin sa kalunus lunos na kalagayan , isang oras siyang nakatulala sa kama at luhaan nang may biglang kumatok.

“Te, tinapay!” sabi ng lalaki na palaging nagdedeliver ng pandesal.

Lumabas siya at sumilip sa pinto.

Advertisement

“Anong..paanong?” lito niyang tanong.

“Dumaan po si Te Anne samin kaninang 6:30, deliveran daw ho kayo ng pandesal.” maang na sabi ng lalaki.

“H-ha? Hindi pwede..” sabi lang ni Fely.

“May sakit ho ba si Te Anne? Hindi nagsasalita masyado, nakangiti lang at sabi i-deliver namin ito sayo.” sabi pa rin ng lalaki.

Natulala naman lalo si Fely, 5:30 naaksidente ang pamangkin at imposible ang sinasabi ng lalaki. Pero narito ito ngayon, ibig sabihin hanggang sa kabilang buhay ay siya parin ang unang iniisip ng pamangkin, ang kanyang mga pandesal.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.