Sinigawan ng Isang Guro ang Matanda sa Eleksyon Dahil Napakatagal Pumirma, May Nakakaiyak Palang Dahilan Kung Bakit

Ang init init at napakaraming tao, ayaw na ayaw tlaga ni Ellen kapag araw ng eleksyon. Kung hindi lang siya pinilit ng nanay niya na bumoto ay hindi siya pupunta rito, ayon kasi sa nanay niya, kapag daw hindi ka bumoto ng dalawang beses na eleksyon ay matatanggal na ang pangalan mo sa listahan at kailangan mo nang magpa-rehistrong muli.

Karaniwang ginaganap ang eleksyon sa mga pampublikong lugar na ngayon ay tinatawag nilang ‘precint’, ang nagbabantay naman ay mga gurong nakasimangot. Nasa loob na siya ng classroom at nagsisimula nang bumoto nang mapansin niya ang matandang lalaki sa gilid niya, sa tabi nito ay isang guro na iritang irita na.

“Tay, diyan ang pangalan. Ayan o nakasulat name, sulat mo pangalan mo dyan,” sabi nito sa matanda.

“H-ha, eh malabo ang mata ko saan ba riyan?” sabi naman ng matanda.

“Ayan sa name, dyan mo ilalagay nga. Di mo ba nakikita? Nakasalamin kana ah. Ang tagal na natin dito!” reklamo nito, tumaas na ang boses nito at medyo pinagtitinginan na sila. Napasulyap naman si Ellen sa matandang napapahiya na sa mga matang nakamasid.

Hindi natiis ni Ellen at tumayo siya, nilapitan ang matanda.

“Tay, ayos lang ho ba kung ako na?” sabi niya rito. Inirapan naman siya ng guro at umalis na. Yumuko siya sa tabi ng matanda.

‘P-pasmado kasi ang kamay ko at malabo ang mata, ayos lang ba kung ikaw na ang magsulat at sasabihin ko nalang sayo, hindi kasi nakasama ang apo ko na palaging tumutulong sa akin. May tiwala naman ako sayo hija,” nakangiting sabi nito.

Advertisement

“Sige po, bale ano pong pangalan nyo?” tanong niya rito. Sinabi naman ng matanda ang pangalan nito at edad.

Natapos niyang fill-upan iyon at nakalabas na ang matanda, tinapos niya na rin ang kanya at nagulat pa siya nang makita ang lolo na nag aabang sa tabi ng gate ng eskwelahan, may dala itong softdrinks at biscuit.

“Neng, pasasalamat ko lang yan at hindi mo ako hinayaangmapahiya,” nakangiting sabi nito.

“Ay, si tatay naman. Di na yan kailangan.” nakangiting sabi niya. Nagulat naman siya nang biglang mapaluha ito,na-touch ba talaga ito ng sobra? Dahil siguro may edad na kayakahit sa maliliit na bagay ay naiiyak na ito.

“Ang totoo kasihija, hindi naman ako marunong magbasa at magsulat, kaya maraming-maraming salamat talaga sayo. Napakalaking bagay ang ginawa mo sa akin.”

Ang dalaga ang nakaramdam ng awa sa matanda matapos itong sigawan ng isang guro na hindi naman nakakaalam ng tunay na sitwasyon nito. Naisip niya, napakaraming tao parin ang biktima ng kahirapan, matanda man o bata. Doon nalaman at naintindihan ni Ellen ang tunay na importansya ng edukasyon at kahit kailan ay hindi niya ito magagawang balewalain.

Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.

Advertisement

Ano angmasasabi mo sa kwentong ito?Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.