Dahil Hindi Agad Naibigay ng Lalaki ang Pangarap na Kasal ng Nobya ay Napadpad Ito sa Kandunga ng Iba

Masugid na trabahador si Chan sa kumpanyang pinapasukan. Hindi lamang sa trabaho siya pursigido, kundi pati na rin sa pagsusumikap upang mabuhay ang kanyang pamilya.

Pangarap niyang pakasalan ang kanyang live-in partner na si Melissa. May isa silang anak, ngunit hindi pa nila magawang magpakasal kahit sa huwes lamang, dahil priority muna nila ang pangangailangan ng kanilang siyam na buwang sanggol.

Kaya naman todo-kayod siya sa dalawang trabaho, hindi lamang sa pagsusustento ng pangkain nilang pamilya, kundi pati na rin sa pag-iipon para sa kasal na deserve ng kanyang asawa.

Batid niyang matagal na ring hinihintay ng asawa ang kanyang proposal, pero hanggang ngayon ay nahihiya siya dahil hindi niya pa maibigay yun sa asawa.

Lumaki sa maalwang pamumuhay si Melissa, kaya naman lahat ginagawa niya upang iparamdam dito ang magaan na pang-araw araw na buhay.

“Ma, pasensya ka na ha. Hindi ko pa maibigay sayo ‘yung pangarap mong kasal. Pero nag-iipon naman ako para hindi na magtagal ang paghihintay mo,” muli na naman niyang hingi ng pasensya sa kanyang live-in partner.

Tumingin lang ito sa kanya, “Okay lang, huwag mo nang madaliin. Hindi naman ako nagmamadali.”

Advertisement

Tila nanibago siya ngayon sa sagot nito. Hindi kasi tulad dati na umaakto itong nagtatampo sa tuwing sinasabi niya iyon, ngayon ay tila ayos lang dito na hindi muna sila ikasal.

“May problema ba tayo, Ma?” tanong niya sa babae.

Pansin niya rin kasi na tila nagbabago ang pakikitungo nito sa kanya. Ang dating malambing na Melissa, ngayon ay halos hindi na mahawakan ang kanyang kamay. Palagi nitong dinadahilan ang kanilang anak kahit tulog naman ito.

Huminga siya nang malalim. Marahil ay pagod lang ang kanyang misis sa pag-aalaga ng bunso nila. Winaglit niya sa kanyang isipan ang problema. Sa halip ay mas ginalingan niya pa ang pangalawang trabaho upang makaipon nang marami-rami.

Hindi rin biro ang dinaranas niya bilang isang salesman. Madalas siyang mareject ng mga tao. At kung minsan ay halos ipagtabuyan siya ng mga ito sa pag-aakalang scam ang binebenta niya.

Sa kanyang paglilibot sa bagong mall na kanyang pinagbebentahan ay bigla siyang may nakitang pamilyar na mukha. Sinundan niya ang mga ito at ganoon nalang ang pagkaguho ng mundo niya nang makita ang kanyang misis na naka-holding hands sa isang lalaki.

Advertisement

Mas lalo siyang nanlumo nang makilala kung sino ang lalaki. Si Hunter, ang bestfriend niyang anak ng congressman! Papasok ang dalawa sa sinehan. Ang sweet-sweet ng mga ito na tila sa kanila lang umiikot ang mundo.

Hindi malaman ni Chan kung bakit tila siya naging tuod sa nakita. Ni hindi niya nagawang sundan ang mga ito. Sa bahay niya na lamang niya pinagdesisyunang kausapin si Melissa.

“Ma…” tawag niya dito pagkauwi sa bahay.

Tila gulat ito nang makita siya, “Oh, bakit ang aga mo?”

“Kailan pa?” sa halip ay tanong niya dito.

Hindi na nagulat ang babae sa tanong niya, “Simula nang marealize ko na hindi mo naman kayang ibigay sa akin ang kasal na gusto ko.”

Napaluha siya, “Pasensya ka na Ma. Alam kong ganito lang ako. Aminado akong hindi ko kayang ibigay ang pangarap mong magarbong kasal. Ang kaya ko lang ibigay sayo ay ang payslip ko at ang sahod ko. Pati na ang buong katapatan at pagmamahal ko sa inyo ng anak natin.”

Advertisement

Napayuko si Melissa at saka napatingin sa biglang umiyak na anak. Doon niya napagtanto ang kamaliang nagawa. Naging gahaman siya at sakim. Hindi niya naisip na may sarili na nga pala siyang pamilya. Hindi niya naisip ang anak nilang kawawa kapag nagkahiwalay sila.

“Ma, bigyan mo pa ako ng pagkakataon. Pangako, dodoblehin ko ang pagtatrabaho para mas mabilis na maibigay sayo ang mga pangarap mo.”

Hinawakan ni Melissa ang kamay ni Chan, umiiyak na rin siya, “Sorry, naging selfish ako. Hindi ko kayo naisip ng anak natin. Sorry talaga. Mahal na mahal pa rin kita.”

Agad na pinatawad ni Chan ang asawa. Ganito na nga siguro kapag may sarili ka nang pamilya. Lahat tatanggapin at titiisin mo para lamang huwag mabuwag ang pamilyang pinaghirapan mong mabuo.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.