Panay ang Lait ng Babaeng Ito sa mga Kapitbahay Niyang OFW, Binawian Siya Agad ng Karma

“Alam mo ba kung ano ang tawag sa mga kapitbahay natin? Mga BOBO! Ilang taon sa ibang bansa pero pag-uwi dito sa Pilipinas ay walang naipon? Walang napala! Mga hunghang!” saad ni Kiray sa kaniyang ina si Aling Helen habang sila ay nasa labas ng kanilang bahay at kumakain ng maruya. Nakatingin ang dalawa sa bagong dating nilang kapitbahay na si Mang Boy, galing itong Saudi.

Image courtesy of www.google.com

“Kaya ikaw anak ha, wag na wag kang gagaya sa mga ‘yan pag nag-abroad ka. Kailangan anak pag nakauwi ka na e may napundar ka!” saad ng ale.

“Aba syempre naman, ano! Hindi ako magtatanga-tangahan sa ibang bansa, ang hirap-hirap magtrabaho tapos ay mauuwi lang sa wala.

“Oh tignan mo yang si Aling Remedios, 15 taon sa Saudi pero ngayon tignan mo, barong-barong pa rin ang bahay.”

Yang si Mang Boy, ang lakas mamigay ng tsokolate at magpapa-inom pa ‘yan mamaya pero tignan mo ilang buwan lang e mangungutang na ‘yan dito sa atin,” baling ng dalaga na tila natatawa-tawa pa.

Image courtesy of www.google.com

May malaking sari-sari store ang mag-ina sa kanilang lugar at utangan sila ng maraming kapitbahay.

“Jusko sino bang walang utang dito sa tindahan natin e halos lahat yata meron?” sagot ng ale.

“Basta mama pag ako ay nag-abroad sa susunod na buwan, pinapangako ko sa’yo na gagawin nating di-aircon ‘tong tindahan at nakatiles pa. Ipapagawa ko na rin ang bahay para tayo na ang magiging pinakamataas at titingalain dito sa atin,” baling ni Kiray sa ina.

Advertisement

Agad na lumipad si Kiray patungong Korea, nag-apply ito bilang isang serbedora sa isang kainan doon at halos nasa 25,000 ang sweldo niya kada buwan, agad niyang tinawagan ang ina.

“Ma, sasahod na nga pala ako, magpapadala ako ng maraming pera diyan at magpakain ka ng libre sa’tin nang makaramdam naman sila ng biyayang galing langit!” wika ni Kiray sa inang kausap sa telepono.

Image courtesy of www.google.com

“Sige anak! Magpapagawa ako ng tarpaulin at ididikit ko sa dingding natin para pag kukuha sila ng handa e kitang-kita nila! Magpakuha ka ng litrato na nasa maganda kang lugar diyan para yun ang gagamitin kong picture!” saad ng ale sa kabilang linya.

“Ay bongga! Gusto ko ‘yan mader!” baling naman ng dalaga.

Panganay si Kiray at ang bunso niyang kapatid ay may deperensya sa pag-iisip kaya naman siya lang ang tanging nagtratrabaho at ang kanilang sari-sari store ang tanging pinagkukuhanan nila ng kabuhayan. Ang tatay naman ng dalaga ay sumakabilang bahay kaya hindi na rin nila ito inaasahan pa.

“Wow, ang ganda-ganda naman dito sa Korea! Ang daming kainan at mga damit! Naku, gusto ko nito! Bagay ito sa akin at mukha akong mayaman dito!” saad ni Kiray sa sarili habang namimili siya.

Image courtesy of www.google.com

“Sa susunod na buwan na lang ako magtatabi ng pang tiles sa bahay, ngayon e mamimili muna ako!” dagdag pa niya sa sarili.

Halos dumaan na ang anim na buwan na pagtratrabaho ni Kiray sa ibang bansa ngunit wala pa rin siyang naitatabi.

Advertisement

“Anak!? Ano malaki na ba ipon mo diyan? Di ka na ulit nagpadala dito sa’tin e, pero ayos lang anak basta maging maayos ka diyan ay matupad mo ang pangarap mo!” pahayag ng ina sa telepono.

“Naku ma, ang dami kong nabiling damit at napuntahang lugar dito, magpapadala ako sa susunod na buwan! Tapos sa susunod na taon na lang ako mag-iipon hehe,” baling ng dalaga.

“Basta anak wag masyadong gastadora at ang pera e nauubos baka mapahiya tayo sa mga kapitbahay natin ‘pag umuwi kang luhaan dito,” saad ng ale.

At dumaan ang isang tao na tanging 10,000 lang ang naitabi ng dalaga sa kaniyang pagtratrabaho. Napakalakas kasing kumain ni Kiray at napakahilig mag-shopping ng mga gamit na hindi naman niya kailangan.

At darating ang araw na hindi niya inaasahan.

“You are fired!” sigaw ng manager ni Kiray sa kaniya. Nahuli kasing nangungupit si Kiray sa tip na binibigay ng mga kustomer na labis na ipinagbabawal sa kanila.

Hindi niya masabi sa kaniyang ina ang nangyari dahil natatakot siyang mapahiya dito. Kaya naman agad siyang humanap ng ibang trabaho, namasukan ito bilang isang kasambahay at taga-bantay ng bata. Mas maliit ang sahod niya at mas nahihirapan pa siya.

Image courtesy of www.google.com

“Anak, yung tindahan natin nilooban! Halos walang natira, baka naman maaari kang magpadala,” saad ni Aling Helen sa telepono.

Advertisement

“Mama, wala ba kayong natira doon sa mga napadala ko dati? Kasi ano po e, may ano… Sige, sige… Magpapadala po ako,” saad ng dalaga sabay baba ng telepono.

Napagpasyahan ni Kiray na umuwi na lang kaysa sa ipadala niya ang katangi-tanging naitabi na 10,000 sa loob ng kaniyang dalawang taong pagtratrabaho.

Kaya naman agad siyang nagpaalam sa pinapasukan at tsaka ito umuwi suot ang magagandang damit at magagarang alahas na hindi naman tunay na ginto.

“Mama, nandito na ang anak mong mag-aahon sa’yo sa kahirapan!” salubong niya sa ina ngunit nagulantang siyang halos wala pala talagang natira sa kanilang tindahan at sardinas lang din ang kinakain nila para sa tanghalian.

“Anak! Bakit ka umuwi? Kailangan natin ng pera ngayon e,” pahayag ni Aling Helen sa anak.

“May sampung libo naman na akong ipon mama, huwag kayong mag-alala,” baling ni Kiray sa ina.

“Naku anak, kulang ‘yan. Sa gamot pa lang ng kapatid mo e kulang na yan, pasensya ka na anak at ikaw lang talaga ang maasahan namin ngayon,” malungkot na sagot ng ale.

Image courtesy of www.google.com

Masakit man sa loob ni Kiray ay agad siyang lumipad pabalik sa ibang bansa at dalawang trabaho agad ang kaniyang pinasok para makaipon. Doon niya napagtanto na hindi biro ang kumita sa ibang bansa. Kahit pa nga gusto niyang bumili ng mga luho niya ay hindi na niya magawa dahil siya ang tanging inaasahan sa pamilya.

Advertisement

Naibangon naman niya ang kanilang sari-sari store ngunit hindi na ito kagaya ng dati dahil marami nang nagsulputan na maliliit na tindahan sa kanilang lugar kaya marami na itong kakumpitensya.

Lumipas ang limang taong pagtratrabaho ay umuwi na si Kiray sa Pinas dahil nagkasakit ang kaniyang ina at hindi ito maaalagaan ng kaniyang kapatid.

Nanlumo siya sa kaniyang naabutan dahil marami nang mas magaganda ang bahay sa kanila kahit pa nga hindi nag-abroad ang mga ito.

Bigla-bigla ay naglaho ang yabang ni Kiray at natutunan niyang makipagkapwa tao at magpakumbaba sa kaniyang mga kapitbahay dahil alam na niya ang ibat-ibang hirap na nararanasan ng lahat makaahon lamang sa buhay.

Hindi rin biro ang pag aabroad at hindi ibig sabihin na kapag sa ibang bansa nagtrabaho ay agad nang aasenso. Ngayon ay mas binigyan niyang halaga ang bawat kusing na kinikita at hindi na muli siyang nagsalita ng masama tungkol sa buhay ng ibang tao.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.