Napakalaki ng Pagsisisi ng Babaeng Mahilig Mangolekto ng Lumang Gamit nang May Masamang Espiritu na Kasama ang Salaming Nabili

Napakahilig mangolekta ni Lavinia ng mga antigong gamit. Mula sa mga vase, orasan, pang dekorasyon at kung ano ano pang gamit sa bahay. Bagaman binalaan ng kaniyang mga kaibigan na iwasan ang pangongolekta nito ay hindi siya tumigil.

“Mamaya isa palang masamang tao ang dating may-ari niyan,ayon sa nabasa ko ay madalas na naninirahan ang isang espiritu sa kanilang mga naiwang gamit.” wika ng kaniyang isang kaibigan.

“Nagpapaniwala ka riyan, hindi yan totoo, napakarami ko ng antigo dito wala naman akong nakikitang espiritu.” depensa niya.

Image courtesy of www.google.com

Minsan siyang napadaan sa isang tindahan ng mga antigo at pumukaw sa kaniyang atensyon ang isang lumang salamin.

“Ate magkano ito?” tanong niya sa tindera.

“Ay ma’am 5000 po, ayon sa dating nagmamay-ari niyan ay mas matanda pa raw ang salamin na iyan sa kaniyang lola sa talampakan, pero iningatan nila kaya maganda pa rin ang itsura.”

Binili agad ni Lavinia ang salamin at inilagay ito sa isang dingding sa kaniyang silid, pinalinisan niya rin ito sa kaniyang kasambahay.

“Ma’am, napakaganda naman ng salamin na ito, kaya lang ay parang medyo nakakatakot manalamin dito.”

Advertisement Image courtesy of www.google.com

“Oo mahal nga ng bili ko riyan eh, sa tingin ko ay bagay na bagay yan dito sa aking silid.” sagot niya.

Araw-araw siyang nanalamin dito bago pumasok sa trabaho ngunit makalipas ang isang linggo ay napansin niyang madalas na may marka ng kamay ang salamin.

“Yaya, bakit palaging may bakat ng kamay ang salamin ko, kahit anong linis ay pilit pa ding bumabalik.” tanong niya sa kasambahay.

“Naku hindi ko din po alam ma’am, wala naman pong pumapasok dito sa kwarto niyo.”

Palagi niyang pinapalinisan ang salamin ngunit sa tuwing gigising siya sa umaga ay bumabalik ang marka ng kamay. Naikuwento niya na rin ito sa kaniyang kaibigan.

Image courtesy of www.google.com

“Sinabi ko naman sayo Lavinia, paano kung masamang elemento ang nakatira sa salamin mo?” wika nito.

“Hindi naman siguro, ilang araw na rin naman yang nandito sa bahay, wala namang nangyayari sa akin.Pinagti-tripan siguro ako ng kasambahay.” paliwanag niya.

“Mabuti pa magpatawag na tayo ng marunong mag-Feng Shui,yung may kaalaman sa Chinese malas at swerte, may kakilala ako teka tatawagan ko.”

Advertisement

Nang sumunod na araw ay dumating ang kaniyang kaibigan kasama ang isang matandang babae, nasa sala pa lamang ang matanda ay may kakaiba na itong nararamdaman.

Image courtesy of www.google.com

“May galit na espiritu ang naniniraham rito sa bahay mo, sa nakikita ko ay nasa loob ng isang salamin.” ayon sa matanda.

Nanlaki ang mata ni Lavinia dahil wala pa naman silang sinasabing kahit na ano sa matanda, dinala niya sila sa kaniyang silid. Ilang minutong tiningnan at inusisa ng matanda ang kaniyang salamin.

“Hindi! Hindi ito maari!” biglang sigaw ng matanda.

“Bakit? Anong nakikita niyo?” tanong ni Lavinia.

“May isang masamang elemento ang nakatira sa salamin na ito, naghihintay lamang ito ng tamang panahon upang makalaya at sakupin ang katawan mo.” sagot nito sa kaniya habang tinatakpan ang salamin.

Inirekomenda ng matanda na basagin at ilibing ni Lavinia ang salamin. Kung hindi niya ito susundin ay maaring magdulot ito ng kapahamakan sa kaniya.

Sumang-ayon na si Lavinia sa matanda ngunit hahawakan pa lamang niya ang salamin ay tila may pwersa ng tumulak sa kaniya.

Advertisement

“Lavinia!” sigaw ng kaniyang kaibigan.

Dahil sa pangyayaring iyon ay napilitan ang matanda na magdasal sa ibang lenggwahe upang pansamantalang pahinain ang pwersa ng espiritu.

“Dali! Basagin mo na!” utos nito sa kaniya.

Image courtesy of www.google.com

Inihagis ni Lavinia ang isang flower vase sa salamin at tuluyan na itong nabasag, sa pagbagsak nito sa sahig ay may isang malakas na hangin ang bumalot sa kaniyang silid, dali-dali nilang inipon ang basag na salamin at inilagay sa isang kahon bago ito inilibing.

“Salamat sa tulong niyo ha, kung hindi siguro kayo pumunta dito baka wala na ako sa sarili ko.”

“Wala iyon Lavinia. Ang mahalaga wala na yung salamin na yun.” sagot ng kaniyang kaibigan.

“Wala namang masama sa pangongolekta ng antigong kagamitan, ngunit sa susunod ay mas mabuting pabendisyunan mo muna ito para na rin sa kaligtasan mo.” dagdag pa ng matanda.

Image courtesy of www.google.com

Sinunod ni Lavinia ang payo nito at mula noon ay mas naging maingat na siya sa pagpili ng mga antigong pinamimili. Minsan ay pinapatawag niya ang matandang babae upang mausisang mabuti ang kaniyang mga antigo at maiwasan ang masasamang espiritu.

Advertisement

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!