Isang Babaeng Wala nang Pag-asang Gumaling, Pinagtuunan ng Pansin ng Doktor Dahil sa Isang Sikreto

Nagtitinda ng tinapa si Leo para makatulong kahit kaunti sa pamilya at para mayroong pambaon sa eskwela. Isang hapon ay gutum na gutom na siya dahil hindi siya nananghalian, pero mahina ang benta ng tinapa, kaya hindi rin siya makabili ng pagkain.

Napadaan siya sa isang malaking bahay at naglakas loob na magbenta rito, kahit pa mukhang hindi naman papansinin ng may ari ng bahay ang hamak na mga tinapa.

“Tinapa! Atsara!!!!” Sigaw niya sa tapat ng bahay.

Sumakto naman na may isang dalaga ang lumabas ng gate at nakatingin lang sa kanya.

“Ma’am, tinapa ho?” parang Diyosa ang babae at baka nga hindi nito alam ang tinapa, sa isip isip ni Leo.

“Sige? Magkano nga yan?” Sabi ng nag aalangang babae.

“25 pesos ho.” Alam naman ni Leo na hindi naman yata talaga alam ng babae ang tinapa, naaawa lang ang babae kaya bumili sa kanya, tatlo pa nga ang binili nito.Pagkatapos magbayad, nagsalita ang babae.

Advertisement

“Sandali lang, hintayin mo ako dito.” Sabi nito sabay pasok sa loob ng bahay. Pagbalik nito ay may dala itong isang baso ng gatas.

“Inumin mo..alam kong nagugutom kana.” Nahihiya man ay talaga namang gutom na gutom na si Leo at parang nakakatakam ang gatas. Isang beses lang yata siya nakatikim noon sa buong buhay niya ngayon may malay na siya.

Umalis siya sa lugar na iyon matapos magpasalamat sa dalaga, puno ng pag asa na may mabubuting tao pa rin sa mundong ito.

Makalipas ang maraming taon ay nagkasakit si Josephine, ang dalaga na dating mayaman ngayon ay sinubok ng buhay.Naghirap sila at nakadagdag pa ang gamutan niya. Si Dr. Vera ang naatasang tumutok at mag opera sa pasyente. Nang marinig niya ang lugar kung saan nagmula ang babae, nagliwanag ang mukha niya.

Dali dali siyang pumunta sa kwarto nito, at nakumpirma niyang ito nga ang matulunging babae noon.

Ginawa ni Dr.Vera ang lahat para iligtas ang buhay ng babae at nagtagumpay naman ito. Matapos operahan ang babae ay bumalik na siya sa opisina niya kung saan naroon ang nurse at pinapirmahan sa kanya ang final bill ng pasyente.

Advertisement

Malaki man ang pasasalamat ni Josephine dahil nadugtungan ang buhay nya, ay ganoon rin kalaki ang takot dahil alam niyang wala naman silang pambayad sa ospital.

Nanginginig pa ang kamay niya nang silipin ang hospital bill, at nagulat siya sa nakasulat doon.

‘PAID. (bayad na ng isang basong gatas Signed, Dr.Leo Vera)’

Ano ang natutunan ninyong aral sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.