Nagtaka ang Binatang Ito nang Biglang Hindi Siya Inimik ng Kaniyang Ina, Ayun Naman Pala’y May Mabigat na Pinagdadaanan ang Ale, Ano Kaya Ito?

Parehas na 30 anyos na sina Mang Boyet at Aling Nene nang sila ay ikinasal at dahil na rin sa komplikasyon ng pagbubuntis ay hindi na nasundan pa ang kanilang anak na si Albert.

Image courtesy of www.google.com

“Mahal, ayos lang bang huminto na ako sa aking trabaho? Gusto kong tutukan ang paglaki ng ating anak,” saad ni Aling Nene na noon ay karga ang kaniyang sangol na limang buwang gulang.

“Kung iyan ang gusto mo mahal, susuportahan kita. Isang malaking sakripisyo ang gagawin mong iyan at ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako dahil alam kong magiging mabuti kang ina,” baling naman ni Mang Boyet.

Parehas na accountant ang dalawa, parehas rin itong nakapagpundar na para sa kanilang mga sarili at kani-kaniyang pamilya. Kaya ngayong dumating ang pinakahihintay nilang biyaya ay talagang nag-uumapaw ang kanilang kaligayahan.

Katulad ng maraming nanay, halos mabaliw rin si Aling Nene kakabantay sa kaniyang unico hijo. Hindi maaring dampian ng lamok, langaw at kahit ano pang insekto. Binigay rin nila ang lahat ng pangangailangan ng sanggol, madalas pa nga ay sobra-sobra ang mga ito.

“Mahal, punasan mo na iyang luha mo,” wika ni Mang Delfin.

“Naiiyak lang akong nakapagtapos na si Albert,” baling naman ng ale.

“Mahal, kinder pa lang ang tinapos ng anak natin. Baka maubos iyang luha mo kapag hindi ka tumigil dahil marami ka pang iiyakan,” pahayag naman ni mister at parehas silang natawa.

Advertisement Image courtesy of www.google.com

Napakababaw ng luha ng ale, lahat na lang yata ng nangyayari sa kaniyang anak ay iniyakan niya. Noong unang beses itong nakapaglakad, kumain ng solid food, nakapagsuot ng sapatos, nakapagbasa, nakapagsulat, at marami pang iba.

Lumipas ang maraming taon at nakapagtapos na ng highschool si Albert at hindi na rin maitatago ang pag bibinata ng lalaki, nagsisimula na itong umiwas sa kaniyang ina na hanggang ngayon ay hatid-sundo pa rin siya.

Image courtesy of www.google.com

“Mahal, magkokolehiyo na si Albert. Pwede na natin siyang pakawalan sa mundo,” wika ni Mang Delfin sa kaniyang misis.

“Hindi pwede mahal, baby boy ko pa rin si Albert at 16 anyos lang ang bata. Maloloko pa ‘yon ng maraming tao kaya kailangan niya ng gabay ko, gabay natin,” baling naman ni Aling Nene na halatang-halatang aligaga sa mungkahi ng kaniyang mister.

“Gagabayan pa rin natin ang anak natin, syempre. Pero nagsabi kasi sa akin yung bata na kung pwede e hindi na ikaw ang sumundo sa kaniya sa eskwela dahil inaasar lang siya ng kaniyang mga kaklaseng mama’s boy,” nakangiting pahayag ni mister.

Napayuko na lang si Aling Nene at tinanggap ang sabi ng lalaki. Alam naman niyang tama ang kaniyang asawa at inaasahan na rin niyang darating ang ganitong araw kung saan lalaki at lalaki ang kaniyang anak at hindi na niya ito maaring kargahin at ipagdamot pa sa mundo.

Hangang sa lumipas ang apat na taon, nakapagtapos na si Albert ng kolehiyo at wagas naman ang pag-iyak ng kaniyang ina.

“Ma, hindi ho ako sumakabilang buhay. Nagtapos lang ho ako kaya itigil niyo na ho iyang pag-iyak niyo,” saad ni Albert at natatawang tinatakpan ng kaniyang toga ang inang lumuluha.

Advertisement

“Masaya lang ako anak, sobrang masaya lang ako. Matanda na talaga ang mama mo dahil graduate ka na ng collge, wala na ang baby ko,” at umiyak pang lalo ang ale.

Image courtesy of www.google.com

Nagtawanan na lang ang tatlo at kumain para ipagdiwang ang pagtatapos ng binata.

“Mama, papa, nga po pala sa susunod na linggo ay lilipat na ako sa may Pasay. Umupa kasi kami ng maliit na kwarto ng mga kaibigan ko dahil iisa lang kami ng papasukang trabaho,” pahayag ni Albert habang sila ay kumakain.

“Akalain mo nga naman, napakaresponsable talaga ng anak ko! Manang-mana ka sa akin. Di namin alam na may trabaho ka na pala, sige anak. Galingan mo at lagi mong tatandaan na nandito lang kami lagi ng mama mo para sa’yo,” mabilis na sumagot si Mang Delfin.

Nagulat naman ang dalawang hindi nagsalita si Aling Nene at napaluha na lang itong muli, sabay silang nagtinginan at tinaas ang kanilang mga kilay. Mukhang masaya naman ang ale kaya itinuloy na lang nila ang pagkain at buong araw na nag-ikot sa mall.

Napapansin ni Albert na hindi umiimik ang kaniyang ina simula nang makauwi sila noong araw ng kaniyang pagtatapos at ngayong isang araw na lang ay hihiwalay na siya, nais niyang maging maayos ang kanilang paghihiwalay.

“Ma, galit ka ba sa’kin?” tanong ni Albert sa kaniyang ina.

“Hindi anak, bakit naman ako magagalit sa’yo?” sagot naman ng ale.

Advertisement

“E bakit hindi mo ako pinapansin, hindi mo rin ako kinakausap. Iimik ka lang ‘pag tinanong ka, e hindi ka naman ganyan dati mama e,” baling muli ng binata.

“Naiisip ko lang na baka mali ang pagpapalaki ko sa’yo, na baka sumobra ako sa pag-aalaga at pagmamahal kaya nga aalis ka na ngayon at ang masakit pa nga ay hindi ka man lang nagsabi sa akin,” nagsimulang pumatak ang luha ng ale.

“Sabi ko na e, ma! Hindi ho mali ang pagpapalaki niyo sa akin. Higit sa lahat, kayo ho ang pinaka the best na nanay sa buong mundo at kaya ako aalis dahil pinalaki niyo ako ng tama. Ngayon, handang-handa na ho akong harapin ang mundo dahil sa pagmamahal niyo. Hindi po ibig sabihin na aalis ako ay may mali sa inyo, sorry po kung hindi ko pina-alam muna, akala ko kasi mas matutuwa kayong malaman iyon kagaya ni papa. Sorry ma,” sabay yakap ng binata sa ale.

“Pasensya ka na anak kung napaka emosyonal kong nanay, alam mo naman na ikaw lang ang tanging kayamanan na meron ako. Kayo lang ng tatay mo ang tanging saya ko sa buhay, kaya sobra akong nalulungkot na aalis ka na,” saad ni Aling Nene.

“Ma, hindi ako aalis sa buhay niyo, sa bahay lang po. Parati ko pa rin naman ho kayong dadalawin at huwag po kayong mag-aalala, ako pa rin ang baby boy niyo,” baling ng binata sabay yakap sa ale at nagtawanan ang dalawa.

Image courtesy of www.google.com

Ngayon ay naiinitidihan na ni Aling Nene na dumating na nga ang araw na kinakatakutan niya at ito ang araw na tumayo na si Albert sa sarili niyang paa. Akala niya ay puro hinanaing ang kaniyang mararamdaman ngunit ngayon ay labis na kasiyahan ang mayroon sa puso niya, masarap palang makita ang kaniyang anak na matagumpay sa buhay kahit pa nga hindi niya ito binubuntutan.