Dahil sa Labis na Pagsinta sa Isang Babae, Isang Nakakakilabot na Mundo ang Kanyang Pinasok

Si Lenard, isang mag-aaral sa kolehiyo na nagmahal ng isang babaeng nagngangalang Elizabeth du Barry. Hindi naman niya inasahan na magkakasama pala sila sa iisang klase, kaya sa hindi inaasahang pagkakataon, sila ay naging malapit sa isa’t isa.

Lalong nahulog ang loob ni Lenard kay Elizabeth.

Patapos na ang ikalawang semestre noon. Kung kaya’t hindi mapiglan ni Lenard na gumawa ng paraan upang ipagtapat na kay Elizabeth ang kanyang nararamdaman. Gumawa siya ng sulat at inipit ito sa aklat na nasa mesa ng babae habang break time ng mga estudyante.

Pag uwi sa bahay, hindi mapakali si Lenard dahil nag-aalala siya sa kung anong mangyayari matapos basahin ni Elizabeth ang sulat. Kinabukasan, hindi siya pinapansin o kinakausap manlang nito.

Ganito nang ganito ang pangyayari sa dalawang araw matapos niyang ibigay ang sulat. Sa sobrang lungkot na tila ba gumuho na ang mundo ni Lenard, hindi na siya nakapagpigil na lapitan at kausapin si Elizabeth. Ngunit bago pa man siya makapagsalita, may iniabot ang babaena maliit na papel sa kanya sabay alis na wala manlang siyang narinig na anumang salita mula dito.

Nang buklatin niya ang papel, isa pala itong imbitasyon sa isang piging na gaganapin sa bahay ng mga ito.

Kinabukasan ay pumunta siya sa piging. May kalayuan at liblib pala ang lugar nitong si Elizabeth. Pagkarating niya doon, agad na may sumalubong sa kanya na isang napakagarang kotse. Lulan ng sasakyang ito si Elizabeth. Iniaabot ni Elizabeth ang kanyang kamay kay Lenard upang pasakayin sa sasakyan.

Pagkarating nila sa isang malaking hardin, napansin ni Lenard na tila siya lamang ang naiiba sa kanilang lahat dahil ang lahat ng taong nandoon ay pawang mga dugong bughaw.

Advertisement

Ang kulay ng kanilang mga buhok ay ginto. Lahat sila ay mapuputi at anyong mayayaman.

Hindi naman niya naramdamang siya ay naiiba sakanila pagkat ang mga tao doon ay mababait at may pakisama sa kaniya. Kahit pasulyap-sulyap lamang siya kay Elizabeth, ang gabing iyon ay maituturing niyang pinakamasaya sapagkat nakasama niya at nakilala ang pamilya ng babaeng sinisinta.

Ngunit, biglang nawala ang lahat at tila ba naglaho na parang bula ang mga tao sa paligid maging si Elizabeth. Nagising siya sa isang kwarto na tila ba pamilyar sa kanyang paningin. Nakita niya ang kanyang ina na tuwang-tuwa at nagpapasalamat dahil nagising na ang kanyang anak.

Matapos magising sa katotohanan, ikinwento ng kanyang ina ang lahat ng nangyari sa kanya sa loob ng isang linggo.

Sinabi ng kanyang ina na isang linggo na raw siyang wala sa sarili. Wala siyang kilala kahit isa sa kanyang mga kamag-anak at lagi raw siyang nakatulala. Nagsimula raw ito matapos siyang matagpuan ng isang lalaki na nakahandusay sa gitna ng kalsada sa isang di-kilalang lugar.

Nagising na lamang daw siya nang may isang batang hindi taga-roon ang nag-abot ng isang maliit na papel sa kanyang ina. Binigay ng ina ang sulat kay Lenard. Binuksan niya ito at nakasulat ang mga salitang

Kami man ay marunong ding magmahal.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

Advertisement

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!