Nalunod ang Nag-Iisang Anak ng Mag-Asawa, Hindi Nila Alam Kung Paano Babangong Muli

Matagal na panahong hinintay ni Lorna at Rene ang pagkakaroon ng anak, kaya naman nang mabiyayaan sila matapos ang napakaraming taon ay ibinuhos nila sa anak na si Lorie ang lahat ng pagmamahal.

“Lorie anak, kakain na, mamaya na ang paglalaro.” Wika ni Lorna.

“Opo ma, andiyan na po.” sagot naman nito.

Mula pagkabata nito ay hindi sila nito binigyan ng kahit na anong sakit ng ulo, naging masunurin si Lorie sa kaniyang mga magulang kaya naman napakasaya ng kanilang pamilya.

“Papa, gusto niyo pong kape?” tanong ng bata.

“Napakabait talaga nitong anak ko, sige pagtimpla mo si papa.” sagot ni Rene.

Kahit nga nang magdalaga si Lorie ay hindi pa rin nito sinusuway ang mga habilin ng kaniyang magulang. Mas pinipili rin nito ang pagsama sa kaniyang mga kaibigan upang hindi siya maligaw ng landas.

“Lorie, sama ka na sa amin, isang araw na outing lang naman iyon uuwi rin tayo.” Paanyaya ng kaniyang kaklase.

Advertisement

“Hindi talaga pwede eh, tutulungan ko kasi si mama sa labada sa araw na iyon, kayo na lang.” Sagot niya.

Bagaman alam niyang maari naman siyang payagan ng kaniyang mga magulang ay mas gusto niyang tulungan na lamang ang mga ito sa gawaing bahay.

“Anak, sabado ngayon baka gusto mong mamasyal kasama ang mga kaibigan mo.” Wika ni Lorna.

“Sa susunod na lang po ma, may eksam kami sa Lunes, kailangan ko pong mag-aral. muna.” sagot niya.

Napangiti na lang si Lorna sa sinagot ng anak at hinayaan na ito sa kaniyang pag-aaral. Dalawang linggo matapos ang taunang eksaminasyon nina Lorie sa paaralan ay muling nagkayayaan ang kaniyang mga kaklase na mag outing ng dalawang araw.

“Lorie, baka naman tanggihan mo pa kami, tara na, mag celebrate tayo dahil lahat tayo ay nakapasa sa pagsusulit.”

“Pagiisipan ko muna ha, magpapaalam din muna ako sa magulang ko.” sagot niya.

Nagaalinlangan si Lorie na sumama sa mga kaklase, ayaw niyang matawag na “kill joy” ngunit ayaw rin niyang bigyan ng dahilan ang kaniyang mga magulang para mag-aalala.

Advertisement

“Pa. ma, nagkakayayaan po kasi ang aming klase na mag outing, selebrasyon daw dahil lahat kami ay pumasa, pwede po kaya akong sumama?” tanong niya.

Nagkatinginan ang mag-asawa, ito ang unang pagkakataon na nagpaalam si Lorie na sasama siya sa isang outing. Wala namang nakikitang dahilan ang mag-asawa para pagbawalan ang anak kaya’t pinayagan nila ito. Nang sumunod na Sabado ay tumungo na si Lorie sa outing kasama ang mga kaklase.

Masaya sialng nagkakantahan at nagkukwentuhan nang mapansin nilang may babaeng lumulutang na lang sa dagat. Laking pag-aalala nila nang makita ang damit na suot nito.

“Si Lorie!” Sigaw ng isa. Nagkagulo ang lahat at agad na kinuha ang babae, sinubukan itong iligtas ng ibang naroroon ngunit hindi na ito nagigising. Agad din siyang sinugod sa ospital. Samantalang tinawagan ng isa sa kanila ang nanay ni Lorie.

“Hello?” Sagot ni Lorna sa telepono.

“Hello, tita si Lorie sinugod po namin siya sa ospital, nakita nalang namin siya na nakalutang sa dagat, puntahan niyo po kami.”

Nataranta ang mag-asawa at agad na nagtungo sa ospital. Ngunit pagdating nila doon ay huli na ang lahat at hindi na naisalba ang buhay ng kanilang anak. Halos gumuho ang mundo ng mag-asawa sa pangyayaring iyon.

“Kung alam ko lang Rene, hindi na natin siya dapat pinayagan.” Pagdadalamhati ni Lorna.

Advertisement

“Wag na wag mong sisisihin ang sarili mo, hindi yan magugustuhan ng anak natin.” sagot ni Rene.

Isang malaking dagok ang kanilang kinaharap sa pagkawala ng minamahal na anak, lumipas man ang ilang buwan ay hindi mawala-wala ang bigat sa kanilang dibdib. Labis nilang ipinagluksa ang biglaang pagpanaw nito.

Sa anibersaryo ng pagkamatay ni Lorie ay naisipan nilang puntahan ang lugar ng pinangyarihan ng trahedya. Kasabay ng paglubog ng araw ay pinalaya nila sa kanilang mga puso ang pait na dulot ng nagdaang taon.

“Anak, pinapalaya ka na namin, sana ay masaya ka kung nasaan ka man.” Wika ni Rene.

“Miss na miss na kita Lorie, pero wag ka ng magaalala sa amin, magkikita din tayo balang araw.” tugon ni Lorna.

Iniwan na nila sa lugar na iyon ang masakit na ala-ala at ipinagpatuloy ang kanilang buhay dala ang pag-asang mahahagkan muli nila ang nag-iisang anak sa takdang panahon.

Ang pagkawala ng minamahal na anak ang isa sa pinakamasakit na bagay na maaring maranasan ng isang magulang, kaya’t iparamdam natin sa kanila ang ating pagmamahal hangga’t may pagkakataon pa.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

Advertisement

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!