Pinakain ng Kanin Baboy ang Pobreng Dalagang Ito ng Kaniyang Madrasta; Naging Daan Pa Ito Upang Magantimpalaan Siya

“Hoy, Blessing! Ano’ng tingin mo sa sarili mo, prinsesa? Bumangon ka diyan at maglinis ka na ng bahay! Sabadong-sabado eh uumpisahan mo ‘ko ng paghilata! Kilos! Wala na ang nanay mo, hindi ka na bida dito! Ako na ang mas mahal ng ama mo kaysa sa ‘yo! Suot mo pa iyang wedding ring ng nanay mo! Jologs ka talaga!” Sigaw ng bagong asawa ni Jo na si Sha.

Matamis ang naging pagsasama ng mga magulang ni Blessing na sina Jo at Wina. May edad na ang dalawa nang magkakilala at magpakasal. Inakala pa nilang hindi na sila magkaka-anak pa sapagkat kuwarenta na si Wina nang sinubukan nilang makabuo. Ngunit laking gulat nila nang wala pang isang buwan ay nagsusuka na si Wina at napag-alamang nagdadalang tao na nga ito.

Kahit nahirapan si Wina sa pagbubutis ay masayang-masaya ang mag-asawa. Blessing ang ipinangalan nila sa sanggol sapagkat hulog daw ito ng langit.

Mahusay na ilaw ng tahanan si Wina. Areglado ang lahat ng pangangailangan ni Jo na isang ahente ng mga mamahaling sasakyan at alagang-alaga naman si Blessing. Lumaki itong busog sa pagmamahal ng kaniyang mga pinakamamahal na magulang.

Lagi naman itong top 1 sa eskuwela at nangunguna pati na rin sa mga extra curricular activities.

Nang tumungtong ito ng kolehiyo ay nakatanggap ito ng iskolarship mula sa isang prestihiyosong unibersidad sa kanilang probinsya.

Tila perpekto na sana ang buhay ng kanilang pamilya hanggang sa napag-alaman nilang may malubhang sakit sa kidney si Wina. Inilaban nila ang buhay nito hanggang sa huling sentimong natitira sa ipon ng asawang si Jo ngunit binawian pa rin ito ng buhay.

Apat na taon na ang nakalipas at gulat na gulat si Blessing nang ipakilala ng ama si Sha. Bata pa ito at halos kaedad lamang niya. Palibhasa’y mula nang mawala ang ina’y nagpabaya na sa sarili si Jo at panay ang tambay sa mga beer house. Doon niya nakilala ang 23 anyos na si Sha na isang waitress.

Advertisement

Wais na babae si Sha. Dahil alam niyang may life insurance si Wina at may malaking hawak na pera si Jo ay pinakasalan niya ito kahit halata namang wala siyang pagtingin sa matanda.

Gaya ng inaasahan, mabilis lamang naubos ang perang naiwan ni Wina sa mag-ama dahil sa mga bisyo at luho ng kaniyang madrasta.

Kaya naman nagdesisyon si Blessing na magtrabaho bilang isang cashier sa maliit na grocery na malapit sa kanilang bahay habang nag-aaral.

May grado itong iniingatan upang mapanatili ang kaniyang iskolarship kaya minsa’y inaabot ito ng madaling araw sa pagrereview. Imbes na matuwa ang madrasta’y galit na galit ito tuwing tinatanghali ng gising ang dalaga.

“Beh, pabayaan mo na naman si Blessing. Mantakin mong nagtratrabaho iyan habang nag-aaral. Sana nama’y bigyang konsiderasyon mo din.” Wika ni Jo.

Busangot ang mukhang lumabas ng bahay si Sha sa narinig.

Halos wala nang ginagawa sa bahay si Sha dahil iniaasa lamang nito lahat ng gawain kay Blessing.

Isang araw ay umuwi itong galit na galit nang matalo sa tong-its. Sakto namang wala si Jo dahil may buyer ito ng sasakyan.

Advertisement

“Hoy, sino ‘yong lalakeng naghatid sa iyo sa may kanto?! Kaya pala minsan eh tanghali ka na kung magising! Ang landi landi mo! Tignan mo ‘tong kanin baboy ni hindi mo magawang ilabas para makuha ni Mang Andoy! Inuuod na! Hayop ka talagang animal ka!”

“Hindi ako pinalaki ng maayos nila mommy at daddy ko para ganyanin mo lang! Isa pa’y may pinag-aralan ako, hindi gaya mo!”

“Ah ganoon ba!? Halika dito! Lamunin mo to!!!” Sabay dinakot ng madrasta ang kanin baboy at pilit na ibinuka ang bibig ng dalaga. Pagkatapos ay sinalpak iyon sa bibig niya.

Palibhasay hinang-hina na si Blessing sapagkat galing ito sa trabaho at mataas ang kaniyang lagnat kaya’t hindi niya nagawang manlaban ng pisikalan kay Sha. Kung hindi nga lang siya hinatid ng kaniyang katrabahong bakla ay hindi niya magagawang makalakad pa.

“Nguyain mo ‘yan! Hayop ka! Malandi ka!” Sabay ibinalibag nito ang natitirang laman ng lata ng mga inuuod na pagkain sa dalaga at lumabas ng bahay.

Naiwan si Blessing na masuka-suka at humahagulgol.

Ng araw ding iyon ay ipinangako niya sa sarili na lalo siyang magsisikap sa buhay at magdodoble kayod. Kakausapin niyang mabuti ang ama upang magtungo ng Maynila at doon na manirahan.

Nang mahimasmasan ay lumabas muna siya ng bahay upang sana’y habulin ang walanghiyang madrasta at labanan.

Advertisement

Laking gulat niya nang matagpuan ang isang inahing baboy sa labas ng kanilang bahay. Tila gutom na gutom ito. Agad niyang dinampot ang mga tirang ulam sa loob ng kanilang bahay at pinakain ito.

“Nak, nasaksihan ko kung paano ka apihin niyang si Sha. Tiyak na magagalit ang daddy mo kapag nalaman niya ‘yan. Salamat sa pagpapakain mo sa inahing baboy ko. Buntis kasi iyan at gutumin.” Wika ng kapitbahay nilang si Mang Andoy.

“Ay, Tatay Andoy! Ano hong nangyari sa paa ninyo?” Mistulang naaagnas na ang kaliwang paa nito kaya’t hindi na ito makalakad ng maayos.

“Malala na ang diabetes ko. Gusto ng mga doktor na putulin ang paa ko pero hindi ako pumayag. Nag-iisa na lamang ako sa buhay. Nasa langit na rin ang asawa ko, gusto ko na siyang makapiling.” Palangiti ang matanda noon pa man pero halatang nangingilid na ang mga luha nito.

“Pumasok na ho kayo sa bahay. Gagamutin ko ang paa ninyo.” Nasusulasok na ang dalaga sa amoy ng kanin baboy sa kaniyang damit ngunit mas hindi niya kinaya ang nangangamoy na sugat sa paa ni Mang Andoy. Awang-awa lamang siya sa matanda kaya’t tiniis niya ang amoy nito.

Matapos gamutin ang paa ng matanda ay hinatid pa ito ni Blessing sa kanilang bahay at saka siya naligo.

Maya-maya’y dumating na ang kaniyang ama kasama si Sha.

“Hi, Blessing. May uwi kaming litson manok para sa ‘yo.” Nakangiting bungad ni Sha na tila walang ginawang kawalanghiyaan sa kaniya.

Advertisement

“Nak, nakabenta ako ng sasakyan. Ito, 2,000 pesos… Idagdag mo na sa baon mo ngayong buwan. Hindi ko na rin maalala kung kailan kita huling naabutan ng pera.” Wika ng kaniyang ama.

Noon lamang niya ulit nakitang maligaya ang kaniyang ama kaya’t napagdesisyunan ng dalagang huwag na lamang munang magsumbong dito. Huling-huli pa niya ang madrasta na masama ang tingin sa kaniya nang abutin niya ang perang ibinigay ng ama.

Lumipas ang tatlong araw at nagulat si Blessing nang pag-uwi ay naabutan niya si Mang Andoy sa labas ng kanilang bahay. May tangay itong malaking kahon at tila hingal na hingal ang matanda.

“Anak… Blessing… Kagabi ay kinausap ako ng asawa ko sa aking panaginip… Nalalapit na raw ang aming muling pagsasama sa kamay ng Panginoon… Bilang wala naman akong mga anak at ang ibang mga kamag-anak ko’y nasa malalayong lugar na’t wala man lamang malasakit sa akin… Palibhasa’y ang tingin nila sa akin ay dukha… Sa iyo ko na ipamamana ang aking ipon pati na rin ang aking mga baboy… Ito na rin ang mga titulo ng aking lupa. Nakausap ko na ang aking abogadong si Mr. Marquez. Bukas na bukas din ay mag-usap kayo. Nagawa ko na ang aking testamento. Paalam, Blessing.” Niyakap siya ng mahigpit ni Mang Andoy at bakas sa mukha nito ang matinding kagalakan.

Sa bigat ng kahon ay napayuko si Blessing nang buhatin ito. Hahabulin niya pa sana si Mang Andoy ngunit hindi na rin siya nakapaghintay malaman kung ano ang laman ng kahong iyon.

Sinamantala naman ni Blessing na buksan ang laman ng kahon habang wala pa ang madrasta at ang kaniyang ama.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang patong-patong na dokumento, tila mga titulo ng lupa. Sa ibabaw noon ay may testamentong nakalahad na sa kaniya ipinangalan ng matanda ang lahat ng ari-arian nito. Pag-angat niya sa mga papel ay naroon naman ang mga tig-iisang libong bundle ng pera. Apat na bundle iyon at nang bilangin niya ang isang bundle ay bumilis ang tibok ng kaniyang puso. APAT NA MILYONG PISO at isang katerbang lupain ang iniwan ni Mang Andoy sa kaniya! Kaya pala mabigat ito’y may limang gold bars pang kasama. Tumayo siya upang ibalik ito kay Mang Andoy nang may nalaglag na tarheta mula sa loob ng kahon.

“Atty. Ryan Marquez” Naroon din ang numero nito.

Advertisement

Maya-maya’y naulinigan niya ang boses ng ama at ng madrasta. Tila nagtatalo ang dalawa kaya agad siyang pumasok ng kaniyang silid at tinago ang kahon sa ilalim ng kama niya.

“Eh ano ngayon kung naubos na ang pera natin? Kailangan ko ng 35,000 sa Biyernes. Sinalanta ng bagyo ang bahay ng nanay ko sa Cagayan at kailangang mapagawa iyon. Kung hindi ay wala silang matutulugan!” Sigaw ni Sha.

“Beh, wala nga akong pera. Ipapangutang kita pero hindi ko alam kung kailan ko makukuha ang pera sa kumpare ko.” Maamong tugon ni Jo.

“Kung ganyan rin lamang ay maghiwalay na tayo! Babalik ako sa beer house at magbebenta ulit ng katawan tutal ay wala naman akong mahihita sa inyong mag-ama! Pwe!” Dinuraan pa nito ang asawa sa mukha.

Tila hindi na nakapag-pigil si Jo at akmang sasampalin si Sha ngunit pinigilan na lamang ito ng anak.

“Daddy! Pabayaan mo siya! Sige! Bumalik ka na sa pinanggalingan mo Sharlene! Hayop ka! Matapos mong ubusin ang perang naiwan ng mommy ko, ito pa ang isusukli mo sa daddy ko!?”

“Hahaha! Matapang ka!? Bakit? May maipagmamalaki ka na? Gusto mo palamunin ulit kita ng kaning baboy? Oo! Talagang lalayas ako! Akala mo ba eh mahal na mahal ko ang ama mo? Pinagtitiisan ko lang iyan gabi-gabi dahil noon ay may pera pa siya! Puwes, ngayon bahala ka sa buhay mo, Jo! Wala nang ibang papatol sa ‘yong gaya ko! Manigas ka sa gabi! Mamatay na sana kayong mag-ama!” Nanggagalaiting wika nito.

Gulat na gulat naman si Jo sa inasta ng bagong asawa. Hindi na nito pinigilan pa ang babaeng hitad na mag-layas. Bago umalis ay hinakot pa nito ang mga TV, sofa, kalan, at mga appliances sa kanilang bahay sapagkat ipinanalo daw niya sa sugal ang mga pinambili noon.

Advertisement

Nang sa wakas ay makaalis na ang babaeng hitad ay inilahad ni Blessing ang lahat sa kaniyang ama. Agad silang nagtungo sa bahay ni Mang Andoy ngunit huli na ang lahat. Mainit pa ang katawan nito at may ngiti sa mga labi nang kanilang datnan ngunit hindi na ito humihinga.

Sinubukan pa ng mag-amang tumawag ng ambulansya ngunit idineklara sa ospital na mahigit isang oras na daw itong pumanaw nang matagpuan ng mag-ama.

Kinabukasan ay agad kinontak ni Blessing si Atty. Marquez at nagpresinta itong tumungo ng personal sa kanilang bahay.

Napanganga si Blessing nang pagbuksan ng pinto ang guwapong abogado.

“Pirmeng kinukuwento sa akin ni Mang Andoy na napakabuti mo raw sa kaniya. Sa tingin ko naman ay nararapat ka lamang bigyan ng gantimapala dahil sa bukal mong kalooban, Blessing.” Wika nito.

Nauutal pa ang dalaga nang sagutin ito. “Ah… Marami pong salamat. Ipinapangako ko kay Mang Andoy na iingatan at palalaguin ko pa ang lahat ng naiwan niya sa akin. Gaya niya’y tutulong din ako sa mga nangangailangan.”

Mula noon ay naging masagana na ang pamumuhay ng mag-ama. Nagtapos bilang summa cum laude ang dalaga at lumipat na sila ng Maynila upang doon siya kumuha ng masteral’s degree.

Nalaman din niyang binata pa pala si Atty. Marquez at dahil gaya niya’y labis din itong nabighani sa taglay niyang buti at kagandahan ay niligawan siya nito.

Advertisement

Lubos na nagkagaanan ng loob ang dalawa ngunit hindi pa ito sinasagot ni Blessing. Tanging ang pokus niya’y paligayahin ang ama at ibigay dito ang lahat.

Si Sha naman ay naanakan ng isang traysikel drayber at sa nabalitaan ni Blessing ay nagmamanicure at pedicure daw ito ng mga kapitbahay upang may maipangkain lang. Hindi na ito nakabalik ng beer house dahil labis ang tinaba nito mula nang manganak.