Dinukot ang Nobya ng Lalaking Ito Kaya Naman Buong Puso Niyang Sinagip ang Babae, Ngunit May Ibang Matutuklasan ang Binata

Sa edad na 25 anyos ay may sarili nang bar ang binatang si Lucas, ito kasi ang hiniling ng lalaki sa kaniyang magulang noong ito ay nagdaos ng kaniyang ika-21 anyos na kaarawan.

Image courtesy of www.google.com

“Anak, mag-aapat na taon na itong bar mo at mukhang maganda ang pamamalakad mo dito. Kailan mo ba balak pag-aralan man lang yung sa atin?” tanong ng amang si David.

Image courtesy of www.google.com

“Dad, pwede bang saka na lang iyon? Kapag yung nagseryoso na ako sa buhay, ngayon kasi talagang nag-eenjoy pa ako dito sa bar. Hindi ko pa gustong kumulubot ang noo ko kakaisip ng mga benta natin,” baling naman ni Lucas sa ama.

Image courtesy of www.google.com

Furniture shop ang negosyo ng kanilang pamilya at mula pa ito sa mga lolo ni Lucas na ipinasa sa kaniyang ama at ngayon ay sa kanya rin dahil siya ang panganay na lalaki, ang bunso lalaki kasi nila ay sampung taon pa lang kaya sa kaniya talaga pinipilit na ipamahala ang negosyo.

“Anak, hindi na ako bumabata. Dapat ngayon ay alam mo nang patakbuhin ang negosyo natin,” saad ni Mang David sa anak.

Mabait si Lucas na anak yun nga lang napakapilyo naman nito pagdating sa babae at kaya nga bar ang naisip nitong ipatayo dahil ginagawa niyang laruan ang puso ng mga kakababaihan. 15 anyos lang ang binatilyo noong una itong nakipagsiping sa babaeng mas may edad pa sa kaniya at simula noon ay nakasanayan na niyang gawin ito.

Hindi rin naman masisisi si Lucas kung kinababaliwan siya ng mga babae dahil sa taglay nitong gandang lalaki. Matipuno at kayumangi ang kulay, napakalambing at malakas din mambola na naging paraan niya upang makuha ang lahat ng babaeng nakikilala.

“Hayaan mo Dad, ‘pag pinakasalan at nagka-anak na kami ni Jennifer ay magseseryoso na ako sa buhay,” pabirong sagot ni Lucas sa kaniyang ama.

Advertisement

Sa dinami-dami ng mga babae nakilala at pinaglaruan ni Lucas ay tanging si Jennifer lang ang minahal ng lalaki dahil pakiramdam niya ay ibang-iba ito sa lahat.

Image courtesy of www.google.com

Hindi sila sa one night stand nag-umpisa at para siyang bumalik sa pagkabinta na purong kilig at pag-ibig ang kanyang naramdaman sa dalaga. Ngayon nga’y balak pa niyang yayain magpakasal ang nobya kahit anim na buwan pa lang silang magkasintahan.

“Sir Lucas nasa labas po ang kapatid ni Jennifer at nagwawala, gusto kayong maka-usap,” wika ni Allan, ang sekretarya ni Lucas.

Agad na lumabas ang lalaki at kinausap ang kapatid na si Amando. “T*ngina mo Lucas! Dinukot yung kapatid ko dahil sa’yo! Dahil sa mga kagaguhan mo!” sigaw ng lalaki. Hindi maayos ang relasyon ni Lucas sa pamilya ni Jennifer dahil sa kaniyang reputasyon na pagiging play boy, sasaktan at paglalaruan lang rin daw ng lalaki si Jennifer.

Image courtesy of www.google.com

Pinakita ni Amando ang mensahe na kaniyang natangap, “Iligtas mo ako baby! Natatakot ako!” sigaw ni Jennifer sa video. “Kung gusto mong makuha itong babaeng pinaka-iingatan mo ay magdala ka ng 500,000 piso at magkita tayo address na ipapadala ko at huwag na huwag kang magdadala ng pulis dahil baka dugo na lang ang datnan mo,” pahayag naman ng lalaking nakasuot ng itim na damit sa kanyang mukha.

Agad na pinuntahan ni Lucas ang nobya kahit nga mag-isa ang lalaki, alam niyang maraming may galit sa kaniya at naisip niyang kaagad na baka isa ito sa mga nais makaganti. Sa lumang pabrika siya napadpad dala-dala ang limpak-limpak na salapi. Nakita naman niyang naka-upo sa gitna si Jennifer at nakabusal ang bibig.

“Lumuhod ka at ihagis mo ‘yang bag ng pera,” saad ng lalaking tumayo sa likod ni Jennifer na nakatakip pa rin ang mukha.

Ginawa naman iyon ni Lucas at nagmaka-awa, “ Mahal na mahal ko si Jennifer kaya kung galit sa akin, kung may nagawa ako sa’yo o sa kapatid o pinsan mo, pinagsisisihan ko na iyon. Nagbago na ako at iisa na lang ang babae sa buhay ko kaya huwag mo siyang sasaktan,” saad ni Lucas habang nakataas pa ang dalawa niyang kamay dahil sa baril na nakatutok sa kaniya.

Advertisement Image courtesy of www.google.com

Malakas na tawa ang narinig nito mula sa lalaking nakatakip ang mukha, pati nga si Jennifer ay natawa rin. “Bakit ka tumatawa, baby?” tanong ng lalaki na halatang takang-taka sa nangyayari.

Kinuha ng lalaki ang bag at saka ito nagtanggal ng takip sa mukha, laking gulat niyang si Amando ang lalaki. “Ikaw ang dumukot sa kapatid mo?” tanong ni Lucas.

“Hindi naman ako dinukot dahil plano talaga namin ito. Plano naming perahan ka tapos gilitan ka sa leeg at maligo ka sa sarili mong dugo dahil sa sobrang sama mo!” sigaw ni Jennifer na kunwari lang pa lang nakagapos.

“Bakit baby? Anong problema natin? Mahal na mahal kita pero bakit ganyan ka?” saad muli ni Lucas sa babae.

“Mahal? Hindi mo ako mahal, dahil ikaw ang sumira sa akin. Ni hindi mo nga ako naaalala e. Ako yung babaeng nakilala mo sa National Library at binola-bola mo, bumigay naman ako dahil 16 anyos lang nabighani sa’yo. Ginalaw mo ako Lucas at hinabol habol kita pero anong sinabi mo dati? HINDI MO AKO MAALALA! Dahil ano? Dahil hindi ako ganon kaganda dati pero ngayon na ganito na ang itsura ko ay mahal mo na ako? WALA KANG KWENTANG TAO, MANGGAGAMIT KA!” bulyaw ni Jennifer kay Lucas.

“Pinagplanuhan ko kung paano ako babalik sa buhay mo, inimbestigahan kita at minanmanan para sigurado akong mahuhulog ka sa’kin” dagdag pa ng babae habang lumalapit ito sa binata na may hawal na baril.

“Bata pa rin ako noon, 18 anyos lang ako at naalala kita pero aaminin kong hindi ko naalala ang pangalan mo. Patawarin mo ako at hindi mo kailangang gawin ito, mahal kita Jennifer!” pahayag pa ni Lucas habang nagmamaka-awa sa babae.

“Hindi mo ako mahal! Hindi ka marunong magmahal dahil tawag lang ng laman ang mayroon ka, kung talagang mahal mo ako sana dati pa,” sagot naman ni Jennifer at biglang pumutok ang baril.

Advertisement

Dumating ang mga awtoridad dahil sinundan pala ni Allan ang kaniyang boss na si Lucas, inaresto rin si Jennifer at ang kapatid nito. Napag-alamang nagkaroon ng matinding depresyon ang dalaga dahil sa nangyari sa kanila ni Lucas at naisama niya sa lungkot ang kapatid na lalaki kaya naimpluwensyahan din ito. Pinatawad naman ng pamilya ni Lucas ang nagawa ng dating nobya at sinuportahan pa ang pagpapagamot sa magkapatid.

Sa kabilang banda naman ay laking pasasalamat ni Lucas dahil hindi siya tinamaan ng putok ng baril at ngayon ay naging leksyon sa kaniya ang nangyari kay Jennifer. Hindi lang pala basta pagkababae ang kinukuha niya sa mga nakakasiping kundi buhay at pag-asa.

Mula noon ay nagseryoso na si Lucas, binitiwan na rin niya ang bar at kumuha na lang ng ibang taong magpapatakbo doon. Sinumulan na rin niyang pag-aralan ang negosyo ng kanilang pamilya at higit sa lahat, natutunan niyang walang magandang naidudulot ang pag-iipon ng babae.