Mahal Kita, Mahalin Mo Rin Sana Ako

Tatlong taon nung nam*tay si Claire, ang girlfriend ni Joevan pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito matanggap ng lalaki. Mahal na mahal pa rin niya ang nobya at hindi magawang kalimutan ito.

“Joevan, ilibre mo naman ako ng kape. Nilibre kasi kita kahapon kaya bumawi ka naman,” matining na wika ni Michelle ang kaniyang kaibigan sa trabaho.

“Sinabi ko bang ilibre mo ko?” tanong ni Joevan kay Claire. “Hindi. Pero at least nilibre pa rin kita kaya dali na! Nakatitig ka na naman diyan sa litrato ng girlfriend mo, e.” Hinila na ng babae ang lalaki kaya walang itong nagawa kung ‘di ang sumunod na lamang.

Migiliw at masayahin si Michelle. Ni minsan ay hindi nakita ni Joevan na naging matamlay at malungkot ang babae. Kahit pinapagalitan na ito ng amo nila ay nakangiti pa rin itong haharap sa kaniya. Hindi niya alam kung anong vitamins ba ang nilalaklak ng babae. Pero kapag kasama niya ito ay totoong sumasaya siya at panay lamang ang tawa sa mga jokes nitong madalas ay corny pero at least nakakatawa pa rin naman.

Katulad na lang ngayon. Sinamahan niya si Michelle para mamili ng kung ano-anong gusto nito. At nung matapos silang maglibot sa mall ay dumiretso sila sa dagat dahil iyon ang gusto ng babae. Namiss na daw kasi nito ang simoy ng tubig dagat at parang gusto nitong tignan ang alon nito. Hindi niya alam kung anong trip ng babae pero sasama pa rin siya rito dahil ayaw naman niyang magtampo ito. Tumingala siya sa kalangitan at ngumiti.

“Alam mo bang kapag nakatingala ako sa langit ay napapangiti ako kasi pakiramdam ko ay malapit lang ako kay Claire.”

Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Michelle. “Pwede bang kalimutan mo muna si Claire kahit ngayon lang. Ako muna ang isipin mo,” anito dahilan upang mapangiti ang lalaki. Minsan parang gusto na niyang isipin na pinagseselosan ng babae si Claire. Pero bakit naman ito magseselos?

“May pag-asa bang mapalitan si Claire diyan sa puso mo?” mayamaya ay tanong nito. “Ha?” Hindi alam ni Joevan kung paano sasagutin ang tanong nito.

Advertisement

“Minsan naiisip ko ang hirap maging karibal ang taong p*tay na, Joevan. Hindi mo siya pwedeng makausap kasi malabo naman na sumagot siya. Wala na si Claire pero siya pa rin ang nandiyan sa puso mo,” anito sabay tingala din sa kalangitan tsaka sumigaw. “Claire! Naririnig mo ba ako? Baka pwede kong hingin ang basbas mo. Sana tulungan mo si Joevan na makalimutan ang sakit nung nawala ka. Sana marealize niyang wala ka na at kailangan na niya ulit buksan ang puso niya para sa bagong pagmamahal. Please, Claire, naaawa na kasi ako sa kaniya. Hanggang ngayon sa’yo pa rin umiikot ang mundo ni Jeovan,” kausap ni Michelle sa hangin.

“Michelle,” mahinang sambit ng lalaki. Kitang-kita ng babae ang biglang pagkalito ni Joevan dahil sa sinabi niya.

“Hindi mo pa rin ba nakikita, Joevan? Mahal kita. Sobrang mahal kita pero hindi ko man lang mapalitan si Claire diyan sa puso mo. Hindi ko alam kung ano pa ang gagawin ko para mawala lang siya diyan. Ang hirap niyang mapalitan. Masaya ka, tumatawa ka kapag kasama mo ako pero hanggang ngayon ang taong nasa likod ng tawa mo ay si Claire pa rin. Si Claire pa rin ang nandiyan. Sapat na rin siguro ang tatlong taon na hinintay kita dahil pagod na akong marinig ang pangalan ng yumao mong nobya na lagi mong bukang-bibig. Baka nga siguro hindi ako ang babaeng karapat-dapat na pumalit sa kaniya,” wika ni Michelle bago ito malungkot na umalis.

Hindi sinundan ni Joevan ang babae dahil naguguluhan pa rin siya sa mga sinabi nito. Hindi niya alam na may lihim pala itong pagtingin sa kaniya. Ang tanging alam niya lang ay walang malisya ang lahat at magkaibigan lamang sila.

Mula nung nangyari ang araw na iyon ay iniwasan na ni Michelle si Joevan. Hindi na ito ngumingiti sa kaniya at nagiging malungkutin na rin ang babae.

“Michelle, pwede ba tayong mag-usap?” Hinarangan ni Joevan ang babae.

“Ano ba iyon?” Hindi ito makatingin sa kaniya ng diretso. “Kung tungkol doon sa nangyari kalimutan mo na lang iyon, Joevan,” akma na naman siyang lalampasan ni Michelle nung magsalita siya ulit.

“Hindi ko naisip noon na pwede kitang mahalin pero simula nung umamin ka at iniwasan mo ako pakiramdam ko ay may kulang sa pagkatao ko. Hinahanap ko ang ngiti mo, ang presensya mo, ang lahat sa’yo, Michelle,” nahihirapan nitong bigkas. “Hindi na ako sanay na hindi ka nakakausap at nakakasama.”

Advertisement

“Masasanay ka rin na wala ako, Joevan,” tugon ng babae.

“Pagkatapos mong guluhin ang isipan at puso ko ganiyan lang ang isasagot mo sa’kin? Pagkatapos mong aminin sa’kin na mahal mo ako lalayuan mo na lang ako ng ganito?” tanong ni Joevan. “Kasi wala naman tayong patutunguhan, Joevan, mahal mo pa rin si Claire.”

“Naaalala ko siya dahil hindi naman ako nagka-amnesia, Michelle,” singit ng lalaki sa nais sabihin ni Michelle. “Pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na ako magmamahal ulit. Sorry kung hindi ko agad narealize na may pwesto ka na pala sa puso ko. Kung hindi ka pa umamin ay hindi ko pa makakapa sa puso ko na hindi ko kayang mawala ka. Kaya kung nasaan ka ay nandoon din ako kahit sa totoo lang ay pagod na ako pero para sa’yo kaya kong tiisin ang pagod kasi masaya akong kasama ka. Sorry kung late ko nang napagtanto na mahal pala kita.”

“Totoo ba iyan?” paniniguro ni Michelle. “Masasaktan ba ako kung biru-biruan lang?” tugon ng lalaki at agad siyang nilapitan nito upang mahigpit na yakapin.

“Joevan, mahalin mo lang ako mas mamahalin kita ng higit pa,” bulong ni Michelle.

“Mahal kita, Michelle.”

Mahirap magmahal ng taong may minamahal pang iba lalo na kung p*tay na ang magiging karibal mo. Kaya dapat ay kasing tibay ng pader ang pagmamahal mo para malampasan ang mga sakit na dulot ng pagmamahal mo sa kaniya.