Piniling Makipaghiwalay ng Babaeng Ito sa Kanyang Kasintahan Dahil Siya’y Mahirap, Kaya Pinakita ng Lalaki ang mga Bagay na Hindi Nabibili ng Pera

Si David ay isang simpleng lalaking nagtatrabaho sa isang kilalang call center. Dito niya nakilala si Rose na isa ring ahente. Nasa iisang team lang sila kaya naman lagi silang nagkakasama.

Nagsimula sila bilang matalik na magkaibigan na laging magkasabay kumain tuwing lunch break. Dahil parehas din sila ng sinasakyan pauwi ay madalas rin naman silang nagsasabay sa jeep.

“Hi Rose! Sabay tayo mamaya ha?” nakangiting sabi ng binata.

“Sige, wala naman akong lakad eh,” sagot naman ng dalaga.

At hihintayin ni David ang dalaga sa labas ng kanilang building.

Hindi nagtagal ay nagtapat na rin si David ng tunay niyang nararamdaman sa dalaga. Hindi rin naman ipinagkait ni Rose ang pagtingin niya sa binata.

Sa kanilang relasyon, naging masaya ang kanilang simula. Lagi nilang pinipiling magdiwang ng kanilang monthsary at kakain lang sila sa paborito nilang fastfood chain.

Halos ‘di rin sila nag-aaway. May iilang maliit silang pagtatalo pero madalas ay napapag-usapan rin nila agad ito.

Advertisement

Ang mga kaibigan nila ay tuwang-tuwa sa kanila tuwing sila’y makikita.

“Ayan na naman ang lovebirds!” pang-aasar ng isa sa kanila.

“Eto naman si David, hindi naman mawawala si Rose! Kung makahawak naman talaga siya oh!” gatong naman ng isa.

Natatawa na lamang ang dalawa sa pang-aasar ng mga kaibigan.

Lumipas ang kanilang ika-apat, ika-lima at ika-anim na monthsary at nanatili silang masaya at punong-puno ng kakiligan.

Naging maganda ang takbo ng kanilang relasyon hanggang sa isang araw…

Dumating ang panahon nang nagsimulang ikumpara ni Rose si David sa ibang mga lalaki. Napansin ng binata na mas nakita ng kanyang kasintahan ang mga materyal na bagay – at hindi naman ganito si Rose noon.

Nagsimulang maging materyalistik si Rose na umabot sa puntong tinatanggihan na niyang kumain sa mga kainan sa tabi ng daan. Maging ang pagkain ng siomai at isaw sa mga food cart ay kinaayawan na rin ng dalaga. Ngunit noong sila’y nag sisimula pa lamang ay dito sila madalas nagmemeryenda.

Advertisement

“Dito na naman tayo kakain?! Ano ba yan?! Dalhin mo naman ako sa restaurant Diyos ko naman David, ganyan mo ba ako pahalagahan?!” naiiyak na sambit ng dalaga.

Hindi na lang umiimik ang binata tuwing masasabihan siya ng ganito ng kanyang kasintahan.

Inalala niyang muli mga unang linggo ng kanilang relasyon.

‘Yon ang mga panahong sinu-sorpresa niya ang dalaga sa halos lahat ng oras. Dadalhan niya ito ng mga pagkaing luto niya para sabay silang kakain ng tanghalian. Bibisita ito sa bahay nila Rose ng pa-surpresa. Lahat ng ginagawa niya noon na nagpapasaya kay Rose ay hindi kinakailangan ng malaking pera. Lahat ng iyon ay ginawa niya para lang pasayahin ang dalaga.

Noon ay mas gusto nila ang manood na lamang ng TV sa kanilang bahay at paminsan-minsang panonood ng sine.

Hindi nakapagtimpi si Rose at piniling kausapin si David, “Bakit yung ibang boyfriend nireregaluhan nila ng cellphone, mamahaling bag, magagandang damit ang girlfriend nila?! Pero ikaw pinapakain mo ako sa mga maduduming lugawan at puro fast food?! Tapos yung mga nireregalo mong damit, yung mga galing pa sa bangketa?!”

Napapadalas ang kanilang pag-aaway ng ganito at di kalaunan ay nakipaghiwalay na rin si Rose.

Kahit durog na durog ang puso ng binata ay tinanggap niya pa rin ang pakikipag-hiwalay nito. Ngunit siya’y nakiusap na sila’y kumain ng isang huling hapunan na magkasama.

Advertisement

“Sa lugawan na naman? O baka naman magpa-pares na naman tayo? Ano bang masarap dun?!” pangaasar ni Rose.

Ngunit nangako ang binata na ito ay sa isang masarap na kainan. Hindi naniwala ang dalaga pero pumayag na rin siya.

Dumating ang napag usapang araw at sinundo ni David si Rose gamit ng kanyang BMW.

Nang makita niya ang gulat at saya ng dalaga, nalungkot lamang ang binata dahil tila nabalewala ang lahat ng masasayang alaala nila noon.

Dinala niya ang dalaga sa kanilang mala-mansyon na bahay at ang kanilang mga katulong ang unang bumati sa kanila.

“Magandang gabi, sir David,” bati ng mga ito.

Sa pagngiti sa kanila ng binata ay sakto namang dating ng kanyang mga magulang.

“Mom, Dad, si Rose po, my friend,” pakilala niya sa dalaga.

Advertisement

Kahit nakangiti si Rose, nakaramdam siya ng kurot sa puso nang marinig na siya’y kaibigan na lang.

Si David ay isang binatang napaka-gwapo. Ngunit dahil sa simpleng pananamit at mga gamit na hindi branded, walang makakahalatang galing siya sa napakayamang pamilya.

Ang totoo niyan ay pinanganak na siyang mayaman na ang kanyang pamilya. Pero dahil maayos ang kanyang mga magulang ay pinalaki siyang hindi niya kinakailangang ipagyabang kung sino siya.

Hindi niya kailangang problemahin ang mga gastusin ngunit masaya siyang nakakapagtrabaho dahil natututo siyang pahalagahan ang pera.

Nang matapos ang kanilang hapunan. nakikita niya ang pagsisisi ni Rose sa pakikipaghiwalay sakanya.

Hinatid ni David ang dalaga sa kanilang bahay, at bago ito bumaba, “Sorry. Hindi ko alam…”

Sumagot agad ang binata, “Hindi na bale, nakapagdesisyon ka na rin naman.”

Labis ang pagsisisi ng dalaga at pinilit pa rin niyang makipagbalikan kay David ngunit mas gugustuhin ng binata ang magkaroon ng kasintahan na tanggap kung sino siya, may pera man siya o wala.

Advertisement

Hindi kalaunan ay nakilala niya rin ang tinuturing niyang ‘soulmate’ – si Neds. Naging maayos ang kanilang relasyon, lumalabas at nag de-date sila gamit lamang ang sweldong pinaghirapan nila. Pinagtapat ng binata sa kanya ang kanilang mayaman na pamilya, ngunit, para kay Neds, may pera man o wala mamahalin niya pa rin si David ng walang halong kondisyon.

Napakasaya ng binata dahil alam niyang siya’y mahal ni Neds dahil sa kanyang pagkatao. Hindi sa kanyang kayamanan.

At si Rose? Bumalik ang dating siya – ang taong hindi nahuhumaling sa materyal na bagay. Naging mabuting magkaibigan si David at Rose, ngunit pinili ni Rose na wag munang pumasok sa isang relasyon.