Apat na Taong Hinintay ng Dalaga ang Mala-Adonis sa Kaguwapuhan na Nobyo Ngunit Imahinasyon Lamang Pala ang Lahat

Apat na taon nang magkasintahan sina Daniella at Philip. Apat na taon nang naghihintay ang pusong nananabik. Ang mahagkan ang isat-isa, iyon lamang ang pangarap ni Daniella.

Long Distance Relationship. Ni hindi lubos maisip ni Daniella na papasukin niya ang ganitong relasyon at makakatagal pa ng apat na taon. Nasa ibang bansa ang nobyo nito, doon nag-aaral ng kolehiyo.

Apat na taon na kahit kailan eh hindi man lamang niya naka video call o nakapiling man lang ang nobyong si Philip. Puros FB post at messenger lamang sila nag-uusap.

Bokalista ng banda si Philip, ang pagkanta ay isa sa mga hilig ng nobyo. Kaya naman talagang nabihag niya ang dalagang si Daniella dahil ito’y mahilig rin sa musika. Ngunit kung magpapadala man ng bidyo ang nobyo nito’y parating kalahati lamang ng mukha ang pinapakita sa mga kuha, minsan ay madilim o di kaya naman ay gitara lang. Panay litrato lamang ang pinadadala nito.

“Ano ba ‘yang boyfriend mo? Ba’t laging walang mukha na pinapakita sa mga videos? Baka naman panget talaga siya at ibang tao ang nasa pictures na pinapadala niya?” Iyan ang kadalasang pang-asar sa kanya ng mga kaibigan sa iba’t-ibang lengguwahe. Palibhasa’y sa international school siya nag-aaral. Karamihan sa mga kamag-aral niya’y artistahin at mala-Adonis ang datingan ng mga nobyo. Tila hindi niya maiwasang mainggit sa mga ito.

Close to perfect si Philip ayon sa mga larawang ipinapadala nito. Guwapo ito para sa isang tulad ni Daniella na napakasimple lamang. Langit at lupa ang pagitan nila. Gustuhin man niyang magpaganda at mag-shopping ng mga bago at usong damit ay wala naman siyang pera. Ganoon din sa makeup at mga aksesorya.

Ngunit ano pa mang pang-aasar ng mga kaibigan niya ay malaki ang tiwala niya kay Philip na totoo ito. Higit sa lahat, mas malaki ang tiwala niya sa matalik niyang kaibigan na si David.

Si David ang nagpakilala sa kanya kay Philip, schoolmate daw niya ito noong high school. Kaya naman tiwala ang dalaga na totoong tao ang nobyo niya.

Advertisement

Si David ay matalik na kaibigan ni Daniella. Magkababata rin ang mga ito, halos sabay silang lumaki. Magkaiba man ang pinasukan nilang paaralan noong high school ay parehas naman sila ngayon ng pinapasukang international school.

Mayaman ang kaibigan niyang si David, doktor ang mga magulang nito. Samantalang si Daniella naman ay salat sa buhay, nagtitinda lamang ng gulay sa palengke ang mga magulang nito at kaya nakakapag-aral ang dalaga sa iisang eskuwelahan kasama si David ay gawa ng scholarship niya.

Si David ay kumukuha ng kursong para sa musika at sining, habang si Daniella naman ay kumukha ng Accountancy. Mataas ang dignidad at pangarap ng dalaga ngunit marupok ito sa larangan ng pag-ibig.

“Gusto ko na maasar diyan sa kaibigan mo, parati kong sinasabi na magpakita ng buong mukha para ipakita ko sa mga friends ko e, lagi nalang tuloy akong inaasar.” Nakangusong maktol ni Daniella kay David habang sila ay kumakain ng shawarma sa canteen.

“Naku naman! Di ba sinabi ko naman sa ‘yo e weirdo ‘yang si Philip. EMO nga tawag sa kanya noon e. Kaya ‘wag kang magtaka sa trip niyang ayaw ipakita ang mukha. Kung na bubuwisit kana eh hiwalayan mo na kasi.” Malamig na sagot ni David sa kanya.

Nitong mga nakalipas na buwan ay napapansin ni Daniella na laging sinasabi ng kaibigan na makipaghiwalay na ito sa nobyo. Kesyo wala daw siyang mapapala kakahintay doon.

Isang gabi, nagkaroon ng matinding alitan ang magkasintahan dahil pinipilit ng dalaga na mag video call sila at gusto niya itong makita. Sawa na siya kakahintay. Apat na taon na siyang nag-aabang at hindi siya mapagbigyan nito sa simpleng kahilingan.

At dahil magkalapit lamang ang bahay nila ni David ay agad siyang pumunta doon para maglabas ng sama ng loob.

Advertisement

May garden ang bahay nila David at naging tamabyan ito ng dalawa, pagpasok niya sa gate ay saktong naroon ang kaibigan sa garden . Nakayuko ito at umiiyak ng malakas.

“Oy David bakit? May problema ka rin ba?” Nagaalalang tanong nito sa binata.

Dali-daling nagpunas si David ng luha at ngumiti. “Ay hindi wala, nag-away lang sila mom at dad, magba-banyo muna ako saglit Daniella tapos balikan kita. Ramdam kong nag-away na naman kayo.” Wika ng lalaki at umalis.

Habang naghihintay, naisipang tadtarin ng mensaheng ‘break na tayo’ ang nobyo nito sa messenger, dahil alam niyang lalambingin siya nito pag ganoon ang kaniyang ginawa.

Sunod-sunod na tumunog ang telepono ni David na nakataob sa mesa. Nagtaka ang dalaga dahil halos kasabay ang pagtunog nito sa tuwing magse-send siya ng text.

Kumabog ang puso nito. Nanginginig siya. Inangat niya ang telepono at gulat na gulat siya sa nakita na puro mensahe niya ang mga iyon.

Nanlumo si Daniella, hindi nakapag-isip. Para bang binuhusan siya ng malamig na tubig.

“Oy, ano nangyare sayo?!” Gulat na bati ni David sa kaibagan. Ngunit nanginig ito nang nakitang hawak ng dalaga ang telepono.

Advertisement

“David, please explain. Please sabihin mo sakin na pinalog-in lang sayo ni Philip ang account niya kaya may ganyan sa phone mo. Sabihin mo sa kin!” Pasigaw na wika ng dalaga habang umaagos ang mga luhanito.

At tuluyan na ring bumuhos ang luha ni David. “Tama na Daniella. Tama na. Hindi totoo si Philip. Hindi siya totoo …”

Isang malakas na sampal ang binitiwan ni Daniella sa mukha ni David na kahit siya mismo ay nanakit rin ang palad.

“Sige, saktan mo ako. I deserve that!” Kinuha ni David ang mga kamay ni Daniella para sampal-sampalin ang sarili nito ngunit bigla na lamang napaupo si Daniella sa panghihina dahil sa nalaman.

“Hindi dapat ganito. Hindi na dapat pang humantong sa ganito. Bata pa lamang tayo, gusto na kita Daniella… Pero natatakot akong ‘di mo magustuhan ang isang weirdo na kagaya ko, yung weirdong katauhanni Philip, yun ang tunay na ako. Pero nagulat akong na in-love ka kay Philip at ‘di ko na alam paano pa titigil. Kasi aaminin ko, masaya ako sa relasyon natin. Hanggang sa nakikita kong naghahanap ka na ng pruweba at lagi kang nagagalit kaya lagi kong sinasabi na makipaghiwalay ka na lang.”

Sinampal muli ng malakas ni Daniella si David at sa pagkakataong iyon, dumugo ang mga labi ng binata.

“So, para ano? Para pagtakpan ‘yong kasinungalingan na ginawa mo? Then what? Sasaluhin mo ako?! Tapos, p*tang ina! Tapos p*tang in*ng magiging tayo?!” Galit na galit na sabi ng dalaga.

“Oo, oo yan ang plano ko! Kasi put*ng ina rin! Mahal na mahal kita, Daniella! I cannot live without you!” Pasigaw na sagot ni David habang pinipilit niyang yakapin ang dalaga ngunit nagpupumiglas ito.

Advertisement

“T*ngna mo ka, David! Kinamumuhian kitaaaaaaaaa!” Sigaw ng dalaga tsaka ito umalis.

Simula noon ay hindi na muling nag-usap o nagpansinan ang dalawa. Ilang beses binalak ni David na suyuin ang dalaga ngunit galit lamang ang nararamdaman nito.

Ang isang mali ay hindi maitatama kailanman ng isa pang pagkakamali.

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.