Binalak Pag-tripan ng Dalaga ang Kaklase Niyang Panot, Sa Kanya Tumalbog ang Napakatinding Karma

Palaging laman ng mga beauty contest sa eskwelahan si Alicia, bukod kasi sa maganda ay matalino pa siya. Nangunguna nga siya sa klase at halos lahat ay nais siyang maging kaibigan. Kung ano’ng anghel naman ng kanyang mukha ay siyang ka-demonyohan ng ugali niya.

Namimili lang siya ng sasamahan. Ayaw niya sa mga hindi sikat at hindi magaling. Hindi lang niya basta dine-dedma ang mga kaklaseng sa tingin niya ay baduy, ipinapahiya niya pa ang mga ito at ginagawang katatawanan. Isa na sa mga paborito niya si Debbie, mataba ang babae, manipis ang buhok at naka-salamin.

“Ano na Debbie, 3rd year college pa lang tayo pero yang hair mo pang-kwarenta na?” nakataas ang kilay habang nakangising sabi niya. Naghagikgikan naman ang ibang nakarinig habang si Debbie ay nakatungo lang sa desk nito.

Nang hindi ito sumagot sa kanya ay lalong lumakas ang loob ng dalaga, “Alam ko na kung ano ang favorite food ni Debbie. Tanungin nyo ako guys dali!” natatwa nang sabi niya.

“Ano?” tanong naman ng mga kaklase niya.

“Yung matamis sa palengke, panutsa! Kasi, panot sya!” sabi niya at sinundan pa iyon ng malakas na hagalpak.

Umugong ang tawanan sa classroom, halos lumubog sa upuan si Debbie. Mabuti nalang ay dumating na ang guro nila.

“Class, paki-submit nalang ang parent’s permit ha.Tandaan nyo, hindi makakasama sa camping tomorrow night ang walang pirma ng magulang.” sabi ng guro.

Advertisement

Isang makahulugang ngiti naman ang nasa mukha ni Alicia, mukhang mag-eenjoy siya sa camping bukas. Gabi palang ay inayos na niya ang kanyang mga gamit, nagdala rin siya ng posporo at isang boteng gas.

“Huy, para saan yan?” tanong ng barkada niyang si Mae nang nasa eskwelahan na sila. Tinipon ng guro ang mga estudyante at kasalukuyang binibigyan ng instruction sa mga games at activities.

Pasimple niyang inilapit ang mukha rito at bumulong, “Mamayang gabi, pagti-tripan natin si Debbie.”

“Grabe ka girl. Di ka talaga maka-move on doon sa tao ano? Hindi naman ume-effect kasi hindi ka naman pinapansin. Hanap nalang tayo ng ibang aasarin. Wala naman siyang react all the time!” pigil ang boses na sabi nito.

“You don’t get it. This time, sisiguruhin kong sisigaw na siya. Alam mo yung lumang bahay kahoy sa likod? yung lalagyan ng basura ni Mang Ernie?” tanong niya na ang tinutukoy ay ang janitor nila.

Tumango ang kaibigan niya kaya nagtuloy siya sa pagsasalita.

“Dun. Dadalhin ko si Debbie doon mamaya at ikukulong ko. May dala rin akong posporo at gas dito. Maliit na apoy lang, kunwari masusunog. Tignan nalang natin kung wala pa rin siyang react,” nakangising sabi niya.

“Paano mo naman siya madadala roon? Sa tingin mo may tiwala pa iyon sayo matapos ng lahat ng pamamahiya mo sa kanya?”

Advertisement

Kinindatan niya ang kaibigan, “Ako ang bahala,”

Hinintay lang nila na lumalim ang gabi. Sinabihan niya si Mae na sumunod nalang after 30 minutes, tatakutin niya muna si Debbie. Ang eksena, makikipagbati muna siya tapos kunwari ay makukulong sila sa bahay kahoy at masusunog iyon. Confident siya dahil darating naman si Mae na may dalang tubig, isang malaking prank lang ang lahat.

“Debs, may mga na-realize lang ako. Sobrang mali ko sa mga ginagawa ko sayo. Hindi maganda na ginagawa kitang katatawanan. Pasensya kana talaga, may mga pinagdaraanan lang din kasi ako sa bahay namin kaya sa iba ko naigaganti ang sama ng mood ko,” sabi niya sa dalagita. Hinawakan pa ang kamay nito.

“W-Wala na iyon sakin Alicia. Iyan na nga lang rin ang iniisip ko, may pinagdaraanan ka siguro.”

“Thank you talaga na hindi ka nagtanim ng galit. Ang saya sa feeling na may bago na akong kaibigan. Alam mo ba, pag nalulungkot ako ay isang lugar lang ang pinupuntahan ko sa school na ito. Walang ibang nakakaalam, kahit na barkada ko. Gusto mong makita?” nakangiting aya niya, nagdiriwang na ang kaitiman ng budhi niya sa loob.

“T-Talaga? Pinagkakatiwalaan mo ako? ipapakita mo sa akin?”

“Oo naman! Hindi naman napakaganda doon pero tahimik at nakakapag-isip ako. Tara,” sabi niya at inakay si Debbie.

Ilang sandali pa ay naroon na sila sa bahay na kahoy, maraming mga tuyong dahon doon na naipon ng matandang janitor.

Advertisement

“A-Alicia, ang dilim yata. Siguro balik nalang tayo sa umaga?” kinakabahang sabi ni Debbie.

“Hindi, lika sa loob.” Pinauna niya ang dalaga sa loob. Pasimple niyang binuhusan ng kaunting gas ang pintuan.

Isinara niya iyon nang pareho na silang nakapasok,”Look around, ang peaceful diba. Walang ibang tao. Dito nawawala ang lungkot ko,” pagda-drama niya.

Para hindi siya mapahiya ay sumunod naman si Debbie, sinamantala iyon ni Alicia at sinindihan ang posporo.

“Oh my God Debs! We’re stuck!May apoy! Debs may apoy!” sigaw niya.

Nanlaki ang mata ni Debbie nang makita ang tinutukoy niya. “Buksan mo ang pinto!”

“I can’t!” tawang tawa na siya sa isip niya pero kailangan niyang galingan ang pag-acting.

Kaya lang, di niya naisip na kahoy nga pala ang kinaroroonan nila. Mabilis na umarangkada ang apoy sa paligid, idagdag pa sa nagpalaki rito ang mga tuyong dahong nakatambak.

Advertisement

Unti-unti nang nagdidilim ang paningin ni Alicia, parang hindi maganda itong trip niya. Ayos na rin, namumutla na naman sa kaba si Debbie eh.

Bago pa siya tuluyang mawalan ng malay ay narinig niya na ang tinig ni Mae, “Alicia!”

Dahan-dahang iminulat ni Alicia ang kanyang mga mata, tahimik sa buong paligid. Sh*t, sure siya na nabuking ng mga teacher.

Malay niya bang magiging malaki ang apoy, ang trip niya sana ay parang siga lang.

Dahan-dahan siyang bumangon, may mga abo pang dumikit sa katawan niya.

“Ew!” sabi niya pa habang pinapagpagan ang sarili.

Lintik na Mae, pinagtripan rin yata siya.

Iniikot niya ang paningin, sunog ang buong paligid. May ilang pirasong buto siyang natapakan.

Advertisement

“Oh my God!” napasinghap siya, napatay niya si Debbie!

Natakpan niya ang bibig, yari talaga siya! Sana lang wag siyang ikanta ni Mae. Kailangan niya nang makaalis sa lugar na iyon bago pa may makakita. Masyado pa siyang bata para makulong. Diyos ko, trip lang naman ang lahat.

Binilisan niya ang paglalakad, mabuti rin na wala nang tao sa hallway. Tulog na yata ang lahat, tapos na ang camping.

Papasikat na rin ang araw, malapit na siya sa gate ng kanilang eskwelahan nang makita niya ang tumpok ng mga taong nakaitim. Lumingon ang isa roon at nagimbal siya sa nakita, si Debbie! Ibig sabihin, hindi niya ito napatay.

Wow, mukhang siya ang na-prank ngayon.

Nakangiti niyang nilapitan ang mga ito, lalo na si Mae na nasa unahan. Humanda sa kanya ang babae, kukurutin niya ang singit nito. Kinabahan pa naman siya!

“Huy! Ano, wow mali?!” malakas na panggugulat niya sa lahat pero walang pumansin sa kanya.

Naroon rin pala ang mga guro, at ang lahat ito ay..umiiyak?

Advertisement

Litong lito siya pero nawala ang lahat ng iyon nang magtuloy sa pagsasalita si Mae.

“P-Patawarin mo ako sis, nahuli ako ng dating. Patawarin mo ako, akala ko kasi talaga biro lang ang lahat. Walang nakakaalam na lalaki ng ganoon ang apoy,” iyak nito.

Doon napakunot ang noo niya at dahan-dahang bumaba ang kanyang paningin sa yakap nito.

Litrato niya.

“Hindi!”

Ibig sabihin, ang nakita niyang sunog na katawan kanina ay hindi si Debbie, kundi siya!

Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat. Bago lumaki ang apoy ay nakalabas si Debbie dahil may malay pa ito, habang siya ay nahimatay. Sinubukan ng babae na isama siya ngunit mabigat siya at dalawa silang mamamatay kung ipipilit pa nito.

Masyado nang malaki ang apoy nang dumating ang tulong na hiningi ni Debbie at Mae kaya hindi na siya nailabas pa. Doon siya nasawi, nasunog ang kanyang buong katawan.

Advertisement

Pagsisihan man ni Alicia ang lahat ay huli na. Napakatindi ng karmang bumalik, sa simpleng trip lang sana.