Hindi Raw Marunong Lumandi Kaya’t Hindi Pa Nagkakanobyo ang Dalaga, Kaya Naman ang mga Kapatid na Niya ang Gumawa ng Paraan Para Magka Lovelife Siya

Mula nang malaman ni Aling Eloisa na siya ay may malubhang karamdaman ay inihanda na niya ang kanyang tatlong anak na babae na mamuhay nang wala siya.

Si Jessica, dalawampung taong gulang, ang panganay na anak nila ni Mang Julio ay tinuruan na niya ng gawaing bahay kahit na sila ay maraming kasambahay. Sinanay niya ang kanilang panganay na asikasuhin ang kanilang ama at dalawang kapatid na sina Elizabeth, labingwalong taong gulang at Julianna na labing apat na taong gulang.

“Stage 2 lang ang sakit mo dear at kayang-kaya natin itong labanan. Maganda ang kinikita ng ating kumpanya at marami na tayong ipon. Marami tayong pera na panggamot sa ’yo. Gagaling ka, mahal ko. Bakit kung kumilos ka ay parang iiwan mo na kaming apat?” Malungkot na tanong ni Mang Julio habang sila ay papuntang ospital para sumailalim sa therapy.

“Alam ko na gagaling ako. Ngunit kailangan pa rin nating maging handa. Marami man tayong pera na pampagamot, hindi natin hawak ang ating kapalaran.” Mangiyak-ngiyak na sagot ni Aling Eloisa sa kanyang asawa.

Hindi nga nagkamali si Aling Eloisa at ito ay binawian ng buhay pagkalipas ng limang taon.

Akala ni Mang Julio ay hindi nila kakayanin pang mabuhay ng wala ang pinakamamahal na asawa. Ngunit dahil inihanda sila nito sa kanyang pagkawala, naging matiwasay naman ang buhay ng mag-aama.

Lumipas ang tatlo pang taon ay katulong na ni Mang Julio ang kanyang tatlong maria sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo. Alagang-alaga sila ni Jessica. Siya ang nag-aasikaso sa mga pangangailangan nila sa bahay. Marami silang katulong ngunit hands-on pa rin siya sa pagpapabuti ng kanilang tahanan.

Sa kanilang tatlo, tanging si Elizabeth na lamang ang hindi pa nagkakaroon ng kasintahan. Mabait ang kasintahan nila Jessica at Julianna. Kasundo nila ang mga ito lalo na si Mang Julio.

Advertisement

“Elizabeth, kailan mo ipapakilala ang ang nobyo mo? Naunahan ka pa ni Julianna?” Biro nito sa kanyang pangalawang maria.

“Paano ipapakilala? Meron ba?” Pang-iinis na sundot ni Julianna sa biro ng kanilang ama.

“Pwede ba tigilan na ninyo ako! Lalo tuloy akong nape-pressure.” Pairap na sagot ni Elizabeth sa kanyang ama at mga kapatid.

Ito ang madalas na biruan ng mag-aama sa tuwing sila ay magkakasama. Kaya balisang-balisa si Elizabeth sa tuwing napag-uusapan ang kanyang pagiging miyembro ng NBSB (no boyfriend since birth).

Maganda, sexy, mabait at matalino si Elizabeth kaya nagtataka ang kanyang mga kapatid kung bakit walang nanliligaw dito. Kung tutuusin, siya ang pinakakapansin-pansin sa kanilang tatlo.

“Paanong magkakaroon ng manliligaw itong si Elizabeth, wala itong social life. Walang kaibigan. Bahay at trabaho lang ang pinupuntahan araw-araw.” Wika ni Jessica sa bunsong kapatid.

Madalas na gabihin si Elizabeth sa pag-uwi galing sa opisina. Dahil siya ang pinakamatalino sa kanilang tatlo, ito ang kanang kamay ni Mang Julio pagdating sa pamamahala ng buong kumpanya.

Linggo ng umaga, araw ng pahinga ng tatlong drayber ng kanilang pamilya. Inutusan ni Elizabeth si Julianna na mag-book ng Grabcar papunta sa department store upang kunin ang pinagawang cellphone.

Advertisement

Nakita ni Jessica na guwapo ang drayber na maghahatid kay Elizabeth. Bigla na lamang niyang pinadalhan ng message ang drayber ng grab ng ganito, “Ang pogi-pogi n’yo naman kuya.”

Maya-maya ay dumating na ang drayber ng grab ni Elizabeth.

“Elizabeth, dumating na si Mr. Right! Ay! Nandito na ‘yung grab!” Nakangising sigaw ni Julianna.

Kinuha ni Elizabeth ang kanyang bag at dali-daling lumabas ng bahay pasakay sa itim na Fortuner naghihintay sa kanya sa labas ng kanilang gate.

Pagkasakay niya ay sinalubong siya ng napakaganda nitong ngiti. Hindi mapigilan ni Elizabeth ang kiligin sapagkat napakaguwapo ng drayber ng grab na nasakyan niya. Dahil sa ito ay kahawig ni Piolo Pascual, parang nais niyang sumigaw ng, “I love you, Pioloooo!!!!”

Nagtataka si Elizabeth sa ikinikilos ng drayber. Sulyap ito ng sulyap sa kanya habang nakangiti. Napansin tuloy ni Elizabeth ang mapupulang labi, mapuputing ngipin at dalawang malalalim na dimples nito. Madalas ay nagkakatama ang kanilang paningin at tuwing magtatama ito, agad na umiiwas ng tingin itong si Elizabeth.

Dumating na siya sa kanyang patutunguhan. Hindi tinanggap ng drayber ang bayad ni Elizabeth. “Sapat na sa akin ang matatamis mong mga ngiti.” Wika nito.

Walang nagawa si Elizabeth kundi bumaba ng sasakyan ng hindi nagbabayad.

Advertisement

Ikiniwento ni Julianna kay Jessica ang ginawang kapilyuhan sa kanyang kapatid. Maya-maya ay nakatanggap ng text message si Julianna.

“Julianna, ako nga pala si Karlos. ‘Yung grab driver. Maaari ba kitang yayain mag dinner mamayang gabi?”

Hindi malaman ni Julianna kung ano ang isasagot kaya tinanong niya ang kanyang Ate Jessica.

Napagdesisyunan ng dalawa na sabihin kay Karlos ang ginawang kalokohan. Nang makita ni Jessica ang larawan ni Karlos sa application ay napansin niyang kakilala niya ito. Kaklase ni Jessica si Karlos noong sila ay nasa kolehiyo kaya tinawagan na niya ito.

Isa sa mga negosyo ni Karlos ang car services. Sinubukan niyang maging drayber sa loob ng isang araw upang makatulong ito sa maayos na pagpapalakad ng kanyang negosyo.

Na love at first sight daw si Karlos kay Elizabeth at nakiusap ito kay Jessica na ipakilala dito. Madali namang pumayag ang dalaga sapagkat kilala niya si Karlos na binata, mabait at galing sa isang maayos na pamilya. Nakipagsabwatan ito kay Karlos para magkasama ang dalawa sa isang dinner date.

Pagkaraan ng isang linggo, niyaya nila Jessica at Julianna si Elizabeth na kumain sa labas. Nagulat ito ng makita sa restoran na pinuntahan nila ang drayber ng grab na nasakyan niya noong isang linggo.

Pinakilala sila ni Jessica sa isa’t- isa at iniwan na sila nitong dalawa.

Advertisement

“Si Karlos na ang bahalang magpaliwanag ng lahat. Bye! Have fun sissy!” Kinikilig na sabi nito sabay alis.

Mula noon, madalas na lumalabas ang dalawa hanggang sila ay naging magkasintahan pagkalipas ng anim na buwan. Hindi akalain ni Elizabeth na makikilala niya ang kanyang una at huling lalaking mamahalin sa pamamagitan ng pagbibiro ng kanyang bunsong kapatid.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!