Nagpanggap na Mayaman ang Babae Upang Hindi Iwan ng Nobyong Mayaman, Nasurpresa Siya Nang Bumisita ang Nobyo sa Sira-sira Nilang Tahanan

Mag-iisang taon nang mag nobyo si Caryn at Barron pero hanggang ngayon ay di pa rin nakikilala ng lalaki ang pamilya ng nobya nito. Palaging dinadahilan ni Caryn na wala ang parents niya sa bahay, ngayon sinabi niya na nasa probinsya ang mga ito, ni hindi pa nga siya naihahatid ng lalaki sa mismong bahay nila, palaging sa kanto lang. Kung anu anong dahilan na ang naimbento ng babae basta makaiwas lang siya na maihatid ng nobyo, paano naman kasi, natatakot siyang iwanan nito pag nalaman nito ang totoo na hindi naman talaga siya mayaman.

“Babe, bakit ba kasi ayaw mong magpahatid?” sabi ni Barron isang gabi, galing sila sa trabaho at nagda-drive ito ng sariling kotse.

“Ano, kasi alam mo na baka kung ano ang isipin ng mga kapitbahay. Wala ang magulang ko tapos napunta ka doon.” sabi niya rito.

“Ganyan na rin ang dahilan mo dati kahit nandyan ang parents mo. Tsaka sa labas lang naman kita ihahatid, makita ko lang na safe ka ayos na ako doon. Bakit naman mag iisip ang mga kapitbahay eh hindi naman ako papasok sa loob ng gate nyo?” pangungulit ng lalaki.

“Basta babe ite-text nalang kita pag nasa bahay nako okay?” sabi niya rito. Hindi na nakipag argumento pa ang lalaki dahil alam niya na aawayin lang siya ng nobya kapag nangulit pa siya.

Napaisip si Caryn, balak niya rin namang sabihin sa nobyo ang totoo pero paano kung di siya matanggap nito? Mahal na niya ang lalaki, hindi dahil sa pera nito. Sa kabila kasi ng yaman ay napakabuti ng puso ni Barron, nirerespeto rin siya nito.

Pag-uwi niya sa kanila ay agad siyang nagmano sa kanyang nanay at tatay, kumain na sila ni Barron ng hapunan sa isang restaurant kaya hindi na siya makakain sa bahay, inuwian niya na lang ang mga magulang.

“Uy anak ano ito?” tanong ng kanyang ama.

Advertisement

“Carbonara po yan tatay. Marami iyan, hati kayo ng nanay ha?” malambing na sabi niya bago umakyat sa kwarto at nagbihis. Pero hindi pa siya nagtatagal sa loob ng kwarto ay kinatok siya ng ina, nang pagbuksan niya ito ay tila kinikilig ang matanda.

“May bisita ka anak, ikaw ha! Naglilihim kana sa amin ng tatay mo. Pero ayos lang iyan, nasa edad ka na naman.” sabi nito. Nagtataka siya na bumaba sa sira sira nilang hagdan at nanlaki ang mata niya nang makita sa salas si Barron, kausap nito ang kanyang ama.

“B-babe!” sabi niya. Sinulyapan lang siya ng lalaki, galit ba ito?

“O siya, eto na pala ang dalaga namin hijo. Diyan na muna kayo.” sabi ng kanyang ama. Magalang naman na tumango ang kanyang nobyo, nakangiti pa ito sa dalawang matanda pero pagbaling ng tingin sa kanya ay biglang sumeryoso ang ekspresyon.

“Nagagalit ka kasi mahirap ako? O eto na! Eto na ang totoo, mahirap ako. Hindi kami mayaman,” naluluhang sabi niya. Handa na siya, alam niyang anumang oras ay aalis na ang lalaki at iiwan siya. Tumayo ito sa kinauupuan sa tapat niya, pero nagulat siya nang hindi ito lumabas ng bahay.

Sa halip ay lumipat ito sa tabi niya.

“Nagagalit ako kasi nagsisinungaling ka. Akala mo ba hindi ko alam? Ilang beses kitang sinusundan.” sabi nito sabay akbay sa kanya.

Nagulat naman si Caryn, hindi niya akalain na alam pala ng nobyo ang estado niya sa buhay pero tanggap pa rin siya nito. Pagkalipas ang tatlong taon ay nagpakasal ang dalawa.

Advertisement

“O blow the candle baby Cate!” masayang sabi ng mag asawang Caryn at Barron sa kanilang anak, ngayon ay ang unang kaarawan nito. Nakangiti ang lahat, kumpleto ang kanilang pamilya, naroon ang magulang nilang dalawa ni Barron na giliw na giliw sa apo ng mga ito.

Laking pasasalamat ni Caryn sa Diyos dahil alam niya na siya na ang pinakaswerteng babae, na biniyayaan ng isang lalaking maunawain, magalang at mapagmahal.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.