Nagpustahan ang Apat na Lalaki kung Kanino Magkakagusto ang Maganda Nilang Ka-Opisina, Nganga Sila dahil May Nanalo na Pala

“Jodie, sama ka sa amin mamaya? Tatagay lang tayo!” yaya ni Rico sa ka-opisina.

“Tama, saglit lang tayo dun. Chill, chill lang kumbaga,” sabi naman ni Rodel.

“Game ako! Anong oras ba?” sagot ng babae.

Gustung-gustong kasama ng mga ka-trabahong lalaki ang baguhang empleyadong si Jodie dahil hindi ito maarte at madaling yayain sa gimikan. Bukod sa masarap itong kasama ay pinagpa-pantasyahan rin kasi siya ng mga ito.

Di maipagkakaila na napakaganda ni Jodie. Maputi ang babae at mayroong magandang hubog ng katawan kaya marami sa mga ka-trabaho niya ang gusto siyang ligawan ngunit nauunahan lang ng kaba.

Isang hapon ay abala ang dalaga sa pag-tipa sa kanyang computer.

“Jodie, may gagawin ka ba mamayang gabi?” tanong ni Rodel.

“Bakit?’ balik na tanong ng babae.

Advertisement

“Yayayain ka sana namin sa bagong bukas na bar sa Malate.”

Napakunot ang noo ni Jodie.

“Hindi ako puwede mamaya, e! Kailangan kong umuwi ng maaga,” aniya.

“Sayang naman. Hindi kumpleto ang tropang gimik kapag wala ka.”

“Next time na lang. May naghihintay rin kasi sa akin sa bahay.”

Ikinuwento ni Rodel sa mga kasamahan ang naging sagot ng babae sa kanilang paanyaya.

“Ano, hindi mo napapayag si Jodie?” ani Rico.

“Pagkakataon na sana iyon para makasama natin siya, tsk!” dismayadong wika ni Elmon.

Advertisement

“Teka, teka, huwag niyong sabihin na may balak rin kayong diskartehan si Jodie?” tanong naman ni Ivan.

“Bakit, masama? Binata kami kaya puwedeng-puwede naming ligawan si Jodie, e ikaw? May asawa kang tao tapos nakikisali ka pa sa amin!” sabi ni Rodel.

“Walang pakialamanan! Basta kung sino ang unang maka-iskor sa kanya ay siya ang masuwerteng lalaki. May the best man win na lang!” anito.

Desidido talaga ang magkakaibigan na ligawan ang maganda nilang ka-trabaho.

Araw ng Biyernes ay muling inaya ng mga kasamang lalaki ang babae.

“Jodie, available ka na ba ngayon? Tamang-tama Friday night at suwedo pa kaya sumama ka na sa amin!” yaya ni Rico.

“Sige pero hindi ako magtatagal ha. May naghihintay kasi sa akin sa bahay kaya hindi ako maaaring gabihin.”

“O-okay lang. Ano tuloy na tayo mamaya ha?” anito.

Advertisement

Napilit ng mga lalaki ang kanilang ka-opisina na sumama sa kanila. Pumunta sila sa malapit na bar at nag-inuman. Bilib na bilib ang mga ito kay Jodie dahil hindi ito mabilis malasing. Naka-ilang bote na sila ng alak ay nakatindig pa rin ang babae. Maya-maya ay nagpaalam na ito nang makita na alas-nuwebe na ng gabi.

“Paano, mauuna na ako ha! Kitakits na lang sa Lunes!” anito.

“Ihahatid na kita sa sakayan,” alok ni Elmon.

“Hindi na! Kaya ko na ang sarili ko!” sabi ng babae.

Nang makaalis si Jodie ay nadismaya na naman ang mga kasama.

“Ang hihina niyo naman, e! Pagkakataon niyo na para diskartehan si Jodie wala pa rin kayong nagawa?” ani Ivan.

“Bakit ikaw, meron?” inis na tanong ni Rico.

“Ako pa! Siyempre nakuha ko ang facebook account niya,” pagyayabang ng lalaki.

Advertisement

“Di nga! Ang daya mo talaga!” ani Rodel.

Nang silipin ng mgakakaibigan ang facebook account ni Jodie ay nagulat ang mga ito.

Nakita nila ang mga litratong naka-post sa wall nito na may kasama itong lalaki at magkaakbay pa ang dalawa.

“Teka sino iyan?” takang tanong ni Elmon.

“Hindi ko rin kilala. Baka naman.. Sh*t! Ibig sabihin may boyfriend na siya? Pero bakit wala namang kahit anong nakalagay sa status niya na ‘in a relationship’?” wika ni Rodel.

“Guys, nagpa-panic kayo agad, e! Malay niyo naman ay kaibigan o kapatid lang niya iyan! Look papatol ba ang isang kagaya niya na ubod ng ganda sa lalaking iyan? Walang panama iyan sa kaguwapuhan natin!” pagyayabang ni Rico. May maipagmamalaki naman talaga sila dahil sa opisina ay mga kilalang chick magnet ang apat.

“Tama si Rico. Ang tulad ni Jodie ay nababagay lang sa katulad ko!” sabad ni Elmon sabay ayos sa suot na kurbata.

“G*go! Anong ikaw, ako!” Sigaw ni Rico.

Advertisement

“Huwag na tayong magtalo! Aalamin natin ang totoo. Dapat nating malaman kung sino ang lalaking iyan para sa ikakapanatag natin!” suhestyon ni Ivan.

Lunes ng gabi, pauwi na ang mga empleyado nang makita ng magkakaibigan na nagmamadaling magligpit si Jodie para umuwi. Agad nila itong inusisa.

“O, Jodie nagamamadali ka yata. May pupuntahan ka ba?” tanong ni Ivan.

“May sundo kasi ako, e!” anito.

Nagkatitigan ang apat na lalaki. Sinusuwerte nga naman sila. Pagkakataon na nila para malaman ang totoo. May pakiramdam sila na ang susundo sa babae ay ang lalaking nakita nila sa Facebook.

Lihim nilang sinundan si Jodie nang makababa ito sa lobby ng gusali kung saan sila nagtatrabaho.

Di nagtagal ay dumating nga ang kanina pa nila hinihintay. Laking gulat nila nang makita kung sino ang sumundo sa babae. Kitang-kita ng kanilang dalawang mata ang lalaking nakita nila na kasama ni Jodie sa litrato.

Ikinabigla pa nila na isa itong.. pilay.

Advertisement

Pumasok ito sa main door ng gusali na nakasaklay saka inalalayan ang babae sa dala nitong bag. Di naman sinasadya na napansin nito na naroon sila at nagmamatyag.

“Ano pang ginagawa niyo rito at bakit hindi pa kayo umuuwi? Nga pala si Jojo, ang pinakamamahal at napakabait kong asawa! Honey, sila ang mga mababait at guwapo kong kasamahan sa trabaho. Sila rin iyong nakakasama ko sa gimik at pag-inom. Para ko nang kapatid ang mga iyan!” bunyag ng babae.

Natulala ang apat sa sinabi ni Jodie. Hindi sila makapaniwala na ang lalaking hindi naman kaguwapuhan at mayroon pang kapansanan ang napangasawa ng kinahuhumalingan nilang babae.

“Kumusta kayo? Kayo pala iyong palaging kinukuwento ng misis ko! Naku, ganyan talaga ang asawa ko malakas uminom, puro kasi barako ang mga kapatid at barkada niya kaya sanay na sanay siyang kasama ang mga lalaki. Ako naman, hindi ako nagseselos kasi kilala ko itong misis ko. Ako lang ang numero uno sa puso niya!” sabi ng lalaki.

Mas lalong napipi ang magkakaibigan sa sinabi ng asawa ng babae. Maya-maya ay nagpaalam na rin ang mag-asawa at nagsabing may date pa raw ang mga ito dahil first wedding anniversary nila sa araw na iyon.

Hanggang sa makaalis ang dalawa ay walang kibuan ang apat na lalaki. Sa isip nila ay talunan silang apat dahil ang totoong nanalo sa puso ng babaeng gusto nila ay ang kagaya ng lalaki. Napagtanto nila na hindi sa itsura tumitingin ang totoong pusong umiibig, kundi sa kalooban.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Advertisement

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!