Akala ng Single Mother na Ito na Ikakahiya Siya ng Anak sa Harap ng Klase, Ngunit Isang Rebelasyon ang Sinabi ng Bata sa mga Kaklase Niya

Mag isang binubuhay ni Lorna ang 6 taong gulang na anak, si Landon. Nag aaral pa siya sa college noong malaman niyang ipinagbubuntis niya ang bata, 18 taong gulang pa lang siya noon at ang boyfriend niya naman ay 19 taong gulang, nang malaman ng lalaki na hindi niya ipapalaglag ang bata ay nanlamig ito sa kanya at biglang naglahong parang bula.

Maging ang mga magulang niya ay itinakwil siya, ngunit sa pamamagitan ng tulong ng ilang mabuti kaibigan ay naka-survive naman sila ng anak. Mabuti na lang at hindi siya sinukuan ng mga ito.

Ngayon ay nakatira sa isang apartment sa Parañaque ang mag ina, malapit rin doon ang school na pinapasukan ni Landon. Pagkahatid sa bata ay magtatrabaho naman si Lorna bilang crew sa isang fast food chain, marami rin siyang mga extrang trabaho para mapunan ang gastusin nilang dalawa.

Isang araw ay napaaga ang sundo ni Lorna sa anak, naroon na rin ang mangilan ngilang mga nanay. Naabutan niya ang mga bata na nagpapakita ng drawing sa unahan kung gaano nila kamahal ang mga magulang nila.

“Ang mommy ko ay housewife, siya ang nagluluto ng baon ko araw araw. Ang daddy ko naman pumapasok sa office para may pambili akong toys, love ko ang mommy at daddy ko kasi palagi nila akong niha-hug lalo na kapag may kidlat, takot kasi ako sa kidlat,” sabi ng isang batang babae habang ipinapakita ang drawing niya.

“Very good Mica, you may sit down. Class clap your hands for Mica.” nakangiting sabi ng guro at nagpalakpakan ang mga estudyante.

Nakadama ng habag sa anak si Lorna. Wala itong maipagmamalaki tungkol sa kanya, at wala rin itong ama na matatawag. Maya maya ay tinawag na si Landon, kakaba kaba ang ina sa sasabihin nito.

Itinaas nito ang isang drawing, lumingon muna ito sa teacher, tapos ay sumulyap kay Lorna.

Advertisement

Okay lang yan anak, sa isip isip ni Lorna.

“Love ko po ang mama ko. Siya ang nagwowork para sa aming dalawa. Wala po akong daddy pero si mama ko ang pinaka-the best na mama sa buong mundo,” sabi ng bata na ikinataba ng puso ng ina.

“Paano mo nalaman, nakilala mo na ba lahat ng mom sa buong mundo?” taklesang tanong ng isang bata.

Halos mapaluha si Lorna sa isinagot ng anak,

“Oo. Kasi si Mama ang mundo ko.”

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.