Bobo Kung Tawagin ng Iba ang Section na Hinahawakan ng Guro na Ito, Ngunit Pinatunayan Nyang Mali Sila

“Good morning Mrs. Torres,” bati ng mga high school students sa kanilang guro.

Masaya at magulo na naman ang umaga ng mga estudyante. Ngunit kahit gaano pa kagugulo ang mga ito at ilang beses na rin siyang napatawag sa principal’s office ay hindi pa rin niya magawang magalit nang matagal sa mga bata.

Siya ay kasalukuyang guro ng Section Zinc o lowest section sa mataas na paaralang pinagtuturuan niya.

“Guys, gumawa ba kayo ng homework niyo?” tanong niya sa mga estudyante.

Kaunti lang ang sumagot ng “oo”. Napatawa na lamang siya sa mga mukha ng estudyante niyang guilty sa hind paggawa ng takdang-aralin.

Sa kalagitnaan ng klase ay may bumisitang kapwa-guro niya na si Mrs. Lopez, “Pwede ka bang makausap dito sa labas?”

Agad siyang nagbilin sa kalse niyang tumahimik bago lumabas ng classroom.

“May quiz bee daw sa katapusan, teacher. Paghandain mo na ang klase mo.” Advertisement

Nagtaka ang guro sa sinabi nito, “Quiz bee? Hindi ba ‘di naman kami napapasama d’yan?”

Napangiti ito na tila nang-uuyam, “Hindi naman porke’t mga bobo ang estudyante mo ay wala ng karapatang sumali sa mga ganoong patimpalak.”

Nag-init agad ang dugo niya sa sinabi ng kapwa-guro. Tampulan talaga siya at ang mga estudyante niya ng tukso dahil sila ang pinakamababang seksyon o tinatawag na “tapunan ng mga basura”.

Dahil doon kaya siya nagsusumikap na maging magaling na guro. Hindi para paangatin ng pwesto ang klase niya, kundi para kahit na anong panlalait ang sapitin ng mga bata ay magkaroon ito ng tamang pag-uugali na hindi na patulan ang mga isyu at sa halip ay ipakita ang tamang-asal.

“By section ang quiz bee na ito. Alam kong hindi na kayo umaasang manalo, pero kailangan pa rin ng attendance at participation niyo.”

Simpleng ngiti ang isinukli ni Mrs. Torres kay Mrs. Lopez at nagpaalam na ito.

Lingid sa kaalaman ng guro na narinig pala ng buong klase ang usapan nila ni Mrs. Lopez. Kitang-kita niya sa mga mukha nito ang lungkot sa narinig.

“Oh, huwag kayong panghinaan ng loob! Gawin niyong inspirasyon ‘yung narinig niyo para galingan sa quiz bee natin sa katapusan.” Advertisement

“Pero ma’am, tama naman po si Mrs. Lopez, hindi naman po kami magaling eh.”

Nasaktan siya sa sinabi ng isang estudyante niya, “Huwag niyong isiping hindi kayo magaling. Ang palagi niyo lang isipin na kakaiba ang talento niyo. At kapag dumaan pa kayo sa ensayo ay maaaring maging mas magaling pa kayo sa iba.”

Simula noon ay nagpursige siyang turuan ang mga estudyante. Hindi naman siya binigo ng mga ito dahil isinantabi muna ng mga ito ang ingay at paglalaro, sa halip ay nagfocus ang mga ito sa pag-aaral.

Araw ng quiz bee, kinakabahan si Mrs. Torres sa magiging resulta ng patimpalak. Alam niyang hindi sila mapapasama sa top 10 pero ang tanging hinihiling niya lang ay hindi maging kulelat na naman.

“And now, we will announce the result of our quiz bee…” anunsyo ng kanilang principal.

Puno ng kaba ang mukha ng mga estudyante niya, ‘ni hindi na nga nila narinig ang huling sinabi ng kanilang principal.

“Paano nangyari ‘yun? Last section top 3 sa quiz bee?” manghang-mangha ang mga tao.

“Congratulations, Mrs. Torres natrain mo nang maayos ang mga students mo.” Advertisement

Hindi makapaniwala si Mrs. Torres sa mga nangyayari. Sigawan na rin ang kanyang mga estudyante. Nag-iiyakan, nagsasayawan at ang iba’y niyakap siya at nagpasalamat sa pasensya at sipag niyang turuan ang mga estudyante niya.

“Hindi lang ako ang nagsumikap dito. Ginawa niyo rin ang best niyo para patunayan sa iba na hindi kayo palaging nasa ilalim.”

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!