Limang Taong Nag-OFW si Misis, Ngunit sa Kaniyang Pagbabalik ay Hindi Siya ang Kilalang Nanay ng mga Anak Kundi ang Kasambahay Nila na Misis na Din Pala ni Mister, Paano na Siya?

Dalawang buwan pa lamang ang kambal ni Era nang iwan niya ito sa kaniyang kinakasamang si Roberto dahil kailangan na niyang pumunta ng Middle East. Namasukan ang babae bilang kasamabahay sa ibang bansa dahil alam niyang mas mabubuhay ang mga anak niya kung doon siya magtratrabaho. Hindi kasi nila maasahang mag-asawa ang kita ng lalaki sa pagco-construction nito.

Image courtesy of www.google.com

“Mahal, magpadala ka naman palagi ng mga litrato ng kambal sa akin. Miss na miss ko na ang mga anak ko pati na rin ikaw,” mensahe ni Era sa kaniyang asawa.

Image courtesy of www.google.com

Hindi pa uso sa probinsya noon ang internet kaya naman sa sulat o at mano-manong pagpapadala pa rin mga litrato ang kanilang nakasanayan. Kung mag-usap man ang dalawa ay saglit lang dahil mahal ang load at mas kailangang ipunin ng lalaki ang pera sa gatas at diaper ng kaniyang anak.

“Mahal, pasensya ka na. Wala pa kasi akong extrang pera para magpadala ng litrato sa’yo, alam mo namang kulang pa sa kambal ang pinapadala mong pera. Sabay lagi ang gastos ng dalawa, kapag nagkasakit ang isa ay ganun din ang isa. Ang hirap pala maging bantay sa bata,” baling ng kaniyang mister sa text.

Image courtesy of www.google.com

“Kapag nakaluwag ako dito mahal ay magpapadala pa ako ng extra sa inyo, tiis na lang talaga muna tayo,” sagot naman ng babae. Tumagal ang dalawang taon at kahit papano ay nakakahinga-hinga na sa gastusin ang mag-asawa.

“Mahal, naalala mo pa ba yung kapitbahay nating si Rema? Siya na lang daw ang mag-aalaga sa kambal para naman may kita pa rin siya kahit na sa bahay lang,” pahayag ni Roberto habang nag-uusap ang dalawa sa telepono.

“Diba’t may anak rin iyon? Nasaan ang asawa nun? Payag ba ang asawa niya na sa atin mamasukan?” baling na tanong ni Era sa kaniyang mister.

“Naku! Matagal ng hiwalay, kaya nga naghahanap ng trabaho yung babae e hindi din naman niya maiwanan ang kaniyang mga anak kaya nga mamasukan na lang daw siya sa atin. Kinuha ko na rin dahil may trabaho akong tanggap at tatagal din ng isang tao ang proyektong gagawin namin ngayon,” saad naman ng lalaki.

Advertisement

Ayaw niyang maniwala sa mga balitang nakakarating sa kaniya na nagsasama na daw si Roberto at si Rema sa kanilang bahay at itinuturing anak ng babae ang kaniyang kambal. Nagtiis pa si Era ng ilang tao dahil ayaw niyang nakikipagtalo sa telepono.

Pumayag si Era sa sinabi ng kaniyang asawa at dahil limang taon ang kontrata niya kaya hindi pa siya makakauwi, sabik na sabik na siyang makita ang kaniyang kambal. Habang tumatagal ay napapansin ni Era na dumadalang ang pag-uusap nila ng asawa at pagpapadala nito ng mga litrato.

Isang araw, umuwi na si Era ng bansa at hindi siya nagsabi sa kaniyang mister o sa kahit na sino dahil nais niyang sorpresahin ang mga ito. Malayo pa lang si Era ay natanaw niya ang kaniyang kambal na malaki na, hindi man niya nasubaybayan ang paglaki ng mga ito ngunit alam kaagad niyang anak niya ang nakita kahit pa sa malayo. Huminto si Era sa kanilang bakuran at lumuhod ito para tawagin ang dalawa,

“Mama!” sigaw ng dalawang bata sabay takbo ngunit lumagpas ito sa kaniya at niyakap ang babaeng nasa kaniyang likuran. Tinawag nilang mama ang kapitbahay niyang si Rema.

Agad naman siyang nakita ng babae at napahinto ito, “Era? Ikaw ba iyan?” nanginginig na tanong ng babae.

Image courtesy of www.google.com

“Oo ako nga at mukhang totoo ang mga balitang nakarating sa akin na kinakalantari mo si Roberto. Hindi ka pa sumaya at talagang mama ang pinatawag mo sa mga anak ko?” matapang na pahayag ni Era sa babae.

“Huwag tayong dito magtalo, huwag sa harapan ng mga bata,” wika naman ng babae at pinaglaro niya ang kambal kasama ng kaniyang anak sa kanilang bakuran at saka nag-usap ang tatlo.

“Alam kong mali itong ginawa namin sa’yo. Pero hindi ko naman sinasadyang mahalin si Rema at ayaw ko na rin magsinungaling pa kaya dapat mong malaman na nakikipaghiwalay na ako sa’yo,” pahayag ni Roberto kay Era na tila ba wala silang pinagsamahang dalawa.

Advertisement

“Isa pa, hindi mo pwedeng makuha ang anak mo sa akin,hindi ka kilala ng kambal, kaya hindi sila sasama sa’yo,” dagdag pa ng lalaki.

“Bakit? Dahil si Rema ang kilala nilang nanay?” tanong ni Era sa lalaki at pinigilan niyang umiyak, ayaw ng babae na magpakita ng kahinaan sa dalawang taksil na nasa kaniyang harapan.

“Oo at anak na rin ang turing ko sa kambal, ako ang nagpalaki sa kanila, ang aruga at nagbantay sa lahat ng oras na wala ka, kaya hayaan mo na kami. Umalis ka rito,” sagot pa ni Rema at tumayo na ito na agad na sinundan naman ni Era. Hindi naman hinabol ni Roberto ang dalawang babae.

“Oh bakit? Sasaktan mo ako? Sasabunutan mo ako?” matapang na tanong ni Rema sa kaniya.

“Hindi kita kakantiin, sa’yo na iyang asawa ko pero huwag mong ipagkait sa akin ang mga anak ko. Ina ka ring katulad ko kaya huwag mong gawin sa akin ito. Alam mo kung bakit ako nawala dahil kinailangan kong magtrabaho para mabuhay sila,” saad ni Era sa babae sabay luhod dito.

Ilang linggo pa ang lumipas ngunit hindi nadaan sa pakiusap ang dalawa kaya walang nagawa si Era kundi ang magdala ng pulis para makuha ang anak.

“Ano mam? Pati ho ba sila ay dadamputin natin?” tanong ng isang pulis na nasa bakuran ng bahay ni Roberto. Agad na nagmakaawa ang dalawang taksil at lumuhod kay Era.

Image courtesy of www.google.com

“Hindi na ho, hindi ko na ho hahabulin pa ang lalaking iyan. Yung anak ko lang ho ang gusto ko,” sambit naman ni Era sa mga pulisya.Mula noon ay nabawi ng babae ang kaniyang mga anak at hindi na naghabol pa sa lalaki, bumalik siya sa kaniyang mga magulang at doon pinalaki ang kambal. Hindi man siya kilala ngayon ng dalawa ngunit alam niyang puso nila ang maglalapit sa bawat isa.

Advertisement

Lumipas ang dalawang taon at nabalitan niyang naghiwalay si Rema at Roberto kaya agad siyang binalikan ng lalaki. Gayunpaman, hindi na niya tinanggap pa ito dahil mas masaya na siya sa kaniyang dalawang anghel sa buhay na kinikilala na siya bilang ina.

“Mama? Ikaw ang the best na mama at nag-iisang mama namin sa buong mundo!” saad ng kambal sa kaniya at niyakap siya ng dalawa. Hindi man siguro siya ang kinalakihang nanay ng mga ito ngunit pinangako niya na magiging mabuting ina siya at buburahin ang mga pangit nilang alaala.