Parang Matanda Kung Magsalita ang Anak ng Babaeng Ito, Nagimbal ang Nanay nang Malaman ang Sikreto ng Anak

Isang engineer ang asawa ni Mylene, malaki ang sinasahod nito kaya naman hindi na niya kailangan pang magtrabaho para mabuhay sila. Tutal naman ay dalawa palang sila at magkakaanak pa lamang dahil malapit nang manganak si Mylene, kabuwanan na niya ngayon. Ang problema lang sa trabaho ng kanyang asawa, ay kung saan saan ito nadedestino depende sa kung saan ang lokasyon ng bawat proyekto nito sa mga kliyente.

Tuwing na-aassign ito sa malayo ay sumasama si Mylene, tulad ngayon, bagong lipat na naman sila ng bahay. Pero di tulad ng mga dati nilang nalipatan na puro apartment lamang sila at pangungupahan, binili na nila ang bahay na ito. Jackpot kasi, antique at maganda. Mahilig si Mylene sa mga antique.

“Hon, this time hindi na pwedeng palipat-lipat. May baby na tayo.. kawawa naman siya kapag magulo ang buhay niya, school.. friends, alam mona, kung ililipat natin siya everytime na may project ka.” sabi niya sa mister isang gabi.

“Yes hon, yan nga rin ang sasabihin ko sayo. Nagpaalam ako sa boss ko na sana, kahit office work na muna ako. Syempre gusto ko may time pa rin kay baby paglabas nya, di ko yun magagawa kung hands on ako masyado sa mga project,” sagot naman ng kanyang mister habang hinihimas ang tiyan niya.

Tila narinig naman iyon ng bata dahil sumipa ito, napahagikgik tuloy si Mylene.

Mabilis lumipas ang mga araw at isinilang niya ang isang healthy baby girl, napaka-cute nito at panay ang ngiti kaya naman wiling-wili ang mag asawa.

Pinangalanan nila itong Aurora, kulot ang buhok ng bata, mamula mula ang pisngi at tila laging nangungusap ang mga mata. Mabilis lumipas ang panahon at ngayon ay tatlong taong gulang na si Aurora.

Mabait naman ang bata at palaging nakikinig sa kanyang mga magulang pero ewan ba ni Mylene, parang may kakaiba sa kanyang anak. Parang matanda ito kung magsalita, palaging may paliwanag sa lahat ng bagay. Proud naman siya, pero di niya alam kung matutuwa o matatakot dahil sa edad na tatlong taon ay tila ang dami nang karanasan at alam sa buhay ang kanyang anak.

Advertisement

“Mommy, bakit po hindi pa ako pwede sa school?” tanong nito.

“Anak, baby ka pa. Gusto namin ni daddy mo kahit sana 4 ka na, para hindi ka magsawa,” sabi niya, sinusubuan niya ito ng ginataang bilu-bilo dahil paborito iyon ng bata.

“No! I love school.. writing.. reading, the children, I love the children,” komento nito, may mag aktuwasyon pang ginagawa.

Natawa naman si Mylene, kung makapagsalita kasi ito ng ‘children’ akala mo naman ay hindi rin ito bata.

Minasdan ni Mylene ang anak, simula nang isilang ito ay mayroon na itong tila pilat sa noo. Hindi naman iyon masyadong halata dahil natatakpan ng buhok, hindi niya maipaliwanag. Nais niyang isiping balat pero mukhang pilat talaga ng isang malalim na sugat, imposible iyon dahil ni hindi nila pinadadapuan sa lamok ang anak.

Isang araw, isinama ni Mylene sa simbahan, ganoon na lang ang pagkamangha ng bata sa mga lumang rebulto ng santo. Inikot nito ang paningin.

“Ang ganda ano baby? Dito namin gusto magpakasal ulit e, kami ni daddy mo,” nakangiting sabi niya.

“Yes mommy, pretty po,” simpleng komento pa rin nito habang tinititigan ang mga lumang design sa simbahan.

Advertisement

Pagkatapos magsimba ay naisipan ni Mylene na dumiretso sa park, medyo malayo iyon at kailangang sumakay sila ng bus sa highway pero minsan lang naman niyang maipasyal ang bata. Baka nga kaya medyo kakaiba ito ay wala naman kasing nakakausap o nakakalaro.

Nakasakay na sila sa bus, lumiko ito sa isang parte ng highway nang biglang yumakap sa kanya ang bata. Napakalakas rin ng tibok ng puso nito.

“Huy baby, what’s wrong? Okay ka lang ba?” tanong niya rito at ikinandong ito. Magkatabi kasi sila at ito ang nasa tabi ng bintana kanina.

“Hindi pa rin pala nagbabago.. ganito pa rin ang pakiramdam ko..” mahinang sabi nito.

“Hey? Ano’ng sinasabi mo Aurora?” tanong niya ulit, kinakabahan na siya sa ikinikilos ng musmos.

“Dito ako naaksidente, dito nakitil ang buhay ko..” sabi nito at hinimatay na ang bata. Sa sobrang kaba ni Mylene ay dumiretso na siya sa ospital, nagtaka pa nga sya nang wala namang makitang diperensya ang mga doctor, normal naman ang resulta sa check up ng bata. Kapag daw naulit ang pagkahimatay nito ay ibalik niya na lang, basta obserbahan niya na lang muna sa ngayon.

Dahil sa nangyari, at sa mga nauna pang naganap sa kanilang bahay, tulad na lang ng pagtuturo ng kanyang anak na gamit daw nito ‘dati’ ay naisipan niyang tawagan ang matandang caretaker ng bahay. Tinanong niya lang ang history ng kanilang tinitirhan.

Hindi niya sinabi rito ang nangyari sa kanyang anak, at nagulat siya sa ikinuwento nito.

Advertisement

“Hardinero lang dito ang lolo ko noon, ang amo niya ay si Mrs. Alfonso taong 1948, maagang nabiyuda at walang mga anak. Isa siyang guro na ibinigay na ang buong buhay niya sa pagtuturo.. ang alam ko ay nabangga siya ng sasakyan habang patawid malapit sa bayan, park na iyon ngayon. Matinding damage daw ata sa ulo ang ikinamatay, hindi na nga ipinasilip ang ataul dahil may pilat sa mukha, sa bandang noo.” sabi ng matanda, na medyo nagtataka dahil namumutla si Mylene.

Kaya ba sinabi ng anak niya ang mga katagang I love the children….?

Kaya ba ganoon nalang ang kaba nito nang mapadaan sa kalsadang iyon?

Posible kayang isa itong kaso ng reinkarnasyon? Iyon bang muling pagkabuhay ng isang taong pumanaw na?

Kinagabihan rin ay pinakiusapan ni Mylene ang mister na lumipat na lamang sila. Tutol man at nabibigla ang lalaki ay pinagbigyan niya na ang kahilingan ng misis.

Nang lumaki si Aurora ay wala naman siyang matandaan sa mga kwento ni Mylene. Kung totoo mang nareincarnate si Mrs. Alfonso sa katauhan ni Aurora, ay walang nakakaalam.