Paglaki Ko, Ayaw Kong Maging Katulad ng Mga Magulang Ko

“Hoy Cesar! Akala mo ba sapat ‘yong pera na binibigay mo sakin ha?!” sigaw ng nanay ni Elena na si Aling Baby.

“Baby naman! Binibigay ko na nga lahat sa’yo ng kita tapos nagrereklamo ka pa?!” sigaw rin ni Mang Cesar.

“Tubig, kuryente, bayad sa bahay! Kulang pa ‘yan!” patuloy na si sigaw ni Aling Baby.

‘Yan ang naririnig ni Elena sa kabilang kwarto. Araw-araw na lang ay ang kanyang mga magulang tungkol sa pera. Malakas na balagbagan ang kanyang naririnig sa kabilang kwarto at sigawan. Kaya sa murang edad ni Elena, ang nagawang niyang magtanim ng inis sa kaniyang mga magulang.

“Lagi na lang silang nag-aaway. Puro na lang sila away, parang nakalimutan na nilang may mga anak sila na naapektuhan ng pag-aaway nila,” reklamo ng dalagang si Elena na noon ay nag-aaral sa hayskul.

Maliit pa lamang si Elena ay nasaksihan na niya ang walang sawang pagbabangayan ng kaniyang mga magulang. At hindi man tuluyan na nagrebelde si Elena, ay lumaki naman siya na malayo ang loob sa kaniyang mga magulang.

Minsan nga ay naiisip pa niya na maswerte ang iba, dahil masagana ang buhay nila kaya hindi magulo ang kanilang pamilya. At ang pera ang ugat ng pag-aaway at ‘di pagkakasundo.

“Pag ako nagkapamilya, hinding-hindi ko hahayaan na magiging ganyan akong magulang. Hindi ako magiging katulad nila,” iyan ang itinanim ni Elena sa kanyang isip hanggang sa kanyang paglaki.

Advertisement

At kahit naging malayo man ang loob ni Elena sa kanyang nga magulang, ginawa naman niya ang kaniyang makakaya upang maging mabuting anak sa kanila. Tinapos ang pag-aaral at nagsikap sa pagta-trabaho hanggang sa nagkaroon na rin ito ng sariling niyang pamilya.

Sa pagtahak ni Elena sa tunay na realidad ng buhay at pagpapamilya, hindi niya sukat akalain na hindi pala ganoon kadali ang buhay at ang pagkakaroon ng responsibilidad bilang asawa at magulang.

Kasalukuyan ay dalawang taon ng kasal si Elena sa kanyang asawa na si Noel, at mayroon na rin itong anak na isang taong gulang na. Noong una, ay napagsasabay pa ni Elena ang kanyang trabaho, at pag-aalaga sa kanyang anak sa tuwing umuuwi ito. Katuwang niya kasi ang kanyang ina na noon ay malakas-lakas pa, ngunit dahil sa katandaan ay kinailangan ng mamahinga ni Aling Baby sa pag-aalaga ng kanyang apo.

At dahil hindi rin madali ang maghanap ng kasambahay ay napilitan si Elena na isakripisyo ang napiling propesyon at huminto muna magtrabaho upang maging full-time mom. Ang asawa na lang nito na si Noel ang nagta-trabaho para sa kanilang pamilya.

‘Di biro ang naging desiyon nilang mag-asawa na isa lang muna ang magta-trabaho sa kanila at iwan ni Elena ang trabahong mayroon siya. Ngunit dahil bilang magulang ay kinakailangan nila ‘tong gawin. At habang unti-unting bumibigat ang responsibilidad nila bilang magulang, unti-unti rin sinusubok ng panahon ang kanilang pagsa-sama bilang mag-asawa.

Madalas silang kapusin dahil si Noel na lang ang nagta-trabaho, ngunit pilit nilang tinitiis para sa kanilang pamilya. Dahil maghapon na nasa opisina at nagta-trabaho ay madalad pagod na si Noel pag-uwi kaya hindi na niya natutulungan sa gawaing bahay at pag-aalaga ng anak ang kaniyang asawa. Si Elena naman ay unti-unti ng nakakaramdam ng pagod at hirap, dahil sa buong araw ay ang sarili niya lamang ang katuwang sa pag-aalaga sa anak at paglilinis ng bahay. At kahit na iwasan nila ang mag-away, ay nadadala sila ng pagod at init ng ulo upang hindi magkaintindihan.

“Noel naman, tulungan mo naman ako sa pag-aalaga sa anak mo,” galit na sigaw ni Elena sa asawa.

Si Noel noon ay nakahiga na at nakatulog na sa pagod dahil nagovertime ito sa opisina. Naisin man ni Noel na tunulong ngunit maging ang katawan niya rin ang sumusuko sa dami ng ginagawa niya sa trabaho at mahabang biyahe nito.

Advertisement

Nagpapadalas ang pag-aaway nilang mag-asawa. Maging maliliit na bagay, ay madalas nilang pinag-aawayan lalo na at madaling rin mainis at maginit ang ulo ni Elena. Pakiramdam kasi nito bilang asawa ay hindi na siya mahal ni Noel, kaya hindi na ito nag-aalala sa kanya. Iniisip niya rin na na losyang na siya at hindi na niya nabibigyan ang oras ang kanyang sarili.

“Pagod na pagod na ko, Noel. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ni hindi mo man lang ako tanungin kung okay pa ba ako?” iyak ni Elena habang nakaupo sa sala. Nag-away na naman kasi silang mag-asawa.

“Elena, akala mo lang ba ay ikaw lang ang napapagod? T**gina, kung akala mo ay ikaw lang ang nahihirapan sa’tin Elena, tanungin mo ulit sarili mo. Akala mo ba hindi mahirap kumayod ng doble araw-araw para lang masigurado ko na hindi kayo magigipit ng anak natin? Akala mo ba ay hindi ako nahihirapan na halos hindi ko na kayo mabigyan ng oras dahil lagi na lang din akong lagod sa trabaho,” sigaw ni Noel sa asawa dahil napuno ito sa kakadakdak ni Elena, at pumasok siya sa kwarto at ibinagsak ang pinto.

Naiwan naman noon si Elena sa sala na karga-karga ang kaniyang anak. Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha ni Elena, na walang ibang nararamdam kundi sama ng loob at pagod. Sa pagbagsak ni Noel ng pinto ay naalala niya ang nakaraan, ang araw-araw na pag-aaway ng kaniyang mga magulang at ang pagtatanim niya ng sama ng loob sa mga ito.

Sa pagkakataon na ‘yon, ay tila mas naiintindihan niya na hindi pala talaga biro ang maging isang magulang. Na kahit anong iwas ang gawin mo ay talagang susubukin kayo ng panahon at problema hanggang sa mauuwi na lang sa pag-aaway at ‘di pagkakaintindihan. Naisip ni Elena, na tulad niya ay hindi mga superhero ang kaniyang mga na kayang gawin perpekto ang lahat ng araw.

Habang patuloy na umiiyak ay naisipan niya pumunta sa kanyang ina, na isang kanto lang ang layo mula sa kanilang tahanan. Agad siyang nagtungo sa kaniyang ina, at doon tuluyan noyang ibinuhos ang kanyang mga luha. Habang hawak ni Mang Cesar ang apo at nilalaro, ay nagtungo naman ang mag-ina sa kwarto.

“Nay, bakit ganoon po? Bakit ang hirap hirap po? Hindi ko na po alam kung kakayanin ko,” wika ni Elena na patuloy sa pag iyak.

“Hindi ko po alam kung kaya pa namin ni Noel. Ilang linggo na po kaming nag-aaway, hindi niya po ako maintindihan ma. Pagod na pagod po ako,” pagpapatuloy ni Elena. Habang ang kanyang ina naman ay yakap-yakap siya at seryosong nakikinig.

Advertisement

“Nay, akala ko noong kayo pa ni tatay ang laging nag-aaway, akala ko nay hindi niyo kami noon mahal, kasi puro na lang kayo pag-aaway. Pero nay, hindinpala talaga ganoon kadali mag-asawa at maging isnag magulang. Paano niyo po ‘yon nakayanan nay?,” hagulhol ni Elena habang nakasandal sa kaniyang ina.

“Anak…” ani Aling Baby.

“Elena, anak, iiyak mo lang lahat. Ibuhos mo lahat ng sakit anak, hanggang sa mapagod ka ng umiyak,” paunang salita ni Aling Baby.

“Kayo ay sinusubok ng problema anak, pero hindi ibig sabihin noon ay hahayaan niyong maging mahina kayo. Kahit masakit at mahirap, ay patuloy niyo pa rin na piliin ang isa’t isa at ang pamilya niyo,” wika ng ina.

“Ang buhay may-asawa ay hindi lang umiikot sa pag-ibig at kilig anak. Hindi ‘yan katulad noong magnobyo pa kayo, na date niyo lang kapag monthsary ang pinoproblema niyo. Ngayon anak, pamilya niyo na ang nasa kamay niyo. Kaya hindi na lang sa pagmamahal iikot ang inyong buhay, turuan niyo ang sarili na maging mas mapag-unawa at mapagpasensiya sa pagkukulang ng isa’t isa,” dagdag ni Aling Baby.

“Tulad namin ng tatay mo, araw-araw man kaming mag-away noon, sa huli ay pinilipili namin ang isa’t isa ang kayong mga anak namin. Kahit mahirap na, ay hindi kami bumitaw at sumuko. Nagkaroon man kami ng pagkukulang dahil hindi naging payapa ang ating pamilya, ngunit mahalaga na sa huli ay pamilya pa rin natin ang ating pinipili natin anak,” wika na pa ng kaniyang ina.

“Umuwi ka na anak at tumahan. Mag-usap kayong mag-asawa, buksan niyo ang isip at puso niyo upang maunawaan niyo ang isa’t isa,” bilin ni Aling Baby habang pinapatahan si Elena.

Nang mahimasmasan na ay umuwi na si Elena upang kausapin ang asawang si Noel, na noon ay nagaabang sa gate at hinihintay silang makauwi. Sinalubong ni Noel ang kanyang mag-ina at yinakap ang mga ito.

Advertisement

“Elena, patawarin mo ako sa mga nasabing kong masasakit na salita sayo ha. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ko kayo ng anak natin,” wika ni Noel habang akap-akap pauwi ang kanyang mag-ina.

Nang makarating sa bahay ay agad na nag-usap ng mahinahon ang mag-asawa. Ipinaliwanag ng bawat isa ang kanilang nararamdaman upang maintidihan nila ang isa’t isa. Humingi rin sila ng kapatawaran sa masasakit na bagay na kanilang sinabi sa tuwing sila at nag-aaway. At mula noon, ay ipinangako na nila na sila ay matutulungan at mas magiging maunawain upang hindi sila nauuwi sa pag-aaway.

Mula rin noon ay naging malapit na ang loob ni Elena sa kanyang mga magulang lalo ng nang maintidihan niya ang hirap at sakripisyo na ginawa nila upang maitaguyod at mabuo ang kanilang pamilya.