Mas Pinili ng Lalaking Ito ang Magsinungaling Kay Misis Para Hindi Sila Mag-Away Ngunit sa Huli Malalaman Niyang Mali Pala ang Ginagawa Niya

“Wala naman nga akong ginagawang masama, Clara! Nag-inom lang kami ng mga kabarkada ko! Walang babae! Walang kahit na ano! Alak lang!” saad ni Toper sa kaniyang asawa.

Image courtesy of www.google.com

“T*ngina mo, alak lang?! Wala akong pakialam sa p*tang*nang alak mo! Ang punto dito ay nagsinungaling ka na namang kup*l ka! King*na ka! Anong ginawa ko sa’yo para ganituhin mo ako ha!? T*ngina moooo!” sigaw ni Clara sa kaniyang mister habang hinahagis nito ang mga damit ng lalaki.

Image courtesy of www.google.com

“E pag nagpaalam ba ako papayag ka? ‘DI BA HINDI! Kaya nga nagsinungaling na lang kasi palaging hindi pwede sa’yo!” sagot ni Toper habang sinasalo niya lahat ng damit na hinahagis ng babae.

“So dahil hindi ako papayag hindi ka na magsasabi ng totoo? Parang sinabi mo na rin sa akin na lahat ng ayaw ko e palihim mong ginagawa! Parang sinabi mo na rin na nangbabae ka pero di mo pinaalam kasi ayaw ko! Mamatay kana!!!! Maghiwalay na tayo!” sigaw muli ni Clara sa asawa tsaka ito umalis ng bahay.

Mag-iisang taon palang ang dalawa bilang mag-asawa ngunit wala nang araw na dumaan na hindi sila nag-away.

“T*ngina ‘tol! Punta nga kayo dito sa bahay, inom tayo! Bwisit na yan nilayasan ako ni Clara akala naman niya hahabulin ko siya!? Bwisit siya!” saad ng lalaki sa telepono.

Image courtesy of www.google.com

“Sige ‘tol kami na bahala sayo! Punta kami diyan ng tropa,” sagot ng lalaki sa kabilang linya.

Wala pang 30 minuto ay nagsidatingan ang mga kaibigan ni Toper at may dala itong isang case ng Red Horse.

Advertisement

“Pare! Mahaba-habang gabi ito!” saad ng isang lalaki sabay taas ng baso.

Image courtesy of www.google.com

Kakahawak pa lamang ni Toper ng basong may alak ay nagulat ang lahat nang bumukas ang gate nila at pumasok si Clara na may dalang kahoy na dos por dos ang laki.

“T*ngina mo talaga, Toper! Imbes na habulin mo ako para maglambing ka at magka-ayos tayo e mas pinili mo pang tawagin itong mga walang kwentang tropa mo! Lumayas kayong lahat!!!!” sigaw ni Clara habang winawagayway niya ang dalang kahoy. Agad namang nagtakbuhan ang mga lalaki tsaka sila nagtawanan.

Image courtesy of www.google.com

“Clara malalala ka na! Pati sa mga kaibigan ko pinapahiya mo na ako! Malalala ka na! Maghiwalay na lang talaga tayo!” sigaw ni Toper sa baba sabay alis. Halos isang linggong hindi nagparamdam si Toper sa kaniya at hindi rin ito umuwi sa kanilang bahay.

“Friend naman kasi, mali naman kasi yung ginawa mo, girl. Tinalo mo pa yung lola ko sa sobrang eskandalosa ng ginawa mo. May pride din naman kasi si Toper, tsaka kahit ikaw naman yung ipahiya sa amin ni Toper tapos may dala siyang kahoy tapos pinalayas din kami, matuwa ka kaya? Di ba hindi! Nakakahiya yun!” wika ni Olivia ang matalik na kaibigan ng dalaga.

“Syempre galit ako! Ikaw ba hindi ka magagalit kung yung asawa mo e hindi ka hinabol kahit naglayas ka na? Tapos maaabutan mong nag-iinom pa?” tanong ni Clara dito.

“Unang-una magagalit ako girl, pero malaki ang bahay pwede ko siyang hatakin sa loob para doon awayin o kausapin. Tsaka isa pa, hindi na kayo 15 anyos para maghabulan pa. Jusko naman Clara! Mag 26 anyos ka na sa susunod na buwan at katulad nga ng sinabi ko sa ‘yo, normal lang sa mag-asawa ang mag-away pero hindi ang magpaluan ng dos por dos! Sobrang immature ng move mo, girl! Kaya kahit ako hindi na lang ako magpapa-alam sayo sa mga gimik ko kung sobrang OA mo naman magalit,” saad ng kaibigan.

Halos tatlong taon ding naging magkasintahan sina Toper at Clara bago sila nagpakasal, mahilig uminom ang lalaki na siyang kabaligtaran naman ng babae.

Advertisement

Dati pa man ay gusto na itong baguhin ni Clara dahil gusto niyang ipagmayabang sa mga kaibigan na tanging siya lang ang nakapagpatino sa lalaki, ngunit nitong mga nakaraang buwan ay mukhang sumobra siya.

“Toper anak, umuwi ka na sa asawa mo pag-usapan niyo ‘yang problema niyo. Hindi ka na bata para magtago sa saya ko!” wika ni Aling Tifanny, ang nanay ni Toper.

Image courtesy of www.google.com

“Nay, bakit ganon? Dati naman nung mag jowa lang kami hindi ganito kasakit sa ulo, ngayon nakakasuka e. Ayoko nang umuwi doon, makikipaghiwalay na lang ako. Nakakabwisit yung ginawa niya, hanggang ngayon hindi ko makalimutan,” saad ng lalaki sa ale.

“Anak, isipin mo rin ba’t nagkakaganon siya. Hindi naman kami basta-basta nagagalit sa asawa namin lalo na kung walang dahilan. Pag-usapan niyo anak, ganyan talaga sa una,” baling ng ale.

Tinext na muna niya si Clara na uuwi siya sa bahay at mag-uusap sila. Pagkarating niya ay naka-upo na ito sa sofa at blangko lamang ang mukha. Nakalapag na rin ang marriage contract nila sa mesa.

Image courtesy of www.google.com

“Mukhang makikipaghiwalay ka na talaga at nilabas mo na yang kontrata natin,” panimulang bati ni Toper sa misis.

“Alam mo hindi naman ako magagalit sa’yo kung nag-iinom ka o bumabarkada ka, ang akin lang sana magsabi ka. Magpaalam ka kasi asawa mo na ako at hindi ako tau-tauhan dito sa bahay,” baling ni Clara sa lalaki at agad na tumulo ang luha niya.

“Lagi ka kasing galit, magpapaalam nga ako sa’yo pero ‘di mo naman ako pinapayagan tapos kung papayag ka man e parating masama ang loob mo. Nakakainis din kayang laging ganun. Nakakasakal, Clara!” sagot ni Toper sa misis.

Advertisement

“Hindi mo ba talaga nakikita kung bakit ako ganon? Iniingatan lang kita, Toper. Tignan mo yang tiyan mo, lumolobo na sa alak, ‘yang sipon at ubo mo hindi nawawala. Sa loob ng isang linggo halos apat na beses ka kung mag-inom! Mas marami ka na ngang oras sa barkada at alak mo kaysa sa akin. Paano na kung may mga anak pa tayo? Simula nang kinasal tayo pakiramdam ko hindi mo na ako ginalang. Dahil ba asawa mo na ako kaya ayos na sa’yong ganitohin nalang ako?” wika ni Clara sa mister.

Napalunok ng laway si Toper dahil totoo naman nga talaga ang sinabi ng misis. Aminado siyang naging kampante siya simula ng sila’y ikasal at ayaw niyang pinagsasabihan ng asawa dahil nahihiya siyang mabansagang “under”.

“Kahit kailan Toper hindi kita pinagbawalan kung nasa tama ka! Katulad ng pag may okasyon o kasiyahan. Binigay ko sa’yo lahat pero yung konting respeto na magpaalam ka sa taong pinakasalan mo, hindi mo na magawa!” umiiyak na ng matindi si Clara.

“Sorry….” tanging nasabi ni Toper at niyakap ang asawa.

“Yung mga barkada mo hindi ‘yan ang mag-aalaga sayo pag tumanda ka na. Yung alak mo, hindi ‘yan ang magpapaligo sa’yo ‘pag di mo na kayang gumalaw. Yang bisyo mo, sisingilin ka niyan ng matindi pagdating ng panahon pero ako, mamahalin at bubuhayin pa kita araw-araw. Sana nakikita mo Toper yung punto ko. Patawarin mo rin ako sa kahihiyan na ginawa ko noong nakaraan, hindi ko na uulitin yun,” dagdag ni Clara habang nakayakap siya sa kaniyang asawa.

Matapos ang pag-uusap na iyon ay maraming napagtanto si Toper. Katulad ng pagiging kampante niya simula noong sila’y nagpakasal, hindi na niya pinapaalam ang kaniyang mga ginagawa sa asawa dahil pakiramdam niya ay mas nadadagdagan ang kaniyang pagkalalaki ngunit sa kabilang banda ay respeto naman ng nawawala sa kanilang pagsasama.

Siguro nga ay masyadong maingay si Clara at ayaw niya sa bisyo ng lalaki ngunit alam din niyang mahal na mahal lamang siya ng babae kaya ganoon.

“Ang mga babae pala ay ginagalang pa rin kahit ka-apeliyedo na namin,” saad ni Toper sa sarili habang nakatingin sila sa mga bituin.

Advertisement

Ngayon ay maayos nang nagsasama ang dalawa. Umiinom pa rin si Toper ngunit nagpapaalam na siya sa kaniyang misis at mas sinusubukan na niyang ikontrol ang kaniyang pag-inom lalo na ngayong magiging tatay na siya.

Gusto niyang lumaki ang kaniyang magiging anak na may makikita siyang maayos na pamilya, dahil ang bisyo’y panandalian lamang at ang pamilya ay pang habangbuhay.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!