Tinulungan ng Lalaki ang Isang Binatilyong Magbobote, Hindi Niya Akalaing Makalipas ang 25 Taon ay Babalikan Siya Nito Upang Suklian ang Kabutihang Ginawa

Maganda ang takbo ng negosyong grocery ni Francis, marami ang tumatangkilik, maganda kasi ang pwesto noon sa mismong corner ng kalye kaya kitang kita ng mga mamimili. Dito siya kumukuha ng ipinang aaral ng kanyang mga anak at laking pasasalamat niya sa biyayang natatanggap.

Isang araw ay naglilinis ang kanyang misis, naging makalat nitong nakaraan ang kanilang bahay dahil masyado silang naging busy sa negosyo at wala nang panahon para magligpit. Napakaraming damit ang nakahambalang sa sala, pagpasok naman sa kwarto ay wala nang paglagyan ang mga damit na nailigpit dahil puno rin ang aparador.

“Ano ba yan ling, ipagtatapon mo na nga ang hindi mo ginagamit! Magsindi lang ng lighter dito ay sunog tayo lahat sa dami ng tela sa bahay na ito!” inis na wika ng misis niya habang nagpapagpag ng basahan.

“Sayang naman kung itatapon,” sabi niya rito.

“Eh anong gagawin dyan, kakainin mo para maubos?” pilosopong sagot ng misis niya, natawa naman si Francis sa sinagot ng babae. Pero alam niya na kapag biniro niya ito ay mapipikon lalo.

“Ipamigay na lang natin.” sagot niya rito, kumuha siya ng plastic na malaki at pinili ang mga damit na hindi na niya gagamitin. Naroon ang ilang sando, polo shirt, slacks, shorts na butas at mga lumang Tshirt.

Inilabas niya ang plastic at saktong may binatilyong magbobote ang napadaan.

“Toy, iyo na lang kung kasya. Yung iba ipamigay mo sa mga kakilala mo.” Iniabot niya rito ang plastic, nang makita ng binatilyo ang laman niyon ay nagliwanag ang mukha nito sa saya.

Advertisement

“Salamat po!” sabi nito, at ipinadyak na ang side car papalayo.

Makalipas ang maraming taon, hindi na ganoon kalago ang negosyo ni Francis, marami na rin kasing tindahan ang nagsulputan. Ang mga anak niya ay may kani kaniya nang pamilya at sila naman ng misis niya ay kumakapit nalang sa grocery niya para mabuhay. Natatakot ang lalaki na kailangan na nilang isarado ang grocery dahil papalugi na ito.

“Ling, mas marami pa ang binabayaran natin kaysa sa kinikita natin. Magpahinga na tayo, sabi naman ni John Michael susustentuhan nalang daw niya tayo buwan buwan.” sabi ng misis niya na ang tinutukoy ay ang panganay nilang anak.

Naroon sila sa harapan ng grocery at nagmemeryenda. Matagal na siyang kinukumbinsi ng mga ito na isarado na ang negosyo.

“Alam ko namang hindi tayo pababayaan ng mga bata. Pero intindihin mo ako Celia, itong grocery parang anak ko na rin. Pinalago natin ito eh! Hindi ba’t ito ang bumuhay sa ating lahat noon? Ang nagpatapos ng pag aaral ng mga bata?” malungkot niyang sabi rito.

Naiintindihan naman siya ng misis kaya lang ay hindi na talaga praktikal kung itutuloy pa nila ang pagpapatakbo ng negosyo. Nagulat ang dalawang matanda nang may biglang nagsalita.

“Bibigyan ko kayong puhunan, ituloy ninyo ang negosyo.” sabi ng isang lalaki na naka-Americana. Napaka elegante nitong tignan, sa likod nito ay isang magandang kotse. Kanina pa pala ito nakatayo doon at naririnig ang usapan nilang mag asawa.

“H-ho? Sino ho sila?” tanong naman ni Francis na pilit minumukhaan ito.

Advertisement

“Panahon na po para ako naman ang magbalik ng kabutihan ninyo, hindi nyo po ba naaalala? 25 taon ang nakakalipas?” tanong nito.

Hindi naman sumagot ang mag asawa, hindi naman kasi talaga nila naaalala.

“Binigyan ninyo ho ako ng mga damit. Magbobote lang ako noon, pero nang makita ko ang mga polo shirt at slacks na ibinigay ninyo nagkaroon ako ng pangarap. Sabi ko, balang araw makakapag suot ako ng ganito, kaya nagsumikap ako at nag aral mabuti. Yung simpleng kabaitan ninyo ho ang naging inspirasyon ko.” nakangiting sabi nito.

Biglang naalala ni Francis, ang binatilyong magbobote.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.