Ganti Mula sa Isang Kumare

Inis na inis na naman si Nympha, 38 taong gulang, single, sa kaniyang apat na kumareng sina Antonia, Frida, Sanya, at Rebecca. Minsan na nga lang silang magkita-kita siya pa ang tampulan ng tukso ng mga ito. Nag-ayang lumabas sina Sanya at Rebecca dahil naiinip na raw sila sa bahay. May sari-sariling pamilya na ang apat at inaanak pa niya ang mga anak nito.

“Ano ba ‘yan, Nymphs, kailan ka ba magpapakilala sa amin ng dyowa mo? Aba, huling-huli ka na sa byahe, ah,” untag sa kaniya ni Rebecca. Sa kanilang lima ito ang pinakataklesa. Walang preno ang bibig nito. Ito rin ang pinakalaitera.

“Uy, ano ba kayo, huwag niyo naman i-pressure si Nympha. I’m sure makakahanap din siya,” singit naman ni Sanya. Ito ang “prim and proper” sa kanilang barkadahan. Ang totoo, gaya ni Rebecca ay taklesa rin ito. Pailalim lamang kung bumanat, in a very subtle way.

“May idine-date ka ba ngayon? May social life ka pa ba? Baka naman kasi puro work ka?” tanong sa kaniya ni Frida, ang pinakamatalino sa kanilang apat. Ito rin ang huling nag-asawa dahil sa taas ng standards nito sa pagpili ng magiging kasintahan.

“Gusto mo, mare, hanapan ka namin? Para lumigaya naman ang petchay mo!” banat naman ni Antonia, ang pinakamataray naman sa kanila.

“Kalma, guys. Huwag nga kayong ganiyan. Huwag niyo akong pinagmamadali. Wait, punta lang ako sa powder room. Excuse me,” pasintabi ni Nympha sa apat. Ang totoo ay nasira na ang araw niya dahil sa siya na naman ang nasa spotlight.

Hindi pa man siya tuluyang nakalalayo ay narinig niyang nag-usap-usap ang apat. Hindi siya napansin ng mga ito dahil may pader bago makapunta sa powder room. Pinakinggan niya ang usapan ng mga ito.

“Paano naman kasi hindi man lang mag-ayos. Tignan mo nga ang hitsura niya. Mas mukha pa siyang may asawa kaysa sa atin,” komento ni Rebecca. Kinuha nito ang maliit na salamin at sinipat ang sarili.

Advertisement

“Huwag kayong maingay. Baka marinig niya kayo. Pero I agree with Rebecca. Mukhang kailangan nga ng kaunting glam team ni Nympha,” pagsang-ayon ni Sanya.

“Naïve kasi ang kaibigan natin na iyan,” komento ulit ni Rebecca.

“Shut up, Rebecca! What a word! Pero totoo naman,” sabi naman ni Frida. Nagtawanan silang apat.

Lahat ng ito ay dinig na dinig ni Nympha. Sabagay, simula na noong college pa sila ay pakiramdam niya ay mababa ang pagtingin sa kaniya ng mga kaibigan. Marami kasi silang manliligaw noon samantalang siya wala man lang nagtangkang manligaw sa kaniya dahil naïve daw siya. Isa raw siya sa mga kandidato sa pagkamatandang dalaga.

Lumabas si Nympha sa kaniyang pinagtataguan at hinarap ang mga kaibigan.

“Are you all done, guys? Salamat at sinasabi niyo ‘yan kapag nakatalikod ako. Alam niyo hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung talagang mga kaibigan ko kayo, eh,” sabi ni Nympha. Kinuha niya ang shoulder bag at nag-walkout.

Kinagabihan isang plano ang naisip niyang gawin para makaganti sa kaniyang mga tampalasang kumare. Panahon na upang ipakita sa kaniyang mga “mabubuting” kaibigan na hindi siya naïve. Aakitin niya ang mga asawa nito at titikman.

“Tignan lang natin kung anong magiging reaksyon niyo kapag nalaman niyong tinikman ko ang mga asawa niyo,” sa isip-isip ni Nympha.

Advertisement

Una niyang tinawagan ang asawa ni Antonia na si Philip. Isa itong supervisor sa isang car company. Ang ginawa niyang alibi, gusto niyang kumonsulta rito dahil bibili siya ng bagong sasakyan. Kabilin-bilinan niyang huwag sasabihin kay Antonia na magkikita sila. Sinundo naman siya nito. Habang nasa sasakyan ay biglang dinakma ni Nympha ang pagkalalaki ni Philip.

“Anong ginagawa mo, Nympha?” takang tanong ni Philip. Naramdaman ni Nympha ang pag-alsa ng “kaibigan” nito. “Huwag mo akong intindihin. Mag-drive ka lang diyan. Ako naman ang magda-drive sa iyo.” Sabay kindat ni Nympha.

“Baka malaman ni Anto…”

“Kung sasabihin mo. For sure, hindi. Huwag ka nang maarte. Alam kong gusto mo rin ito,” nang-aakit na sabi ni Nympha.

Inihinto ni Philip ang sasakyan sa isang parking space, doon sa walang nakakakita at walang masyadong nakahimpil na sasakyan. Mayamaya ay makikitang umaalog na ang kotse ni Philip. At nagtagumpay sa kaniyang plano si Nympha.

Sumunod naman sa listahan niya ang gym instructor na asawa ni Frida na si Tyrone. Malaki ang katawan nito at talaga namang nakatatakam. Sinadya talaga ito ni Nympha sa pinagtatrabahuang gym. Kunwari magpapa-assist siya rito para sa pagji-gym. Habang inaalalayan siya nito ay bigla niya itong siniil ng halik. At nagtagumpay na naman si Nympha. Ginawa nila ang pagtatalik sa isa sa mga palikuran sa loob ng gym.

Lumipas ang dalawang araw ang asawa naman ni Sanya na si Logan ang kinontak niya. Isa itong interior designer at landscape architect. Ang dahilan naman niya ay gusto niyang iparenovate ang kaniyang bahay at hardin. Bilin niya na huwag na nitong isama pa si Sanya. Pagdating sa bahay ni Nympha ay nagulat si Logan dahil sa napakaseksing suot ni Nympha.

“Ang seksi naman ng kumare ko,” komento ni Logan. Napalunok ito dahil litaw na litaw ang boobs ni Nympha sa suot nito.

Advertisement

“Mas seksi ba kay Sanya?” Nang-aakit na sabi ni Nympha kay Logan. Hinila ni Nympha si Logan patungo sa kaniyang sofa at doon naganap ang hindi dapat maganap. Nagtagumpay na naman si Nympha sa kaniyang maitim na plano.

Panghuli, sinadya talaga ni Nympha na magtungo sa bahay ni Rebecca. Naabutan niya roon ang mag-asawa. Sa totoo lang noon pa man ay crush na si Nympha ng asawa ni Rebecca na si Dante. Kilalang playboy ito noon sa kanilang campus at kakaiba kung tumitig kay Nympha.

“Napadalaw ka, Nymphs?” takang tanong ni Rebecca. “Wala. Boring kasi sa bahay kaya gusto kong dumalaw. Nasaan si Dante?” balik tanong ng babae. “Ayun. Nasa kwarto. Rest day niya. Ang mga bata naman may kaniya-kaniyang lakad.”

Nagkwentuhan sila ni Rebecca. Umiisip ng paraan si Nympha kung paano niya masasalisihan si Dante. Hanggang sa biglang may tumawag kay Rebecca, ang presidente ng home owne’’s association. Kailangan daw nilang magkita ni Rebecca dahil ito ang treasurer. Emergency meeting daw. Nagpaalam si Rebecca na aalis lamang saglit upang dumalo sa naturang pulong.

Sinamantala ito ni Nympha. Umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay at nagtungo sa kwarto nina Dante at Rebecca. Naabutan niyang nakahiga sa kama si Dante, nanonood ng pelikula sa laptop. Wala itong damit pang-itaas at naka-boxer shorts lamang.

“Nympha? Ikaw pala? Nasaan si Rebecca?” takang tanong ni Dante. “Umalis siya. Emergency meeting daw ng home owner’s association. Wala akong kasama sa baba. Pwede bang dito na lang ako?” mapanuksong pakiusap ni Nympha kay Dante. Napalunok naman si Dante. Kitang-kita sa mukha nito ang kaba.

“Sige. Magbibihis lang ako at bababa.”

“Huwag na. Gusto kong nakaganiyan ka lang, pare. Tsaka huwag na tayong bumaba. Dito na lang.”

Advertisement

Unti-unting lumapit si Nympha kay Dante. Kumandong dito at siniil ng halik ang lalaki. Tumugon naman si Dante.

“Baka mahuli tayo ni Rebecca,” kabadong sabi ni Dante.

“Hindi iyan. Mabilis lang. Alam ko namang matagal ka nang natatakam sa akin,” sabi ni Nympha. Agad niyang dinaluhong si Dante. At nagtagumpay si Nympha.

Saktong katatapos lamang nila nang bumalik si Rebecca. Nakababa kaagad si Nympha sa sala na para bang walang nangyari.

“I’m back. Sorry, Nymphs. O, bakit parang pawis na pawis ka?” tanong ni Rebecca. “Naku, medyo mainit kasi. Medyo mahina pala ang aircon mo,” dahilan ni Nympha.

Kinagabihan sinabihan ni Nympha ang kaniyang mga kumare na mag-online sa kanilang group chat. May ipadadala raw siyang sorpresa. Isinend ni Nympha ang mga kuhang larawan niya kasama ang mga asawa nito. Nakuhanan pala niya ng larawan sina Philip, Tyrone, Logan at Dante.

“Surprise, guys! Ang sasarap ng mga asawa niyo.” Huling chat ni Nympha sa group chat. Hindi na niya binasa ang mga komento ng mga ito. Isa-isa niyang blinock ang kaniyang mga kaibigan. Naisip din niyang susugurin siya ng mga ito sa kaniyang condo kaya sinabihan na niya ang guwardiya na huwag magpapapasok ng kahit na sino kapag may dumalaw sa kaniya.

Subalit hindi napaghandaan ni Nympha ang sumunod na mga pangyayari. Sumugod sa kaniyang pinapasukang opisina ang apat na kaibigan. Kunwari ay bibisita lamang ang mga ito sa kaniya. Kinaladkad, sinampal, sinabunutan at ipinahiya nila si Nympha sa harap ng mga kasamahan at boss nito. Dahil sa eskandalo ay tinanggal sa trabaho si Nympha.

Advertisement

Bukod dito ay napag-alaman din ni Nympha na sikat na siya sa social media dahil ipinost pala ng apat ang kaniyang mga kuhang larawan. Marami sa kanilang mga kakilala ang nagalit sa kaniyang ginawa.

Humingi ng tawad si Nympha sa kaniyang mga kaibigan. Huli na ang lahat dahil nasira ang relasyon ng kaniyang mga kaibigan sa mga asawa nito dahil sa nangyari.

Minabuti na lamang ni Nympha na mangibang bansa upang tumakas sa kahihiyan. Sising-sisi sa kaniyang mga ginawa si Nympha. Nawalan siya ng mga kaibigan at nasira ang kaniyang buhay dahil sa kaniyang kalokohan. Napagtanto niya na totoo ang bilis at pagbalik ng karma.