Dahil Ipinagpalit ng Boyfriend ay Tinangka ng Dalaga na Tumalon sa Tulay, Doon Niya Pala Makikilala ang Tunay Niyang Prinsipe

Kahit anong pahid ni Emmalyn sa mga luha niya ay ayaw mapatid ang pagtulo noon. Hilam ang mga mata niya at hindi na masyadong makita ang daan kung saan niya minamaneho ang kotse, pero bahala na. Wala na rin namang saysay ang buhay niya eh.

Ulilang lubos na siya. May maganda ngang trabaho pero mag-isa naman sa buhay. Doon niya nakilala si Prince, akala niya ay ito na ang liwanag sa dilim ng kanyang buhay. Niligawan siya nito at minahal. Ikalawang anniversary nga nila ngayon eh, perfect na sana kaya lang nang sorpresahin niya ito sa condo ay halos mahimatay siya.

Naroon ang Prince niya sa kama, may nakapatong na babaeng malaki pa yata ang puwet kaysa sa ulo nito. Saglit lang na nagulat ang dalawa nang makita siya, tapos tumayo at nagtapi ng twalya. Kaswal na nilapitan siya ni Prince, tinapik ang balikat niya na parang wala lang habang siya ay tulala at di makagalaw sa kinatatayuan.

“I’m sorry na sa ganitong paraan mo pa nalaman,”

Aaminin niya, hindi iyon ang inaasahan niyang marinig. Ni hindi man lang ito natakot na mawala siya, parang dumoble ang kutsilyong nakatarak sa dibdib niya. Lalo pa nang biglang pumulupot rito ang babaeng ka-niig nito kanina lang.

“Denise, let me talk to her. Dun kana muna.” sabi ng binata.

“No honey, may sasabihin lang ako. Hi! Ikaw pala si Emmalyn, name palang pang-katulong na. So now alam mo na, hayaan mo nalang kami ni Prince please?” tapos ay tumalikod na.

Umiiling iling siyang tumakbo palayo. Sana panaginip lang, makailang beses niya sigurong sinampal ang sarili sa elevator pero wala eh. Totoo eh.

Advertisement

“I wanna die!” bulyaw niya, mariing tinapakan ang preno ng kotse nang mapatapat sa isang malaking tulay.

Bumaba siya sa sasakyan at tumungtong sa simento. Ramdam niya ang lakas ng hangin, nakapikit siya habang umiiyak. Wala namang iiyak kung mawala siya, baka ni wala ngang makapansin.

Ano pa ba ang silbi niya sa mundo.

“Walanghiya ka! Walanghiya sa lahat ng walanghiya! Sana bago ako mamatay marinig mo tong mga sinasabi ko, walanghiya ka! Kumuha ka pa ng credit card, nagpa-authorized user ka pa sa akin na hayop ka! Kaya pala puro alahas at lipstick ang nasa resibo ko, pero wala ka namang binibigay sa akin!

Walanghiya ka Prince, ginawa kong lahat para sayo. Sayo umikot ang mundo ko. Dahil lang hindi ko isinuko ang Bataan, hahanap ka na ng malaki ang pwet?! Ganoon lang ba lahat? Hayop ka, mahal na mahal kita..” parang nababaliw nang sabi niya.

Dumilat siya, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam pero desidido pa rin siyang tumalon.

Dahan-dahan siyang tumingin sa babagsakan niya at nangilabot ang buo niyang katawan. Ang taas pala.

Bigla siyang napalingon nang marinig ang isang baritonong boses, matipid itong tumawa.

Advertisement

“P*ke mo tumalon!” gulat na sabi niya nang makita ang isang binata sa hindi kalayuan. Nakaupo ito at nakalambitin sa tulay.

Kanina pa ito naroon at di niya napansin dahil masyadong wasak ang puso niya.

“Ang taas no? Sureball yan, patay ka dyan.” sabi nito habang nakatitig sa kanya.

Gwapo ang binata, bagamat may patubo itong bigote at balbas at magulo ang buhok. Kahit hindi hapit ang suot ay mahahalatang maganda ang katawan. Pero ang pinaka-tumawag sa atensyon ni Emmalyn ang mga nito, mahaba ang pilik-mata pero..namumugto?

Oo nga, namumugto nga! Galing rin ito sa pag-iyak!

“M-Magpapakamatay ka rin ba?”

Lalo itong natawa sa tanong niya. Bumaba ang binata sa kinauupuan at inialok ang kamay sa kanya, di niya alam pero tinanggap niya iyon. Bumaba na siya.

Bumuntong hininga ang binata at nagsalita, “Bukas na tayo magpakamatay.”

Advertisement

Natawa si Emmalyn, di niya alam pero gumaan ang pakiramdam niya rito. Tila ba nabawasan ng kaunti ang bigat na kanyang dinadala.

Lumipas ang ilang buwan, nakakangiti na ng maayos si Emmalyn. Totoo na sa loob niya kumbaga, malaking tulong doon si Calvin. Mula nang gabing magkita sila sa tulay ay hindi na sila mapaghiwalay, palagi niya itong kinukwentuhan ng drama niya sa buhay.

Samantalang tikom naman ang bibig ng binata tungkol sa buhay pag-ibig nito, kaya hindi na siya nagtatangka pang magtanong. Ang problema lang, habang tumatagal ay para bang nahuhulog siya rito. Mabait ang binata, sobrang sarap kausap at may respeto pa.

“Pag naiisip ko ako many months ago, para pala akong timang! Magpapakamatay para sa basura,” naiiling na sabi niya.

“Syempre. Nagmahal ka eh, yung ganyang pag-ibig na kasing ganda ng sayo. Yan ang dapat na iniingatan.” diretsong sabi ni Calvin. Halatang maging ito ay nagulat sa sinabi. “Tara na nga, paniwalain ka naman.” sabi nito at inakay na siya. Papunta sila ngayon sa isang mamahaling restaurant at kabababa lang nila sa kotse nito.

Palagi naman silang nagdi-dinner pero ewan ba ni Emmalyn, iba ang gabing ito para sa kanya. May kaba,excitement at kilig na pinagsama-sama sa dibdib niya.

Habang hinihintay ang order ay nagpaalam siya kay Calvin na magsi-CR muna. Di niya kasi kayang tagalan ang titig nito.

Pagbalik niya ay masaya pa siyang naglalakad palapit sa mesa nila nang mapatigil siya. Nakatayo si Calvin at yakap-yakap ang isang babae.

Advertisement

Si Denise.

Paano niya ba makakalimutan ang malaking pwet nito?

Nasulyapan siya ni Denise at kumalas ito sa pagkakayakap ng binata.

“You?” nakakunot ang noo na sabi nito.

Tumigas ang ekspresyon ng mukha niya. “Ako nga, ano ang ginagawa mo rito?” wala siyang dapat na ikahiya rito, ito ang may atraso sa kanya. Hindi na siya matatarayan nito tulad ng ginawa nito noon.

Ngumisi ang babae.Nagpabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa ni Calvin, “Oh! What a coincidence, mahilig ka talagang makiagaw sa akin no? Palagi ka namang talo! So you’re dating Calvs, alam mo ba na ako ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wasak siya? Shocked ka yata darling, ex niya ako. Hinding hindi ako mapapalitan sa puso niya.Lalo na ngayon na kukunin ko na siya ulit.”

Hindi siya nakaimik. Sinulyapan niya si Calvin, inaasahan niya tututol ito, ipagtatanggol siya pero hindi ito makatingin nang diretso sa kanya.

Dahan-dahang napaatras si Emmalyn palayo, palaki nang palaki ang hakbang niya hanggang sa tumakbo na siya palabas.

Advertisement

Talunan nanaman siya..ulit.

Hindi na siya nadala. Pero bakit kaya ganoon? Parang mas masakit itong pangalawang beses. Parang mas mahihirapan siyang makalimot..ang mas masakit pa, parang hindi na siya makakalimot. Mahal na mahal na niya si Calvin.

Isang Linggo siyang nag-leave sa opisina. Maloloka lang siya roon dahil tumutulo nalang ng kusa ang luha niya. Sinasadya niya ring mag-OT ng todo para pag uwi sa bahay ay matutulog nalang siya. Ayaw niyang magkaroon ng bakanteng oras, naiisip niya lang si Calvin.

Isang gabi, akmang isasara na ni Emmalyn ang gate nang may brasong humarang doon.

“Ano ang ginagawa mo rito?” kunot ang noong tanong niya kay Prince.

“E-Emma I’m sorry. I realized that I was wrong, I was so wrong. Patawarin mo ako. Give us another chance please?”

“Prince..” tanging awa nalang ang nararamdaman niya sa lalaki, halatang miserable ito. Amoy alak at sigarilyo rin ito.

Hindi niya alam ang sasabihin, nagulat nalang siya nang may humila rito palayo sa kanya.

Advertisement

“Back off.” sabi ng baritonong boses. Ah..ang puso niya. Iba talaga ang tibok pag nakikita..si Calvin. Nagha-hallucinate ba siya?

“Pare, gumaganti ka lang-“

“Wala akong pakialam sa inyong dalawa ni Denise. Magsama na kayo, wag nyo na kaming guluhin ni Emma.” mabangis na sabi ng binata kay Prince.

Nang hindi siya kumibo ay sumakay na si Prince sa kotse nito, bago umandar ay sinigawan pa sila pareho, “Losers!”

“At ikaw.” tumayo ang mga balahibo ni Emmalyn nang balingan siya ni Calvin.

“Ano ako?”

“Bakit mo ako iniwan doon?” sabi nito pero hindi galit ang nasa mga mata kundi..pangungulila?

“I’m so tired Calvin. So tired of fighting for men, then being left behind. Ayoko na,tapos na ako sa ganyan.” sabi niya pero ang totoo, pinipigil niya lang ang maiyak.

Advertisement

Dumaloy ang kuryente at namula ang mukha niya nang hawakan ni Calvin ang dalawa niyang pisngi.

“Emmalyn, I’m sorry for not telling you. Dahil pag kasama kita, ang naiisip ko lang ay puro maganda. Puro masaya, akala ko hindi mo na kailangang malaman ang tungkol kay Denise. Mali ako..

Oo, ex ko nga siya. Siya ang dahilan kung bakit ako magpapakamatay dapat ng gabing iyon, dahil nakipag-break siya sa akin para sumama sa iba. I didn’t know though, na ang ipinagpalit niya sa akin at ang ex mo ay iisa. Emma sana wag silang maging hadlang sa ating dalawa. Karapatan din nating lumigaya.

Halos masapak ko si Denise noong gabing iyon sa restaurant. Hindi ako makasalita dahil nagulat rin ako..Diyos ko Emma nakuntento nalang akong parang asong sunod nang sunod sa iyo masiguro ko lang na safe kang uuwi araw-araw. Nagkalakas loob lang ako nang lapitan ka ng ulupong na-“

Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ni Calvin, hinalikan niya na ito.

At masasabi ni Emmalyn na ang gabing iyon, ‘pokmaru’ man siya kung iisipin, ay ang pinakamagandang desisyong isinugal niya. Dahil habangbuhay siyang minahal at iningatan ni Calvin.

Ngayon ay masaya na silang namumuhay kasama ng kanilang dalawang anak.