Natagpuan ng Dalagang Ito ang Pag-ibig Sa Muling Niyang Pagtakbo

Isang atleta si Audrey Kakanaig. Simula elementarya’y hilig na niya ang pagtakbo. Sumasali rin siya sa mga marathon at nananalo. Nasubukan rin niyang laruin ang ibat-ibang isports.

Katulad ng long jump, kung saan palayuan ng matatalon ang bawat kalahok para manalo.

Javelin throw, ito naman yung may malaking lapis na kailangan niyang mahagis ng malayo at tumusok sa lupa, palayuan rin ang basehan para manalo.

Discuss throw, ito ‘yong mabigat at malaking plato na kailangang ihagis, mas magandang lipad, mas malayo, mas maayos kasi ikaw ang mananalo.

Image courtesy of www.google.com

Shot put, ito naman yung mabigat na metal na bola. Isang kamay lang ang gamit at kailangan nakadikit ito sa iyong tenga tsaka ihahagis, may bigat itong 50 kls. Mas malayo, mas panalo.

Badminton at volleyball naman ang hilig nilang laruin ng kanyang mga barkada.

Ngunit nagbago ang lahat ng siya’y pumasok sa kolehiyo. Chemical Engineering ang kinuha niyang kurso. Nahirapan siya ng lubos sa kursong ito at nakalimutan na niya ang paglalaro. Naroong tulog-kain-puyat-kain-aral lamang ang kanyang sistema.

Tumaba siya at nawala ng ganda. Halos 80 kilos na siya ngayon na dati ay 45 kilos lang. Nakapag imbak na rin siya ng tigyawat sa mukha at likuran. Minahal na rin niya ang pagsusuot ng salamin na may gradong 2.50.

Advertisement

Ngunit nagbunga naman ang lahat ng ito ng siya’y makapagtapos at naging cum laude pa. Ngayon siya’y nagtratrabaho bilang chemist sa isang sikat na pagawaan ng gamot dito sa Pilipinas.

Ngayon ay 30 years old na siya at kahit na nasa ganoong edad na si Audrey ay hindi siya pinilit ng mga magulang o kapatid nito na magasawa na dahil alam nila na mataas ang pangarap ng dalaga at nasa huli ang love life nito sa listahan ng prayoridad niya sa buhay.

Mag-isa lang ring naninirahan sa sunny village si Audrey. Ang dalawang kapatid nito ay may mga pamilya na. Ang mga magulang naman niya ay naninirahan sa Bicol. Nagkikita at nagkakasama lamang sila sa tuwing may okasyon, katulad ng pasko, birthday o mahal na araw.

“Sawa na akong ihi na lang ang nagpapakilig sakin, it’s time to aura. Audrey!” Wika ni Audrey sa sarili habang nakaharap sa salamin.

At nag simulang magpapayat muli si Audrey sa pamamagitan ng pagtakbo. Sobra siyang nahihirapan. Wala pang isang kilometro ang natatakbo nito’y hingal na siya, masakit ang sakong at tagiliran.

“Shame on you, Audrey! Ang taba mo! Hindi ka na makatakbo!” Sabi ng dalaga sa sarili habang nakasalampak siya sa damuhan sa kanilang village.

Hanggang sa nakita niya ang isang lalakeng nakangiti sa kanya at kumakaway. “Kaya mo yan.!” Wika nito.

“Ang gwapo naman nun.” Bulong ni Audrey sa sarili.

Advertisement

Dumaan pa ang mga araw, nahihirapan man ngunit hindi ito sumuko. Araw-araw, paunti-unting nakakatakbo na rin si Audrey. Nadaragdagan ang layo at lumalakas ang determinasyon.

Alas kwatro pa lang ng umaga ay gising na ang dalaga. Nagbabasa muna ito ng bibliya at nag darasal.

Pagkatapos noon ay magluluto na siya ng nilagang itlog at ihahanda ang gamit pang opisina. Pag sapit ng 6 am ay saka siya mag jo-jogging.

“Sabi naman sa ‘yo kaya mo ‘di ba?” Biglang sabi ng lalakeng sinabayan siyang mag-jogging.

“Oy, ikaw yung nakaraan.” Sabay ngiti niya rito ngunit tuloy lamang sila sa pagtakbo.

“Anong motivation mo ngayon at tumatakbo ka na yata?” Sabi ng lalake.

“Oh so stalker ka na pala ngayon, you seem to know me.” Wika ng dalaga sabay ismid nito.

“Teka, let’s stop and let me introduce myself.” Sagot ng lalake sa kanya.

Advertisement

Huminto sila sa kanilang pagtakbo, nakapamewang si Audrey at humarap sa lalaki.

“Okay, I am Nicolas Salayo from block 26.” Wika nito sabay abot ng kanyang kamay para pormal na makipagkilala rito.

“Hahaha. Okay. I’m Audrey from block 25. Mag-kapitbahay lang pala tayo ba’t hindi ko alam?” Nakangiting sagot ni Audrey sabay abot rin ng kanyang kamay.

“Ang busy mo kasi, tsaka hindi ako stalker lagi lang kitang nakikita na pumapasok at umuuwi sa trabaho. At saka parehas din kasi tayo ng building na pinagtratrabahuhan. Ayan sinabi ko na agad para di mo sabihing sinusundan kita haha.” Sabay biro ni Nicolas rito.

“Wow! Mapagbirong tadhana, haha. Okay, sige. Babawi ako sa ‘yo.” Sagot ni Audrey dito sabay hablot niya sa telepono ng lalake na nakaclip sa braso nito at inilagay niya ang kanyang number.

“Okay, that’s my number. Text me.” Sabay kindat at tumakbo na ito ulit.

Simula noon ay palagi nang mag kasabay na tumakbo ang dalawa. Naging malapit rin sila sa isat-isa at ramdam niya ang namumuong malalim nilang pagtitinginan. Pumayat na rin si Audrey pero tuloy lang ito sa pagkatabo at ito ang naging bonding ng dalawa.

“Best, will you run with me? Tanong ni Audrey kay Nicolas habang kumakain sila ng ice cream.

Advertisement

“Proposal ba yan? Hahah!” Pabirong sagot ng lalake sabay dila sa ice cream nito.

“Ugak, wag ka nga! Yan yung pangalan ng Fun Run na sasalihan ko, yayain sana kita. At saka babae pa rin ako noh, I deserve a proposal from a guy.” Paliwanag ng dalaga.

“Sige, sama ako diyan.” Nakangiting sagot ni Nicolas.

Gumising ng maaga si Audrey para maghanda sa kanilang “Will you run with me” na sasalihang event sa pagtakbo.

“Lord, kung M.U man kami ni Nicolas, pwede po bang bigyan kami ng chance as couple? Thank you, Lord.” Mataimtim na dasal ng dalaga bago siya umalis ng bahay.

Natapos nila ang 10k run sa loob ng 1 hour and 30 mins. At nang malapit na sila sa finish line, biglang pinahinto ni Nicolas si Audrey.

“Audrey, wait.” Wika ng binata, sabay lumuhod ito at inayos ang sintas ng dalaga.

“Jusko naman Nicolas, akala ko magtatapat ka na. “Pabirong sabi ni Audrey sabay padyak ng paa niya.

Advertisement

At nakaluhod pa rin ang binata rito sabay ngiti at labas ng singsing.

“Audrey Kakanaig, will you be my girl?”

“Putcha naman ohh! Sympre, oo!” Pasigaw na sagot ng dalaga.

At naghiyawan ang mga nasa paligid nila. “KISS! KISS! KISS!”

Tumayo si Nicolas sabay binuhat si Audrey at hinalikan. Itinakbo niya ito hangang finish line.