Malagim na Aksidente ang Pinagdaanan ng Kambal na Ito Kaya Hindi Nila Mabitiwan ang Isa’t-isa, Sa Huli’y Papaki-usapan Sila ng Kanilang Ina na Bumitiw na at Harapin ang Katotohanan

“Mika, papasok na ang ate ha? Ikaw na muna ang magbantay kay nanay at huwag mo siyang paiiyakin! Babalik din ako kaagad pagkatapos ng klase,” saad ni Mila sa kaniyang kakambal.

“Ma, aalis na ho ako.” saad nya sa ina at saka ito humalik sa noo.

“Anak, tama na. Tama na ito,” wika ng kaniyang ina.

“Ma, magiging maayos din ang lahat. Uminom po kayo ng gamot niyo at sasamahan kayo ni Mika dito sa bahay. Uuuwi rin po ako kaagad,” saad namang muli ng dalaga sa ina saka umalis.

Halos tatlong buwan na ang nakakalipas nang nakauwi ang pamilya Bartolome mula sa kanilang isang linggong bakasyon sa probinsya. Semana santa kasi kaya naman nakapagbasyon ang pamilya ng matagal. Nakapaligo sila sa ilog at nakakain ng sama-sama.

Habang naglalakad si Mila papasok sa eskwela ay natanaw niya ang kakambal na si Mika.

“Oh ba’t nandito ka? Sabi ko naman sa’yo bantayan mo muna si mama sa bahay at uuwi rin ako pagkatapos ng klase, sige na Mila ha. Babalik rin ang ate,” kumaway siya sa kapatid at pumasok na, kumaway naman pabalik sa kaniya ang kakambal.

Grade six na si Mika at Mila ngunit huminto muna si Mila sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay, lalo na ngayong nagkasakit ang kaniyang ina. Halos tatlong buwan na itong walang ganang kumain at araw-araw na umiiyak.

Advertisement

Kasama nila sa bahay ang tiyahin nilang si Aling Gina ang kapatid ng kaniyang ina, ito ang nag-aalaga sa kanilang nanay tuwing papasok si Mika sa eskwela dahil hindi maasahan si Mila at parati din itong umiiyak lalo na noong makauwi sila galing sa huling bakasyon.

Pagkatapos ng klase ay agad na tumakbo pauwi si Mila sa kanilang bahay, halos tatlumpung minuto rin ang layo at may dala siyang pasalubong na pansit dahil kaarawan ngayon ng kanilang nanay.

“Ma! May sorpresa ako sayo! Akala mo nakalimutan ko, ano? May pansit ho akong dala! ” magiliw na bati ni Mila sa ina at ngumiti ito.

“Ayan ma! dapat ganyan lang po lagi! Mas maganda po kayo kapag nakangiti! I love you mama!” dagdag pa ng bata at hinalikan ang ina sa labi.

“Asan ang Tita Gina para naman makakain na rin tayo?” tanong ni Mila sa kaniyang ina.

“Wala pa siya anak, nasa palengke pa, namimili ng panghapunan natin,” sagot ni Aling Maya.

“E si Mika ho? Nasan nan aman nagsuot yung kambal kong iyon!? Mika! Nandito na si ate! Kakain na tayo!” sigaw ng bata habang hinahanap ang kapatid.

Ngunit napahinto siya sa paghahanap nang masulyapan niya ang kaniyang inang umiiyak na naman.

Advertisement

“Ma! Umiiyak na naman kayo e, birthday na birthday niyo po oh. Tama na mama wag ka na umiyak!” sambit ng bata habang yakap-yakap ang ale.

“Anak! Tama naman na oh, please lang anak. Hindi ko na kaya kapag nagtuloy-tuloy kang ganyan. Anak, parang awa mo na, bumalik ka na sa akin,” humagulgol si Aling Maya habang niyayakap ang anak.

“Anak! Tama na! Anak! Bumalik ka sa akin! Nandito ang mama! Tingnan mo ang mama, anak. MILA GISING NA! TAMA NA! WALA NA SI MIKA! MATAGAL NA SIYANG INILIBING, ANAK!” sigaw ng ale habang niyuyugyog ang bata.

Tatlong buwan na ang nakakalipas simula nang makabalik sila mula sa isang malagim na trahedya. Naliligo silang magkapatid sa ilog ng biglang tumaas ang tubig at inanod silang dalawa. Dali-daling nilangoy ng kanilang ama ang kanilang kinaroroonan at mabilis na napakapit si Mila sa isang malaking sanga ng kahoy at nakakapit naman ang kaniyang kapatid sa laylayan ng kaniyang damit.

“Huwag kang bibitaw, Mika! Nandito ang ate. Hindi kita iiwan,” sigaw ni Mila sa kapatid.

Ngunit malakas ang agos ng tubig at hindi na kinaya pang makahawak ni Mika sa kaniya, ganoon rin ang kanilang ama na tuluyan nang inagos ng rumaragasang tubig. Dalawa na lang silang bumalik sa Maynila ng kaniyang ina na si Aling Maya at sabi ng doktor ay hindi pa rin raw natatangap ng isipin ni Mila na wala na kaniyang kakambal, kaya hanggang ngayon ay nabubuhay pa rin siya sa nakaraan at gumagawa ito ng kwento para paniwalaan niya.

Umiiyak si Mila sa pagkakayap sa kaniya ni Aling Maya.

“Mama, kasalanan ko kung bakit nalunod si Mika!” saad ng bata.

Advertisement

“Anak, wala kang kasalanan! Hindi mo kasalanan anak. Aksidente ang lahat. Parang awa mo na, bumalik ka na sa akin Mila! Huwag mo namang iwan si mama mag-isa,” baling ng ale sa bata at hinawakan nito ang mukha ng bata tsaka hinalik-halikan.

“Anak! Nandito pa ang mama kaya gising na anak! Matagal na natin silang inilibing ‘di ba? Anak, tama na!” lumuluhang paki-usap ni Aling Maya kay Mila at buong gabi lamang silang nag-iyakan at nakatulog na ng hindi nila namamalayan.

Kinaumagahan ay maagang gumising si Mila para maghanda ng kaniyang sarili at gisingin ang ina.

“Ma, papasok na ako sa school. I love you po!” wika ni Mila sa ina at saka ulit ito humalik sa kaniyang labi.

Hinatid siya ng kaniyang ina sa eskwelahan at bago siya pumasok sa gate ay sumigaw si Mila sa ina.

“Mama, nagpaalam na si Mika sa akin kagabi sa panaginip, kasama rin niya si tatay. Pinapatawad na nila tayo at magkasama na po sila na naglakad papasok sa malaking pintuan na kulay puti!” sigaw ng bata at nag flying kiss ito sa ale.

Hindi napigilan ni Aling Maya na maluha sa narinig. Kaya naman tumingala siya sa langit at sinabing,

“Mga mahal ko! Bantayan niyo kami ng ate niyo ha. Magiging ayos lang kami! Kakayanin namin ito!” at ngumiti ang ale.