Napilitang Lumapit sa Bugaw ang Binatilyo Dahil sa May Sakit na Ina, Windang Siya ng Makita ang Matandang Baklang Customer

Anim na taon pa lamang si Vincent nang maghiwalay ang kanyang mga magulang, naiwan ang tatay niya sa probinsya habang siya naman ay dinala ng nanay niya sa Maynila. Di niya alam kung ano ang dahilan ng paghihiwalay ng mga ito, pag kasi tinatanong niya ang nanay niya ay tikom ang bibig ng ginang. Marahil ay labis na nasaktan dahil kitang kita pa rin ang kirot sa mga mata hanggang ngayon.

Kahit mahal ni Vincent ang kanyang ama, hindi naman nagkulang ang nanay niya sa pagpapalaki sa kanya. Mahirap ang buhay, oo. Sa barung-barong lang sila nakatira pero mahal na mahal naman siya ng nanay niya at para sa binatilyo na ngayo’y 17 taong gulang na, sapat na iyon.

Isang umaga ay nag-aalmusal ang mag-ina, hati sila sa isang kape at tig isang pandesal.

“Nay, ano kaya no, kung magtrabaho na ako,” bwelo ni Vincent.

Tinignan naman siya ng ginang, “Ano’ng sinasabi mo dyan, tatambling nalang ako sa kahirapan kaysa tumigil ka sa pag aaral. Saka mo na isipin iyang trabaho.”

“Ano lang naman. Malapit na ako’ng mag 18 Nay, kahit bagger dyan sa grocery pwede na ako siguro,” pamimilit niya pa. Naaawa na rin kasi siya sa nanay niyang tagalinis ng mga bote ng suka na ire-refill. Pag walang gawa ay umeextra ito sa palengke bilang taga-kulay ng mga bangus na mukhang hindi na maibebenta.

“Hindi, walang magta-trabaho hanggang di ka tapos. Ako nga eh hindi na rin nakapag aral, tutulad kapa sa akin.”

“Sige ho,” sabi nalang ni Vincent, di naman siya mananalo sa kanyang ina pag mga ganitong usapan. Patayo na sana ang binata upang maglinis-linis sa bahay nila nang mapalingon siya sa malakas na kalabog.

Advertisement

Pagtingin niya ay nakahandusay ang kanyang ina sa sahig.

“May diabetes ang mom mo, mabuti nga at naisugod agad dito kung hindi ay baka na-coma siya. Mas maliit ang chance na magising pa kapag ganoon. However, para sure na magiging stable ang blood sugar niya, may maintenance na siyang insulin na kailangang iturok sa kanya. Alam mo hijo, ang diabetes, bawal ang sobrang baba at sobrang taas ng sugar. Nandoon ka lang dapat sa gitna, napaka-delikadong sakit ito,” paliwanag ng doktor.

Napalingon si Vincent sa inang nagpapahinga, Diyos ko po, ano ang gagawin niya? Saan naman siya kukuha ng gamot na pang-maintenance? Tinanong niya kanina sa botika ang presyo, isang buwang pangkain na nila.

Saglit na umuwi ang binatilyo, kailangan niyang mag-isip kung saan kukuha ng pera. Lalo pa at hindi makakalabas ang nanay niya sa ospital nang hindi bayad ang bill doon. Isa lang ang naisip niya, kapit patalim pero para sa nanay niya.

“Ate Beng..Te Bebeng..” tawag niya. Sumilip sa pinto ang babae, medyo gulat pa kung ano ang sadya niya dahil hindi niya pa naman nakausap ito dati.

Baka masampal siya, pero ang rinig niya kasi ay bugaw raw ito. Tsismis lang naman. At kung totoo, magpapabugaw na siya.

“A-ano ho kasi.. Yung..nagbu-bugaw raw ho kayo?” nagkakandautal na tanong niya.

Napangiti naman ito, “Bumalik ka mamayang alas kwatro. May ginagawa lang ako,”

Advertisement

Ilang minuto lang ay kabado na muling kumatok si Vincent, pinagbuksan siya ng matabang ale. Halatang bagong ligo ito dahil amoy conditioner pa pero dahil nga may katabaan ay madaling mapawisan, konting lakad ay hingal na.

Pagpasok niya sa bahay nito ay may dalawa pang binatilyo na halos ka-edad niya.

“O siguro naman alam nyo na pare-pareho bakit kayo nandito. Kailangan nyo ng pera diba? Ayoko ng mapili ha,” bungad ni Aling Bebeng. Nakasuot ito ng floral na leggings at stripes na hapit na hapit na sando.

“Opo,” sabay sabay nilang sagot.

“Hindi pwedeng maarte sa trabahong ito,” sabi pa ng babae. Napalunok si Vincent, kinabahan siya. Kailangan ba titirahin si Aling Bebeng? Diyos ko po, kita niya ang pawis sa leeg nito dahil nagdidikitan ang mga buhok.

“O ano’ng tinitingin tingin mo dyan? G*gong bata ito, hindi ako ang customer nyo! Pero may mga contact ako, kaya ko sinabing bawal maarte dahil karamihan sa mga customer ay matrona, lola, mga matatandang bakla. Ayoko ng napapahiya sa parokyano, naiintindihan nyo ba?” tanong nitong nandidilat ang mata. Tumango naman silang tatlo kaya nagtuloy ito sa pagsasalita.

Naduduwal na si Vincent maisip niya pa lang ang mga gagawin niya. Pero para sa nanay niya, talu-talo na!

“Magkano ho ang bayad dyan?” tanong ng binatilyong katabi ni Vincent.

Advertisement

“Darating tayo dyan! Sabat kasi nang sabat eh. Halika palit na tayo ikaw na ang bugaw ako na pokpok,” nakataas ang kilay na pambabara ng babae. “1500 to. Akin ang limang daan, isang libo sa inyo. Tamang tama dahil may tatlong customer na ako agad na napagbentahan. Pinagmalaki ko kayo ha, sabi ko bago at magagaling kaya umayos kayo.”

Pag-uwi sa bahay ay naligo agad si Vincent, kung anu anong pumapasok sa isip niya.Paano kung magkasakit siya? Paano kung mahuli ma-raid sila habang may kasiping siyang lola? Maisip niya palang ang headline sa dyaryo kapag na-balita siya ay nangingilabot na ang binatilyo.

Masakit ito para sa pagkatao niya pero mas masakit mawalan ng ina, kaya gagawin niya lahat madugtungan lang ang buhay ng ginang. Sa mall raw sila magkikita ng unang customer.

Nakasakay na siya sa jeep papunta sa mall dahil doon sila magkikita ng customer nang magtext si Aling Bebeng.

Bakla ang customer mo, galingan mo ha. Kdalasan hnd nmn yan nagpapasubo,sila lang ang tatrabaho sau

Gustong umatras ng binatilyo kaya lang wala na, eto na eh.

“Insulin ni Nanay Insulin ni Nanay Insulin ni Nanay..” paulit ulit niyang bulong habang papalapit sa food court kung saan sila magkikita ng customer.

Ilang minuto lang siyang naghintay nang lumapit sa kanya ang isang lalaki, umupo ito sa tapat niya at nagsalita, “Ikaw si Vincent?”

Advertisement

Dahan dahan lumingon ang binatilyo at hindi niya inaasahan ang kanyang makikita. May edad na ang customer pero hinding hindi niya malilimutan ang mukha nito.

“Tay?!”

“V-Vincent? Vincent ko?” gulat rin na sabi nito. Pareho silang nagtitigan lang dahil hindi nila malaman kung ano ang sasabihin sa nakakahiyang sitwasyon na ito.

Una, nalaman ng tatay niya na bugaw siya. Pangalawa, nalaman niyang bakla ito at pumapatol sa bugaw. Hay buhay.

“Tay, bakit hindi mo sinabing bakla ka?” dire-diretsong tanong niya.

Bilang sagot ay inakay siya nito sa di kalayuan kung saan naghihintay pala ang mga kasama nito. Ipinakita rin ang maliit na hidden camera na nakakabit sa kwelyo ng damit nito, maging ang maliit na earphone sa tenga.

“Hindi ako bakla anak. Pulis ako, nanghuhuli kami ng mga mamasang na nagbebenta ng laman lalo na ng menor de edad. Nang iwan nyo ako ng nanay mo halos mabaliw ako at di ko malaman kung saan kayo hahanapin. Pero naisip kong tama lang na iniwan nyo ako dahil natuto akong ayusin ang buhay ko, di na ako batugan. Nag aral ako ulit at heto, naging ganap na pulis. Tuwang tuwa ako nang ma-destino dito sa Maynila dahil gusto ko nga kayong hanapin.

Hindi ko naman akalain na sa ganitong pagkakataon tayo magkikita. Anak, ano ang nangyari sayo?” malungkot na tanong nito.

Advertisement

“H-hindi ko ho ito talaga ginagawa tay. May sakit lang ho kasi si Nanay kaya napilitan akong magganito,Diyos ko po..” napapahiyang sabi ng binatilyo at napaiyak na rin. Niyakap naman siya ng nakakaunawang ama.

Sabay nilang pinuntahan ang kanyang ina at para namang nagbiro lang ang tadhana dahil bigla itong lumakas, kailangan pa rin ng gamutan pero nang makita ang tatay niya ay napangiti na.

Hindi na sila namroblema sa gamot dahil may trabaho naman ang kanyang ama. Iba pa rin pala talaga pag buo ang pamilya.

Si Aling Bebeng naman ay kusang sumuko sa mga pulis at nangakong di na uulit sa masamang gawain. Ngayon ay nagbebenta pa rin siya ng laman, pero totoong laman na ng manok at baboy sa palengke.

Minsan napipilitan tayong kumapit sa patalim dahil sa kagipitan sa buhay. Pero wag nating ku-kwestyunin ang Diyos dahil ano man ang pinagdaraanan natin ngayon, tiyak na may pinaplano Siyang mas maganda.