Inday Trending

Nabuking ang Kataksilan ni Misis nang Ibang Pangalan ang Maisigaw Nito Habang Nakikipagtalik sa Mister na Kauuwi Lamang Mula sa Abroad

Maganda si Marga. Kahit na may isang anak na siya ay parang dalaga pa rin ang katawan niya, paano naman kasi ay alagang-alaga niya ang sarili. Kung anu-anong mamahaling lotion at cream ang ipinapahid niya sa katawan, gluta, napapafacial rin siya at palaging may naka-manicure at pedicure.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Seaman kasi ang mister niyang si Arnold, konting ungot niya lang dito ay magpapadala agad ito ng limpak limpak na pera dahil ayaw nitong nalulungkot siya. Katunayan, tinanggap nga nito ang anak niya sa pagkadalaga- ganoon siya kamahal ni Arnold. Pinakasalan pa rin siya, ngayon ay wala pa silang anak na dalawa.

“Bubuntisin na kita, tapos magpakalayu-layo na tayo..”

“G*go! Ilusyonado! Ano’ng ipapakain mo sa akin? Pag ibig mo?” tatawa-tawang sabi ni Marga sa kumpare ni Arnold, si Poldo.

Katatapos lamang nilang magtalik ngayon.

Oo, nagtataksil siya sa asawa niya. Sino ba naman ang makakatanggi? Ang dami daming lumalapit sa kanyang lalaki dahil sa sobrang ganda niya, tapos ang mister niya ay tuwing tatlong taon lang umuuwi. Bukod doon, di naman nito malalaman. Ang mahalaga ay ito pa rin ang uuwian niya dahil syempre, may pera ito.


Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Chat at text moko lagi ha? Pag-uwi nya? Baka mamaya kalimutan mo na ako pag-uwi ng gunggong na yon,” nag inarte pa ang lalaki at sumimangot.

“Alam mo napakaarte mo! Syempre naman, gusto mo nga utuin ko sya na invite ka dito sa bahay, inuman. Tapos pag nalasing sya, alam mo na,” malanding sabi niya.

Napailing naman si Poldo. Napakapalaban talaga at malandi ang babaeng ito, kaya nga gustong-gusto niya. Nakikinabang rin kasi sya, pag sumosobra ang padala rito ni Arnold ay nagpapabili rin siya ng mamahaling gamit. Maski nga brief niya ay libo ang halaga dahil rito, kawawang kumpare nya, bobo kasi. Naiiputan na sa ulo ay wala pang alam.

Ilang linggo pa ang lumipas ay dumating si Arnold. Kasama pa si Poldo na sumalubong dito.

“Pare, gumugwapo tayo lalo ah!” bati rito ni Poldo, tinapik pa ang balikat nito.

“Syempre pare, bagong gupit. Kailangang pantayan ang magandang misis,” sabi nito at inakbayan ang babae.

“Ba, ayos ah. Wag kang mag alala pare, bantay sarado ko ang mga umaaligid dyan!” mayabang na sabi ni Poldo, lihim silang nagkakangisian ni Marga.

“Tama na yan, makakabawi naman kayo next time ng kwentuhan eh. Kailangan munang umuwi nitong si Arnold at nang makapagpahinga. Ikaw Poldo, kung gusto mo pumunta ka sa bahay namin bukas ng gabi, magluluto ako ng pulutan nyo,” sabi nya.

“Talaga mommy? Pwede kaming mag-inuman?” masayang sabi ni Arnold sa misis.

“Oo naman! Alam ko namang na-miss mo ang kumpare mo,” sagot niya rito. Hindi naman problema ang anak ni Marga dahil nasa nanay niya ito at iyon ang nag-aalaga sa bata.

Kinabukasan ay maagang nagpunta si Poldo sa bahay ng mag-asawa. Sobrang excited nya, sa pasalubong ni Arnold, sa inuman, at higit sa lahat, sa misis nito.

“Pre, itong tikman natin. Nabili ko to sa Spain nung dumaan kami roon eh,” sabi ni Arnold at inilabas ang isang mamahaling alak.

“Ayos ah, big time talaga to. Pa-Spain Spain na lang,” inggit na inggit si Poldo.

Maya-maya pa ay nakisali sa inuman si Marga, dahil hindi nila inasahan na malakas ang tama ng alak ay naunang malasing ang dalawa. Tawa nang tawa si Marga habang bagsak naman sa sofa si Poldo.


Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“W-wala ka pahla phareng Poldoh! Hik! Tahlo ka ni Arnold!” tawa nang tawa si Marga, napapangiti rin si Arnold na binuhat na ang kanyang misis at inakay sa kwarto.

“Tehka lang yung c-cellphone ko, bahwal ko to maiwan,” wala sa sariling sabi ng babae, binalikan ang cellphone at inilagay sa kanyang bulsa.

Dahil na-miss ni Arnold ang misis ay hinalikan niya ito, una ay masuyo hanggang naging mapusok iyon. Inihiga niya ito sa kama at pinagsaluhan nila ang init ng pagmamahal niya sa kanyang misis.

Pero bago makarating sa sukdulan ay ganoon na lamang ang pagkunot ng noo ni Arnold nang iba ang isigaw ng misis nya.

“Poldo! Miss na miss talaga kita.. mas magaling ka pa kay Arnold! Sige pa!”


Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Napatigil si Arnold.

Sa sobrang kalasingan naman ay saglit lang siyang tinitigan ni Marga, nagsalita ito ng, “Ayaw mo di wag mo,” tapos ay napapikit na.

Ang lakas lakas ng tibok ng puso ni Arnold. Masama ang kutob nya.

Pagkagising ni Marga ay tirik na ang araw. Natatandaan niyang may katalik siya kagabi kaya medyo nagtaka siya dahil nakasuot pa rin ang kanyang shorts. Nang bumangon siya ay naakit siya sa amoy ng mabangong sinangag. Paglabas niya ng kwarto ay nasa kusina sina Poldo at Arnold.

Nagkakape si Poldo, si Arnold naman ay nakaharap sa kawali, “Maluluto na ito,” nakangiti ito sa kanya. Umupo siya sa tapat ni Poldo.


Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Dyan ka na sa tabi ni kumpare, maliit na ang space nito.” sabi ni Arnold. Nagtataka man ay sumunod nalang din si Marga, malandi din kasi siya, nilaro laro niya pa ang paa ni Poldo sa ilalim. Napangisi naman ang lalaki.

Kumakain na sila ng sinangag nang magsalita si Arnold, “Enjoyin mo na, huling kain mo na yan dito sa bahay.”

Takang napatingin si Marga sa lalaki, “Ha?”

“Wag nyo na kong lokohin, mga baboy kayo.” nanggagalaiti si Arnold. Halos maibuga ng dalawa ang kinakain nila.

Lingid sa kaalaman ni Marga, nang marinig ni Arnold ang sinabi niya kagabi, kahit di nito ugaling makialam ay nilakasan nito ang loob at pinakialaman ang cellphone nya. Doon nalantad lahat ng kataksilan at kababuyan nila ni Poldo.

Maging si Poldo ay walang kaalam-alam na bago sila magising ay nagpapunta na ng pulis si Arnold sa bahay para escortan sila palabas. Siniguro lang ng lalaki ang safety nito dahil nabasa rin nito sa chat na minsan nilang pinlano ni Marga na dispatsahin ito.


Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Kinasuhan sila ni Arnold ng pagtataksil at hanggang ngayon ay dinidinig iyon. Alam naman ng dalawa na maliit ang tsansa na manalo sila dahil malakas ang ebidensya ni Arnold.

Magsisi man si Marga ay huli na. Buhay donya na sana sya at mahal na mahal sya ng asawa pero niloko nya pa ito. Ngayon imbes na nagpapafacial siya ay mukhang malamig na rehas ang haharapin nya.

Nahuhuli talaga ang isda, sa sarili nitong bunganga.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Tags: , , , , , , , , ,