Natuklasan Niya ang Madilim na Sikreto ng Ama, Meron Pala Itong Ibang Nais na Gawin sa Kanya

Bata pa lamang ay malayo na talaga ang loob ni Jona sa kanyang ama. Iniwan sila ng kanyang ina noong pitong taong gulang pa lamang siya. Naiwan siya sa pangangalaga ng amang si Renante.

Magmula nang umalis ang kanyang ina, naging maikli na ang pasensya at mainitin ang ulo ng ama niya. Lagi siya nitong sinasaktan sa tuwing nakakagawa siya ng maliit na pagkakamali.

Minsan ay hinihiling niyang sana’y hindi na lang siya naging anak nito at sana’y hindi sila iniwan ng kanyang ina.

“Nakabasag ka na naman ng plato?!” sigaw ni Renante.

“Sorry ho tay. Mag-iingat na ho ako sa susunod,” nanginginig na sagot ng anak.

“Kaya bang buuin ng sorry mo iyang basag na plato ha? Kaya bang bumili ng sorry mo ng bagong plato?” galit na tanong ng ama.

“Parang plato lang naman ito, tay. Mapapalitan naman. Bakit kailangan ninyong saktan ang unica hija mo?” pangangatuwiran ni Jona.

“May unica hija ka pang nalalaman diyan! Pulutin mo yan bago ko pa ipalunok lahat ng bubog sa’yo!” utos ng ama kasunod ang malakas na hampas ng walis tingting sa anak.

Advertisement

Isang araw ay umuwi si Jona galing sa eskwela. Kanyang hinanap kaagad ang ama upang magmano. Nakarinig siya ng malalakas na tunog galing sa kwarto nito.

At dahil sa likas na chismosa, sumilip siya sa butas ng pintuan ng kwarto ng ama. Nanlaki ang kanyang mata sa nakita.

“Diyos ko. Nakakaloka! Totoo ba talaga ito?” bulong niya sa sarili habang nakahawak sa dibdib.

At dahil sa kachismosasan, imbis na umalis, ay pilit pang sinilip kung ano ang nagaganap sa loob ng kwarto. Halos mabali na ang kanyang leeg sa ginagawang paninilip. Sa di sinasadyang pagkakataon naman ay nauntog siya sa pintuan.

Napalakas ang kanyang pagkakauntog kaya gumawa ito ng malakas na ingay. At sa pagkakasilip ay nakita niyang tumingin ang ama sa direksyon kung saan siya nakatayo.

“Naku po,” bulong niya sa sarili at aalis na sana nang biglang bumukas ang pinto.



“Bastos kang bata ka ah! Anong nakita mo? Anong nakita mo ha? Sagot!” galit na tanong ng ama.

“W-wala po tay. Aalis na ho ako,” takot namang sagot ng anak.

Advertisement

“Pag ikaw may pinagsabihan ng mga nakita mo, ako mismo ang magpapalayas sayo,” pagbabanta pa ng ama.

Umalis agad siya at tumakbo sa bahay ng baklang kaibigang si Janjan.

“Hoy bakla! May chikka ako sayo!” sigaw ni Jona.

“O ano na naman yun? May lalaki ka na naman?” maarteng tanong ni Janjan.

“Nahuli ko ang tatay ko. Ay nako day nagulantang ang mundo ko,” eksahiradang pagkukwento niya.

“Ayy ano ba yung nakita mo?” pag-usisa ng kaibigan.

“Halika ibubulong ko sayo,” at lumapit siya sa tenga ni Janjan na napahawak ngayon sa dibdib dahil sa kanyang naririnig.

“Hindi nga? Truly ba ito? Ay jusko. Ang juicy ng kwento mo, girl!” natatawang saad ng kaibigan.

Advertisement

“Oo at ikaw lang ang pinagsabihan ko niyan kaya wag kang maingay! Baka parehas tayong jombagin nun pag kumalat,” pabirong pananakot niya kay Janjan.

“Pero alam mo ba bakla? Minsan naiilang ako sa tatay ko. Alam ko masama ang mag-isip ng masama sa kapwa, pero napapansin ko na madalas niya akong tinititigan. Para bang may pagnanasa,” seryoso niyang sabi sa kaibigan.

“Hoy ang dumi ng isip mo. Di naman siguro noh!” natatawang sagot naman ni Janjan at saka nito binatukan ang kaibigan.

Ilang araw pa ang lumipas at nalalapit na ang kaarawan ni Jona. Sinubukan niyang maglambing sa ama at humingi ng regalo.

“Ahm. Tay…” mahinang tawag niya sa ama.

“Ano na naman?!” pasigaw na sagot ng ama.

“Kaloka ka naman ‘tay. Wala pa nga akong sinasabi galit ka na agad?”

“Eh ano ba kasi yun?” tanong muli ng ama.

Advertisement

“Sa isang araw kasi 18th birthday ko na. Baka naman pwede mo akong regaluhan ng make-up tsaka gown. Kahit wala nang handa basta meron nun tay. Debut ko naman eh,” nag-iinarte niyang pakiusap sa ama.

“Aanhin mo naman ang gown at make-up? Tumigil ka nga dyan ha! Mahiya ka sa sarili mo!” sigaw muli ng ama.

“Ay kasi tay, sasali ako sa pageant dito sa baranggay natin, syempre gusto ko maganda ako dun noh!” pagpapaliwanag ni Jona.

“Gusto mong sa St. Peter ka lagyan ng make-up? Umalis ka na dito bago ka pa malintikan sa’kin.”

“Oh eto na nga aalis na,” naiiritang sagot ng anak.

Sumapit na ang araw ng kaarawan ni Jona. Sobra ang kanyang lungkot dahil ito rin ang araw ng pageant na sasalihan niya sana.

Umulan saglit noon at naging maalinsangan ang paligid. Lumabas siya ng banyo galing sa pagkakaligo.

Nakatapis ng twalya lamang noon si Jona. Umupo siya sa harap ng salamin na nakadikit sa dingding ng kanyang kwarto.

Advertisement

Hinawi at sinuklay muna niya ang mahabang buhok.

“Ang ganda ko talaga.” Wika ni Jona sa harapan ng salamin.

“Nung nagpasabog ang Diyos ng kagandahan, ako ata lahat ang sumalo,” saka ito ngumiti at nagpa-cute sa salamin.

Tatayo sana ito upang magbihis nang marinig na bumukas ang pinto. Nakita niya ang ama mula sa repleksyon ng salamin. Masama ang tingin nito sa kanya. Narinig niyang ni-lock ng kanyang ama ang pinto at naglakad ito papunta sa kanya.

Napahawak si Jona sa kanyang dibdib at hinigpitan ang kapit sa nakabuhol na tapis.



“T-tay…” Nanginginig niyang sambit.

“Shhhhh,” sagot naman ng ama.

“Tay wag po,” pagmamakaawa ni Jona.

Advertisement

Tatayo sana siya ngunit hinawakan siya ng ama.

“Saglit lang ito,” mahinang bulong ng ama sa kanyang tenga.

“Tay. Please…” pagmamakaawa muli niya.

Napalunok na lamang si Jona at ipinikit ang mata. Naramdaman niyang humahaplos ang kamay ng ama sa kanyang mukha pababa sa kanyang leeg.

“Tay wag naman ho,” muling pakiusap niya.

“Sinabing wag kang makulit! Matatapos din agad ‘to,” malakas na sabi ng ama.

Ipinaubaya na lamang ni Jona ang sarili sa kamay ng kanyang ama. Hinayaan na lamang niyang gawin nito ang gusto sa kanya.

Ramdam na ramdam niya ang mainit na kamay ng ama na humahaplos sa kanyang pisngi, papunta sa leeg at pababa sa may balikat.

Advertisement

Isinarado niya ang mga labi ngunit pinisil ng ama ang kanyang pisngi para lumabas ito. Ramdam na ramdam niya ang madiing pagdampi sa kanyang mga labi. Ilang saglit pa ay tumigil din ang ama.

“Sabi ko naman sayo saglit lang di ba?” bulong muli ng ama.

Iminulat ni Jona ang kanyang mata na ngayo’y naluluha na. Iniharap siya ng ama sa salamin at muling hinaplos ang mukha.

“Diyos ko, tay. Ang ganda ko!” namamanghang sambit ni Jona.

“Ang galing ko di ba, Jonathan?” tanong muli ng ama.

“Ano ba naman tay! Jonalyn na ako ngayon. Hindi na Jonathan! Nakakaloka. Pero in fairness, ang galing mo nga mag make-up tay! Mas magaling ka pa sa akin,” pagsigaw naman ng anak.

Nung gabing iyon ay ipinagtapat ng ama na bakla rin siya. At ang rason kung bakit laging mainit ang ulo niya ay dahil hindi niya mailabas ang tunay niyang katauhan.

Tumayo si Jona at niyakap ang ama. Naluluha silang pareho sa kaligayahang nadarama ngayon.

Advertisement

“Ang ganda-ganda ko talaga mamu!” natutuwang saad ni Jona.

“Syempre sa akin mo namana ang kagandahan mo noh!” malambot na sagot naman ng ama.

Lumabas ang ama at dinala ang isang kahon ng make-up kit at isang napakagandang pulang gown.

“Happy Birthday sa’yo junakis ko!” pagbati ng ama habang kumekembot.

“Ay mamu ang bongga! Ang ganda ng gown” namamanghang sagot ni Jona.

“Makakasali ka na sa Ms. Gay Diyosa sa Binalatang Lupa mamaya. Ako ang bahala sa hair and make-up mo ha?”

“Ay oo naman mamu! O apir!”

“Apir!” at nagdaong palad ang mag-ama at nagyakapan.

Advertisement

Naging mabuti na ang pakikitungo sa kanya ng ama simula noon. Mas naging mabait na ito sa kanya at mas naging mapagmahal.

Lagi lamang napupuno ng tawanan ang kanilang bahay simula ng araw na umamin ang ama. Ngayon ay nagkakasundo na sila sa lahat ng bagay, maging sa gamit na pangkulot man, brand ng make-up at kulay ng lipstick at kyutiks.

Masaya si Jona para sa ama, dahil alam niyang naging malaya na ito sa sikretong gumagapos sa kanya.