Hindi Naniniwala ang Ale Tungkol sa Reklamo sa Kaniyang Anak, Ngunit ng Siya Mismo ang Makasaksi sa Kababuyan Nito ay Wala Siyang Nagawa Kundi ang Itama ang Masakit na Katotohanan

Anim ang anak ni Aling Gina at nakatira ang mga ito sa malaki nilang bahay sa probinsya, may kani-kaniyang kwarto ang mga bawat pamilya. Hindi na niya pinabukod pa ang mga ito dahil ayaw niyang maiwan sa malaking bahay na walang kasama lalo na’t maaga rin siyang nilisan ng kaniyang kabiyak ng dahil sa sakit sa baga.

“Hoy Aling Gina! Ipapabarangay ko na ho iyang anak niyo at namboboso na naman! Hinipuan pa ang dalaga ko!” sigaw ni Aling Lisel, kapitbahay ng ale.

“Ano na naman iyang pinagsasasabi niyo sa anak ko e wala naman kayong pruweba! Nambibintang na naman kayo! Napakabuti ng anak kong si Nilo kaya tigilan niyo ako!” sagot naman ni Aling Gina.

“Sa tingin nyo ho ba e sasayangin ko ang boses ko ho rito kakasigaw sa inyo kung hindi naman totoo ang mga pinagsasabi ko? Sa tingin niyo ho ba e ipapahiya ko ang anak ko sa maraming tao para lang sa akusasyong hindi naman totoo? Mag-isip naman ho kayo, Aling Gina! Nirerespeto namin kayo dahil dati ho kayong kapitana dito sa ating lugar ngunit huwag naman ho sana kayong magbulag-bulagan sa ginagawang kababuyan ni Nilo. Hindi lang ho ako ang unang nagreklamo tungkol sa kaniya kaya naman pakingan niyo rin ang hinaing ko,” wika ni Aling Lisel.

“Magkita na lang tayo sa barangay! Dahil alam kong inosente ang anak ko at ipaglalaban ko iyon!” sigaw ng ale at saka nagsara ng pinto.

“Nilo! Umamin ka nga! Talaga bang hinihipuan mo yung anak ni Aling Lisel ha? Umamin ka!” galit nag alit na wika ni Aling Gina sa anak nito.

“’Nay! May pamilya na ako! Napaakbay lang ako doon, hinipuan naman kaagad? Yung mga kapitbahay natin e pinag-iinitan na naman tayo dahil alam nilang tatakbo ako bilang kagawad, kaya sinisiraan na naman nila ang pangalan ko,” paliwanag ni Nilo.

Pangalawang beses na itong narereklamo ang anak ni Aling Gina na si Nilo sa pangboboso at panghihipo sa mga dalagita sa kanilang lugar ngunit hindi naman napatunayan ang unang akusasyon kaya malakas ang loob ng ale na gawa-gawa lang rin ang kwento ngayon ni Aling Lisel. Maingay din kasi sa kanilang lugar na tatakbong kagawad ang kaniyang anak kaya naman alam niyang isa ito sa mga paraan para masira ang imahe ng lalaki.

Advertisement

“Anak, may tiwala ako sayo! Ayokong malaman na ginagawa mo ang ganoong klase ng kababuyan lalo na’t may asawa ka at babae ang anak. Hindi importante ang pagiging kagawad, mas mahalaga parin ang pagiging isang maayos na ama at asawa sa iyong pamilya,” sambit muli ni Aling Gina.

“Ma, huwag ho kayong mag-alala, gawa-gawa lang ho ang kwento na iyon!” sagot naman ni Nilo.

Nagpunta ang dalawa sa barangay para sa kanilang pag-uusap at katulad ng inaasahan ni Aling Gina ay wala nanamang pruweba na maiharap ang kabilang kampo kaya naman mas pinanigan ang mga dahilan at pagtanggi ni Nilo sa naturang akusasyon.

Isang linggo ang lumipas ay lumamig na ang chismis sa kanilang lugar at maayos nang muli ang pakikitungo ng mga kapitbahay sa ale. Nagwawalis si Aling Gina sa likod ng kanilang bakuran ng may matanaw siyang isang lalaki na nasa likod rin ng kanilang banyo, agad-agad niyang nilapitan ito at hahampasin sana ng walis tingting ngunit natulala siya sa nakita.

Nakita niyang si Nilo ang kumukuha ng video sa likuran ng banyo at sabay nitong hinahawakan ang kaniyang maselang bahagi, napaluha si Aling Gina sa nakita.

“Itigil mo iyan!” mahinang hampas ni Aling Gina sa paa ni Nilo.

“’Nay!” gulat na wika ng lalaki sabay baba sa maliit na bangkitong pinapatungan at hinatak ito sa malayo.

“Kapatid mo yung naliligo, Nilo! Hindi ka ba nangingilabot sa ginagawa mo!?” sigaw ng kaniyang ina at halatang nangingilid na ang mga luha ng ale.

Advertisement

“Nay, hindi ko naman sinasadya. Hindi ko lang talaga mapigilan ‘nay,” sagot ni Nilo sa ina.

Pinaghahampas niya ng walis ang anak sa likod at puwetan nito at nagulat siyang may nalaglag na isang maliit na pakete.

“Gumagamit ka nito?!” galit na tanong ni Aling Gina sa anak.

“Nay! Wag yan! Akin yan! Kaunti lang naman, tinitikman ko lang!” sigaw ni Nilo sa ina at pilit na kinuha ang pakete.

Tinitigan ng ale si Nilo at umiiyak ang kaniyang puso, hindi siya makapaniwala sa kaniyang nasaksikahan. Kakausapin pa sana niya ang anak ngunit umalis na ito at nakita pa niya mismong sinisinghot nito ang pakete habang naglalakad.

“Nilo, pwede kang sumama sa amin ng mahinahon,” saad ng mga tiga barangay.

“Nay, ano ‘to? Bakit mo sinabi sa kanila? ‘Di ba sabi ko naman sayo ay kaunti lang yun, hindi naman ako adik e!” sigaw ni Nilo at nagwawala na ito sa kanilang bahay.

“Anak, hindi ka naman nila huhulihin, gagamutin ka nila. Anak kailangan mo lang mairehab,” wika ni Aling Gina sa kaniyang anak at hinayaan na nitong kuhanin si Nilo para dalhin sa rehabilitation center.

Advertisement

Masakit man kay Aling Gina ngunit alam niya na tama ang kaniyang ginawa dahil hindi birong binobosohan niya ang sarili niyang kapatid at bilang isang ina ay kailangan nyang mas maging matapang para sa mga anak. Hindi niya maatim na masira ang kaniyang mga kayamanan sa buhay.

Naging maugong din ang chismis sa pangyayari at hinayaan iyon ni Aling Gina, pinaliwanagan niya ang asawa’t anak ni Nilo na huwag sukuan ang lalaki dahil gagaling din naman iyon. Pinuntahan din ng ale ang mga dating nagreklamo tungkol sa anak at humingi ng personal na despensa dito.

Lumipas ang anim na buwan at nakausap niyang muli ang anak na si Nilo na hindi na siya binubulyawan at hindi na rin ito galit.

“’Nay, salamat ha? Kasi dinala mo ako dito, baka kung hindi mo pa ako nahuli baka mas malala pa ang nagawa ko, patawarin mo ako ‘nay,” saad ni Nilo sa ina.

“Anak, alam kong nagalit ka sa akin, pero alam ko rin maiintindihan mo ako pagdating ng araw. Kaya sana anak, huwag ka na ulit gumamit ng ipinagbabawal na gamot dahil sisirain ka noon, ang pag-iisip mo at pamilya mo at ang lahat ng taong nakapaligid sa’yo,” baling naman ni Aling Gina.

“’Nay, tama lang ho ang ginawa niyo, ako pa nga ho itong nahihiya sa kalokohang ginawa ko. Sana mapatawad ako ng pamilya ko,” sagot muli ni Nilo at nagyakap ang dalawa.

Tumagal din ng halos isang taon bago nakauwi si Nilo sa kanilang bahay, naging kahihiyan man ang pagkakamaling nagawa ay mas importante naman ngayon sa lalaki kung papaano niya mabubuong muli ang tiwala ng kaniyang pamilya.

Sa kabilang banda naman, patuloy na ginagabayan at pinagdarasal ni Aling Gina ang mga anak, nawa’y hindi na maulit pang muli ang madilim na karanasan niya dahil walang ina ang gustong magpakulong sa kanilang anak.