Akala ng Babae ay Perpekto na ang Kanyang Relasyon sa Gwapong Nobyo, May Itinatago Pala Itong Malupit na Sikreto

Dalawampu’t pitong taong gulang si Anna, hindi gaanong katangkaran, pero malakas ang dating. Walong taon na din siyang single, ngunit masaya naman siya kahit na ganoon.

Madalas silang lumalabas ng kanyang mga kaibigan para gumala. Sa trabaho, pamilya, at kaibigan na lamang umikot ang buhay niya sa lumipas na walong taon.

Akala niya ay hindi na muling magbubukas ang kanyang puso para sa pag-ibig, hanggang sa magkaayaan silang magkakaibigan na muling kumain sa labas, at doon niya nakilala si Robert.

Matalik na kaibigan ni Robert ang ka-opisina at kaibigan ni Anna na si Jonas. Matangkad si Robert, moreno at syempre gwapo.

Sa unang pagtatagpo ay hindi nagustuhan ni Anna si Robert, unang impresyon niya kasi dito ay mayabang, presko, at babaero. Lahat nang iyon ay nagbago nung masundan pa ng masundan ang kanilang paglabas-labas.

Naging mas malapit ang dalawa sa isa’t isa. Noong makilala ni Anna si Robert ng lubusan, napagtanto niyang mabait naman pala talaga ito, sweet at maalaga, na di malabong naging dahilan kung bakit unti-unti niya itong nagugustuhan.

Naging sila. At sa sandaling panahon na nagkasama ay mas lumalalim naman ang nararamdaman nila sa isa’t isa. Binuksan ni Anna muli ang kanyang puso para sa pag-ibig.

Lumipas ng mabilis ang mga araw, buwan at mga taon. Third anniversary na nila bilang magkasintahan.

Advertisement

Kumain sila sa labas, nanood ng cine, at gumala sa park. Tinapos nila ang gabi sa pag check-in sa isang mamahaling hotel. Naligo muna si Anna at sumunod naman si Robert pagkatapos.

Magkayakap silang dalawa ngayon sa malambot at malaking kama.

“Mahal kita Anna. Mahal na mahal.” Bulong ni Robert sa kanyang tenga.

“Mahal na mahal din kita Robert.” Tugon ng dalaga.

Naramdaman niya sa kanyang likod ang mainit na hininga ng kasintahang lalaki. Lumalalim na ang gabi at mas umiinit na ang mga pangyayari.

“Will you make love with me, Anna?” Tanong ng binata.

Isang masarap na halik ang naging tugon ng dalaga. Ginantihan naman siya ng halik ng binata. Sobrang nag-iinit na ang kanilang katawan.

Hinalikan ni Robert si Anna sa labi, pababa sa leeg, at sa kanyang dibdib. Hinila ni Anna pataas ang kanyang kasintahan at nginitian ito.

Advertisement

Ibinigay ni Anna ang lahat noong gabing iyon. Ganun na lamang kalaki ang kanyang pagmamahal sa nobyo.

Mas tumindi pa ang pagmamahal ng magkasintahan sa isa’t isa matapos ang gabing iyon, hanggang isang araw, naglalakad si Anna sa mall, at naggagala sa may baby section. Tuwang-tuwa siya habang tinitignan ang mga gamit pambata.

“Eto ang bibilhin ko pag magkaka-baby na kami ni Robert.” Bulong niya sa sarili habang nakatingin sa kulay pink na baby crib.

Naglakad pa siya ng konti nang mapansin ang isang pamilyar na mukha.

“Si Robert.” Sabi niya sa sarili. Nakaupo malapit sa bilihan ng mga damit pambata.

Dahan-dahan siyang naglakad upang sorpreashin ito. Ngunit siya pala ang maso-sorpresa.

“Babe!” Sigaw ng maputing babae na papalapit ngayon kay Robert. May dala-dala itong mga laruan ng baby at bottle feeder. “Mas cute ‘tong mga ‘to di ba?”

“Parang mas maganda yung kaninang pinakita mo.” Nakangiting tugon ni Robert.

Advertisement

Naitigilan si Anna sa nakita. Maputi ang babae, may hitsura din naman at.. maumbok ang tiyan.

Sumikip ang kanyang paghinga at parang hindi matanggap ang mga nakikita. Napaurong siya at hindi sinasadyang natabig ang blue na baby carrier sa likuran. Nahulog ito at nag gawa ng malakas na ingay.

“Sorry.” Paghingi niya ng paumanhin sa sales lady.

Hindi na siya lumingon pa at tumakbo na palabas. Alam niyang nakita iyon ni Robert, alam niyang nakita siya ni Robert.

Iyak lamang siya ng iyak buong maghapon. Nakatulog siya sa kanyang apartment nang maramdaman niyang may humahaplos sa buhok niya, si Robert.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Anna.

“I’m sorry.” Mahinang tugon ni Robert habang nakatungo.

“Sorry, kasi niloko mo ako? Kasi nakabuntis ka ng iba? Yun ba?” Galit na tanong naman ng dalaga.

Advertisement

“Hindi ko naman sinasadya.”

“P*t*ng in*ng hindi sinasadya yan! Lagi na lang hindi sinasadya! Ano nahulog ang brief mo tapos tumakbo ang panty niya pababa tapos bigla kayong nagkadikit then boom may baby na? Ganun ba?” Nanginginig na sa galit si Anna ngayon.

“Nag-inuman kasi kami nung officemate ko sa bahay nila last year. Tapos lasing na lasing kami. Hindi ko alam, pero may nangyari sa’min ng kapatid niya. Gusto ng pamilya niya na pakasalan ko siya.” Paliwanag ni Robert.

“My God!” Napahawak na lang sa noo si Anna.

“Pero ikaw ang mahal ko Anna. Magiging ama ako sa anak namin, pero hanggang dun na lang iyon. Ikaw ang gusto kong makasama.” Tsaka ito lumapit sa babae at yumakap.

Pinili ni Anna na sundin ang kanyang puso. Alam niyang masakit, pero mahal niya talaga si Robert. Kaya nag bulag-bulagan siya alang-alang sa pag-ibig.

Isang umaga ay nag-ring ang kanyang cellphone. Hindi kilalang numero ang tumatawag. Nag-aalangan siya kung sasagutin ito ngunit baka importante kaya sinagot na rin niya.

“H-hello?” Nag-aalangan niyang pagbati.

Advertisement

“Babaeng haliparot! Baka pwedeng tigilan mo na si Robert. Di ka ba nahihiya?” Boses ng babaeng galit na galit.

“Ano?” Sagot niya.

“Wag mo na kaming guluhin. Magiging ama na siya ng anak ko. Kaya please lang, tigilan mo na siya. Nakapadesperada mo naman.”

Edukada si Anna, pero sa pagkakataong ito, pinatulan niya ang babae.

“Ako pa talaga yung haliparot? Ako pa yung desperada? Eh sino kaya yung pumatol at nagpabuntis sa hindi naman niya boyfriend? Ako ba? Ikaw hindi ba?” Galit na galit niyang sagot.

“Magkakaanak na kami. Kaya layuan mo na siya!”

“Anak lang ang meron kayo, pero ako ang mahal niya, ako! Tatlong taon kami. Nasa akin na siya bago mo pa siya makilala at bago ka pa magpagalaw!” Pagdiin naman ni Anna.

“Ikaw na rin mismo ang nagsabi. Magkakaanak siya sa akin. Magkakaanak na KAMI! Kakayanin ba ng konsensiya mo na may lumabas na bata sa mundo at lumaki ng walang buong pamilya na kakagisnan ha?”

Advertisement

Biglang napatigil si Anna. Parang sinampal siya ng reyalidad sa narinig. Kakayanin nga ba niyang matiis na may isang batang lalaki na sira ang pamilya dahil lamang sa kanya?

“Pabayaan mo na kami. Hayaan mo na kaming maging buong pamilya, please..” Pagpapakumbabang tono ng babaeng nasa telepono.

Pumatak ang luha ni Anna. Hindi niya magawang magsalita pa kaya pinutol niya ang tawag at ibinaba ang cellphone.

Mahal niya si Robert, mahal na mahal. Nasa tama siya dahil siya ang girlfriend, pero mali dahil magkakaanak na ito sa iba.

Ilang araw at linggo pa siyang nagtiis, pero nawawalan na ng oras sa kanya si Robert. Ang balita niya ay naging maselan ang pagbubuntis ng babae nito.

Halos lahat ng oras at atensyon ni Robert ay napunta sa babaeng kanyang nabuntis.

“Ayoko na. Itigil na natin ‘to..” Sambit ni Anna.

“Mahal kita Anna. Wag naman ganun.” Mahinang tugon ni Robert.

Advertisement

“Hindi sapat na mahal lang natin ang isa’t isa. Hindi lang sa pag-ibig iikot at buhay natin. Magagawa mo din siyang mahalin, lalo ngayon, malapit nang isilang ang magiging anak niyo.”

“Anna..”

“Paalam, Robert.”

Umiiyak na umalis si Anna. Kailangan niyang magparaya dahil iyon ang tama. Para sa kapakanan ng bata, isinakripisyo niya ang kanilang relasyon.

Nag-resign si Anna sa trabaho. Hindi na din niya kinausap pa si Robert mula noon.

May inalok na trabaho ang kanyang tita na nasa Canada. Kinuha ni Anna iyon at lumipad patungo doon.

Tatlong taon na din ang lumipas. Natutunan na din ni Anna ang maging masaya muli. Paminsan-minsan ay tinigtignan niya ang profile ni Robert sa facebook.

Tinignan niya ang litrato sa facebook ni Robert at nakita niyang kasal na ito sa babaeng nabuntis at mukhang masayang-masaya naman na dahil sa anak.

Advertisement

Napangiti lamang si Anna nang makita ang picture ni Robert na kasama ang anak nitong lalaki. Ibang ngiti at saya at nakita niya sa lalaki habang karga ang anak.

Sa pag-uwi niya sa Pilipinas ay hindi sinasadyang nag krus muli ang kanilang landas.

“Anna?” Tanong ni Robert.

“Uyy! Ikaw pala yan. Kumusta?” Bati ni Anna.

“Okay naman. Eto nagpa-plano para sa birthday party ng anak ko. Ikaw?” Nakangiting tanong ng dating kasintahan.

“I’m good. Naka-vacation saglit dito, tsaka para ayusin din yung kasal.” Tugon ng babae.

“Talaga? Wow. I’m happy for you! Swerte ng magiging husband mo.”

“Syempre ako pa ba?” Natatawang biro naman ni Anna. “Masaya din ako para sa’yo, para sa family mo.”

Advertisement

Nagkaroon ng kaunting katahimikan.

“Sorry ulit Anna ha? Sana napatawad mo na ako.” Mahinang tanong si Robert.

“That was all in the past. Napatawad na kita Robert, matagal na.” Nakangiting sagot ni Anna. “Masaya na ako at masaya na rin para sa’yo. Hindi lang siguro tayo yung itinakda para sa isa’t isa. Pinagtagpo lang, pero hindi itinadhana.” Dagdag pa niya.

“Oo nga eh. Pero thankful ako na once ay nakilala din kita. Salamat Anna.”

“Ganoon din naman ako. O siya. Ingat ha? Magpakabait ka!” Natatawang biro ni Anna.

Hindi man sa maganda nagtapos ang relasyon nila noon, masaya si Anna dahil natutunan niya kung ano ang tunay ba ibig sabihin ng totoong pagmamahal, at iyon ay ang magparaya at magsakripisyo para sa kapakanan ng ibang tao.

Hindi naman din sa kalungkutan lang umikot ang buhay ni Anna. Nakatagpo siya ng lalaking magmamahal sa kanya ng totoo.

Ikinasal si Anna sa isang Canadian at ngayo’y nagdadalang tao na. Mahal na mahal siya ng asawa at binigyan ng napakagandang buhay.

Advertisement

Ngayon ay naiintindihan na ni Anna kung bakit hindi sila ang itinadhana ni Robert para sa isa’t isa, dahil may darating pala na mas maayos at ipaparamdam sa kanya na karapat-dapat siyang mahalin.