Hanggang sa Dulo, Ikaw ang Pipiliin

“Aling Luningning, gising na ho! Handa na ang panligo ninyo,” wika ni Barbara, ang nurse ng ale.

“Sino ka ba? Bakit bagong mukha na naman ang aking nakikita?! Mukhang pinaglololoko niyo na ako ah,” baling ng ale.

“Naku, kayo naman ho ang aga-aga ay pinagtatampo niyo ako. Limang taon na po tayong magkasama at ako rin ang paborito ninyong nurse, nakalimutan niyo na?” wika ni Barbara.

“Ay ganun ba? Pasensya ka na ulyanin na talaga ako,” sagot naman ni Aling Luningning at saka siya pumayag na magpaligo.

Halos limang tao na rin ang lumipas nang tuluyang makalimot ang ale nang dahil sa kaniyang Alzheimer’s at wala na itong naalala sa kanyang nakaraan. Maging ang ginawa niya kahapon o ang mga taong nakakasalimuha niya’y hindi na rin niya naalala kinaumagahan. Kaya naman ang bahay na dating bakasyunan ng kanilang pamilya ay ginawang maliit na tuluyan para sa mga taong kagaya niya ang kalagayan at naghanap na rin ng ilang mga eksperto na siyang namamahala doon.

Mayaman na ang anak ng ale at ang lahat ng mga ito ay nasa ibang bansa nagtratrabaho kaya naman pera na lamang ang tanging nakakarating kay Aling Luningning.

“Hoy, tanda. Matagal ka na ba dito?” bati ni Aling Luningning sa matandang lalaki nakamasid sa ilog na malapit sa kanila.

“Ikaw pala iyan Luningning, hindi mo na naman siguro ako naalala pero ako nga pala si William, limang taon na rin ako dito,” sagot ng lalaki.

Advertisement

“Ganun ba? Malungkot siguro ang buhay mo kasi naalala mo ang lahat pero mukhang mas malungkot ka pa sa akin na wala nang naalala,” saad naman ni Aling Lunginging.

“Wala nang sasakit pa kapag hindi na tayo naalala ng mga taong mahal natin. Katulad ko, hindi na ako naalala ng asawa ko,” malungkot na sabi ng matandang lalaki.

“Ang lungkot lungkot mo naman, ano bang pangalan mo para naman matandaan kita? Saka para sumaya ka ay magkwentuhan na lang tayo,” wika ni Aling Luningning at bahagya pang hinampas ang balikat ng lalaki.

“Ako nga pala si Gener,” pakilala niya.

At nagkwentuhan na nga ang dalawa. Halos maiyak si Aling Luningning dahil napakabusilak pala ng pag-iibigan ni Gener at ang asawa nitong si Lucinda.

“Ibig sabihin kahit na nagkaroon ng ibang lalaki si Lucinda ay inantay mo pa rin siya? Anong nangyari? Paano kayong nakatuluyan?” usisang tanong ni Aling Luningning dito.

“Halos dalawang taon rin naman akong nawala pagkatapos ng gera noon kaya hindi ko siya masisisi kung tumibok ang puso niya sa ibang lalaki. Masama man siguro sa pananaw ng marami ngunit itinanan ko noon si Lucinda bago ang araw ng kasal niya at nagsama kami,” sagot ni Mang Gener.

“Nagsama kami sa hirap at ginhawa, halos araw-araw kaming nag-aaway noon ngunit kahit kailan ay hindi namin iniwan ang isa’t-isa. Nagkasupling hanggang sa tumanda, siya lang ang minahal ko sa buong buhay ko kaya nga kahit hindi na niya ako maalala pa ay hinding-hindi ako susuko sa kaniya,” dagdag pa ng Mang Gener.

Advertisement

“Napakasuwerte naman pala niyang si Lucinda! Teka lang nandito rin ba siya nang masampal ko nga at baka maalala ka,” biro ng ale at parehas silang natawa.

Kaya lamang naputol ang kanilang kwentuhan ng dumating ang oras ng check-up nila sa doktor.

“Mang Gener, talaga bang naniniwala pa rin po kayong maalala kayo ni Aling Lucinda? Sinabi ko naman na po sa inyo na hindi na siya makakaalala pa,” wika ng doktor na tumitingin sa matanda at hinawakan ang kamay nito.

“Alam mo dok, alam kong hindi na nakakaalala ang misis ko pero hindi nawawala ang pananalig ko sa Diyos na maalala pa rin niya ako. Nauna ang panginoon bago ang siyensya kaya naman hindi ako mawawalan ng pag-asa,” sagot naman ni Mang Gener.

Sa kabilang banda naman ay abala si Aling Luningning na hanapin si Aling Lucinda dahil doon lang din daw ito naninirahan. Habang naglalalakad at nagtatanong sa mga nurse na umiikot ay nakarating siya sa dulong kwarto na kainin at puno ito ng mga litrato, mga pasyente na doon na nakatira kasama ang kanilang mga pamilya.

Napahinto siya nang makita ang isang pamilyar na larawan, “Nurse, sino itong magkasintahan na ito?” tanong ni Aling Luningning.

“Ah, si Mang Gener po iyan saka si Aling Lucinda noong mga bata pa sila,” sagot naman ng babae.

“May iba pa ba kayong larawan nilang dalawa? Parang pamilyar sa akin,” saad naman muli ng ale.

Advertisement

“Pamilyar po ba? Ito pa po ang ibang mga litrato,” at pinakita nga ng nurse kay Aling Luningning ang mga ito hanggang sa napaluha na lang ang ale at tumakbo papunta kay Mang Gener na nakita niya sa labas.

“Gener! Ako si Lucinda, ako ang mahal mo!” sigaw nito.

“Naaalala mo na ba ang lahat mahal ko?” maligayang tanong ni Mang Gener at imbes na sumagot ay naghalikan lamang ang dalawa. Tuwang-tuwa ang mga nurse na nakatingin sa kanila dahil sa mahabang panahon ay ngayon lamang ulit bumalik sa alaala ni Aling Luningning na siya ang asawa ni Mang Gener.

Walang sakit ang matanda ngunit mas pinili nitong manatili sa tabi ng kaniyang asawa at tuparin ang pangako na magsasama sila hanggang sa huling hininga.

“Hindi mo ako iniwan. Mahal na mahal kita, Gener. Patawarin mo ako kung nakakalimutan ko ang lahat, patawarin mo ako mahal ko,” saad naman ni Aling Lucinda.

“Hindi ako magsasawang manalig na maaalala mo rin ako , mahal ko at pangako ko sayo hinding hindi kita iiwan!” matamis na sagot ni Mang Gener at niyakap niyang mahigpit ang ale.

Halos tumagal din ng pitong minuto ang kanilang pagyayakapan at paghalik sa isa’t-isa. Hanggang sa bumalik ang lahat sa dati.

“Sino ka? Manyakis kang matanda ka, bakit mo ako niyayakap!” sigaw ni Aling Luningning na nakalimutang ng muli ang lahat.

Advertisement

Milagro daw na maituturing na bumalik sa alaala ni Aling Luningning ang lahat kahit saglit at ngayon ay naniniwala na sila magagawa ng lahat ang wagas at tunay na pag-ibig.

Malungkot man dahil nakalimutang muli ng ale ang kaniyang buhay ngunit hindi pa rin bumitaw si Mang Gener at handa siyang samahan ang ale sa araw-araw hanggang sa kaniyang huling hininga.