May Nakilalang Guwapo at Machong Boylet ang Lalakerong Babae, Labis Niya Palang Pagsisisihan ang Gabing Nakipagtalik Siya Rito

Kilalang mahilig sa mga guwapo at machong lalaki si Bechay. May maipagmamalaki naman kasi ang babae, bukod sa taglay niya ang malaking hinaharap ay mala-artista rin ang kanyang mukha. Maraming nagsasabi na kamukha niya ang sikat na artistang si Marian Rivera. Tuwang-tuwa namang ang gaga kapag sinasabihan siya na kahawig niya ang maganda at seksing aktres.

Dahil nga may kakatihan ang hitad ay pumapatol din siya sa mga lalaking natitipuhan niya. Nagyayaya siya na makipag-one night stand sa mga ito, basta type niya at pasok na pasok sa kanyang panlasa.

Isang gabi at malakas ang ulan. Nagmamadaling sumakay si Bechay sa jeep. Habang nakaupo ay napansin niya ang isang guwapo at machong lalaking pasahero. Matangkad ito at chinito. Mistulang galing ito sa gym dahil sa suot nitong damit na hapit na hapit. Halos magkatapat lamang sila. Gumawa ng paraan si Bechay para magpapansin sa lalaki.

“Hi, anong name mo?” tanong niya rito.

Hindi kumibo ang lalaki. Sinulyapan lang siya nito.

“May pagkasuplado ang isang ito ha,” sabi niya sa isip.

Maya-maya lang ay bumaba na ang lalaki. Hindi pa rin inalis ni Bechay ang tingin kahit pababa na ito ng sasakyan.

Hindi siya papayag na walang mngyayari sa kanila ng guwapong lalaki, kaya kahit malakas ang ulan ay sinugod niya iyon.

Advertisement

“Susundan ko siya,” aniya.

Napansin naman ng lalaki na sinusundan niya ito. Halatang naaasiwa ito sa ginawa niyang pagsunod rito. Hindi niya alam ay lihim itong nagtataka at nagtatanong sa sarili.

“Ano kaya ang binabalak ng babaeng ito?”

Biglang lumapit si Bechay sa nagtatakang lalaki.

“Sandali lang, please!” pakiusap niya rito.

“Bakit mo ba ako sinusundan? Anong kailangan mo sa akin, miss?” tanong ng lalaki.

“Pakiusap…” huling salitang lumabas sa bibig niya habang nagkunwaring nahilo at nahimatay.

Nataranta ang lalaki. Hindi malaman kung ano ang gagawin.

Advertisement

“Miss, miss, gumising ka, miss! Anong nangyari sa iyo? Gising!” anito habang tinatapik ang kanyang pisngi.

Dahil malakas ang ulan ay binuhat na siya ng lalaki at iniuwi sa bahay nito.

Inihiga muna siya ng lalaki sa sofa. Nang maramdaman ni Bechay na nakapasok na siya sa bahay nito ay nagkunwari naman siyang nagising sa pagkahilo.

“A-anong nangyari sa akin? Nasaan ako?”

“Narito ka sa bahay ko. Hinimatay ka kanina, miss. Naawa naman ako sa iyo kaya dinala kita rito.”

“S-salamat at hindi mo ako pinabayaan,” aniya.

“Ako nga pala si Daniel. And you?” nakangiti nitong tanong.

“Bechay ang pangalan ko,” sagot niya na kinikilig.

Advertisement

“Bakit mo ba ako sinusundan kanina?”

“A, e, wala…para lang kasing nagkita na tayo somewhere?” palusot niya.

“I see,” matipid nitong sagot.

Tumayo ito sa kinauupuan at inalok siya ng maiinom.

“Coffee, juice, tea?”

“Hmm..kape na lang, please!” sabi ni Bechay habang nagpapa-cute.

Nagpaalam si Daniel na magtitimpla lang ito ng kape sa kusina.

“Huwag ka munang aalis, ihahanda ko lang ang kape mo.”

Advertisement

Pakiramdam ni Bechay ay gusto niyang totohaning mahimatay dahil sa sobrang kilig. Napatingin siya sa bintana at nakitang tumila na ang ulan sa labas.

Nang biglang lumitaw ang lalaki. Inilapag nito sa maliit na mesita ang isang tasa ng kape. Nakangiti pa rin ang mukha nito.

“Nainip ka ba?”

Hindi mawari ni Bechay ngunit para siyang nahipnotismo ng lalaki sa ngiti nito. Nagtaka naman ito sa inasal niya.

“O, natulala ka na?”

“Ay, h-hindi naman…”

“Inumin mo na iyang kape at baka lumamig,” utos nito.

Agad niyang ininom ang kapeng nakahain sa kanya. Di nagtagal ay nakaramdam na siya ng pagkahilo.

Advertisement

“Teka, parang nahihilo yata ako…”

“Ha, nahihilo ka na naman?”

Nabitawan niya ang hawak na tasa at pati siya ay humandusay na rin sa sahig at nawalan ng malay.

Binuhat siya ni Daniel at ipinasok sa loob ng kuwarto nito.

Sa pagmulat ng mga mata ni Bechay ay nakita niya ang sarili na nakahiga sa kama. Madilim sa loob ng kuwarto at tanging liwanag lang na makikita ay nagmumula sa maliit na lampshade.



Bumukas ang pinto at tumambad sa kanya ang hubo’t hubad na katawan ni Daniel. Napakakisig nito at nagtataglay ng malaking hinaharap.

Nabuhay ang dugo ni Bechay. Umepek ang drama niya kanina at ngayon ay nakahanda na siyang atakehin ng guwapong lalaking nakasabay lang niya sa jeep.

Dahil sa nilukuban na siya ng kanyang kalandian ay hinubad na rin niya ang suot na damit. Wala rin siyang itinira.

Advertisement

“Lika dito!” pang-aakit niya sa lalaki.

“You’re so hot!” anito habang winawagayway ang hawak-hawak na pagkalalaki.

Lumapit na ito sa kanya at pinaghahalikan siya. Natupad ang plano niya na tuluyang maangkin ang lalaki. Pinagsaluhan nila ang init sa malamig na gabi.

Matapos ang kanilang ginawang pagpapaligaya sa kama ay pagod na pagod ang dalawa. Bagsak ang katawan ni Bechay. Inubos ni Daniel ang kanyang lakas kaya nakatulog siya.

Alas tres ng madaling araw nang magising si Bechay. Masakit pa rin ang katawan sa pag-angkin sa kanya ng lalaki. Muling bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Daniel. May hawak itong kutsilyo at dahan-dahang lumapit sa kanya.

Pinagpawisan siya ng malapot. Gusto niyang sumigaw ngunit parang napipi siya. Matinding kilabot ang namayani sa kanya nang ilapit nito sa kanya ang hawak na kutsilyo. Naging mabilis ang mga pangyayari at pinagsasaksak siya ng lalaki.

“Huwaaaggg!!!”

Gumuhit sa buong kabahayan ang sigaw niya.

Advertisement

Hindi niya namalayan na nahulog na pala siya sa kinahihigaan. Pawisan at habol ang hininga.

PANAGINIP lang pala ang lahat. Isang napakasamang panaginip.

Naisip ni Bechay na babala iyon sa kanya, na baka mayroong masamang mangyari kapag ipinagpatuloy pa niya ang pagiging lalakero.

Simula noon ay nagbago na si Bechay. Hindi na siya nagbibigay ng motibo sa mga lalaki. Natakot na siya na baka magkatotoo ang kayang panaginip. Baka isang araw ay makilala niya ang totoong Daniel.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.