Habang Namimili ng Grocery ay May Hiniling ang Anak ng Babaeng May Sakit, Akala Nila ay Candy ang Ipapabili Nito Pero Para Pala Ito sa Kanya

Anim na buwan nang nilalabanan ni Catherine ang sakit na cancer, habang tumatagal ay pahina ng pahinga ang kanyang katawan, nararamdaman niyang hindi na siya aabutin sa isang taon. Kahit anong paghahanda ang gawin niya ay nasasaktan pa rin siya sa katotohanang maiiwan na niya ang 4 na taong gulang na anak.

Paano na si Clarence? Sino na ang tatabi rito kapag natatakot ito sa gabi? Ilan lang yan sa mga agam agam ni Catherine, kaya niyang harapin ang karamdaman pero wala nang mas sasakit pa sa makita ang anak niyang nalulungkot dahil iniwan na niya ito.

“Anak, kapag nawala na si Mommy magpe-pray ka lang ha?” sabi niya rito, dinadalasan na niya ang pagbilin dito upang ihanda na rin ang loob nito sa pagkawala niya.

“bakit mommy? saan ba ikaw punta?” inosenteng tanong ng bata.

“Kailangan na kasing umalis ni Mommy, sa ano, malayo. Pero magkikita naman tayo ulit pag matanda ka na, makikita mo na ako ulit. Lagi lang kitang babantayan.” sabi niya rito habang pinipigil ang luha.

Tumango lang naman ang bata, nagpapasalamat si Catherine na walang ideya ito tungkol sa sakit niya. Basta lagi niya lang sinasabi rito, aalis ang mommy.

May balot na ang ulo ni Catherine dahil sa pagkalagas ng buhok, dahil doon ay nahihiya na siyang lumabas ng bahay. Pero dahil sa hiling ng anak niya kaninang umaga ay sumama siyang mag- grocery, tulak tulak ng mister ang kanyang wheelchair at si Clarence naman ay mabagal na naglalakad at nakahawak sa kamay niya.

Naisip niyang dapat na niyang pagbigyan ang mag ama dahil hindi na siya magtatagal.

Advertisement

“Mommy, ganda ganda mo.” nakangiting sabi ng bata habang nakamasid sa kanya.

Naluluha naman ang babae, sa kabila ng pagkaubos ng buhok, pamumutla ng labi at pangingitim ng mga mata, sa mata ng kanyang anak ay siya pa rin ang pinakamaganda.

Habang namimili ay may hiniling si Clarence, may gusto raw itong ipabili.Minsang lang naman umungot ang anak nila kaya pinagbigyan na nila ito.

“Ano ba yun baby?” sabi ng asawa ni Catherine.

Hindi sumasagot ang bata at tahimik na naghahanap. Maya maya ay may dinampot ito, inilagay sa cart nila.

“Betadine? Aanhin mo ito Clarence? May sugat ka ba?” tanong ni Catherine, tuwing may sugat kasi ito ay nilalagyan niya iyon ng Betadine.Umiiyak pa nga si Clarence noon dahil akala nito ay masakit, sinasabi niya lang na pagkatapos ng sakit, gagaling na, basta may Betadine.

“Mommy ilalagay ko po sayo. Masakit po yan, pero pagkatapos po gagaling ka na at hahatid mo na ako ulit sa school.” inosenteng sagot ng bata.

Napaluha si Catherine, bigla siyang nagkaroon ulit ng lakas para lumaban.Hindi niya pwedeng iwanan ang kanyang anak, kung ito ay may pag asang gagaling siya, siya rin dapat ay ganoon. Nilabanan ni Catherine ang sakit, kasama ng tamang gamutan at pagdarasal, lalong lalo na ang pagmamahal, ay gumaling ang babae.

Advertisement

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.