Pirma na! Dali!

Lumaki sa hirap si Hannah kaya naman noong bata pa lamang siya, pinangarap na niyang makapangasawa ng matandang mayaman para maiahon sila.

“Mama, paglaki ko maghahanap ako ng matandang mayaman, yung malapit nang mamatay. Tapos ihuhulog ko siya sa hagdan para yung yaman na ay akin na.” pangangarap ni Hannah habang sinusuklayan ang kaniyang paboritong barbie.

“Anak, hindi dapat ganyan ang pananaw mo sa buhay. Dapat mag-aral kang mabuti para maging masagana ang buhay mo. Hindi mo kailangan ng matandang mayaman dahil kaya mo mag-isa maging matagumpay kahit hindi ka ma-pera.” pangangaral nang ina ni Hannah.

Pero pagkat bata pa nga si Hannah noong mga oras na yon, patuloy pa rin siyang nangarap na magkaroon nang matandang asawa na mayaman.

Lumipas ang isang dekada at tumigil sa pag-aaral si Hannah bunsod ng kahirapan, wala na silang pang bayad ng martikula. Dito niya naisip na maghanap ng matandang magpapaaral sa kanya.

Kapalit ng pera, pinapaligaya ni Hannah ang bawat matandang nagme-message sa kaniya. Kahit anong layo, kahit anong amoy nito, papatusin niya ito, may maipangbayad lamang sa eskwelahan.

Dahil sa gawain niyang ito nakilala si Ginoong Ruben. May-ari ng isang sikat na hotel sa Maynila. Byudo at walang anak kaya naman noong malaman iyon ni Hannah ay hindi na siya nag-atubiling lumuwas ng Maynila.

Kay Ginoong Ruben pinakanagtagal si Hannah. Halos lahat ng luho niya ay binibigay ng lalaki. Mapa-camera man, bagong cellphone o kahit na mamahaling sapatos, isang ungot niya lang ay ibibigay na iyon agad sa kaniya. Walang kahirap-hirap.

Advertisement

Isang gabi ay naglalambingan sila, bigla na lang nakaramdam ng paninikip ng dibdib ang matanda. Iniisip agad ng babae baka mamam*atay na ito kaya imbes na itakbo sa ospital ay hinalukay ng dalaga ang yaman nito at hinanap ang kasulatan na sakali mang pumanaw ito ay sa kanya maiiwan ang lahat ng yaman.

Nakita niya nga iyon at dali-daling kumuha nang ballpen at sinabing, “Dali na baby, pirma na!”

“D-dalhin mo muna ako sa ospital H-Hannah.” hirap na hirap na sabi ng matanda.

“Oo naman baby basta pumirma kana muna!” pagmamadali ni Hannah.

Napapirmahan nga ni Hannah ang kasulatang nagsasaad na mapupunta sa kaniya lahat ng kayaman ng matanda, ngunit pagkatapos na pagkatapos nito pumirma ay tuluyan na itong nawalan ng hininga.

Nawala man si Ginoong Ruben, masaya pa rin naman si Hannah dahil lahat nang yaman ng matanda ay nasa kanya na. Lalong naging maluho ang babae. Bili dito, bili doon. Painom dito, painom doon. At ang malupit pa, natuto siyang gumamit nang pinagbabawal na gamot.

Naa*dik siya dito pati na sa casino. Hindi na siya nag aral pa, kampante na siya dahil sa yaman na mayroon siya. Ngunit dahil sa wala siyang alam kung paano patakbuhin ang negosyo, biglaan itong bumagsak.

Maraming investors ang nadismaya kaya tuluyang nilisan ang nasabing kompanya. Halos maloka si Hannah kakaisip kung ano ba dapat ang kanyang gawin para maibalik ang perang nawala sa kaniya, lalo na’t malaki-laki pa ang utang niya sa casino.

Advertisement

Dahil nabaon rin siya sa utang, napagdesisyunan ni Hannah na ibenta lahat ng mga naipundar niya, bahay niya, bahay ng nanay niya, kotse at iba pang mga gamit gaya ng sapatos, bag at mga alahas.

Nakabayad siya, kaya lang, wala nang natira sa kanya. Iyak siya nang iyak dahil bumalik nanaman siya sa buhay mahirap na kinalakihan niya.

Nakita siya nang kaniyang ina at doon niyakap siya nitong mahigpit.

“Ganoon talaga anak, may mga bagay na mabilis mawala lalo na’t hindi pinaghihirapan.” pangangaral nang kanyang ina.

“Oo nga po nay eh, nagsisisi ako kung bakit winaldas ko lahat ng meron ako. Tapos tumigil pa ako sa pag-aaral.” iyak ni Hannah.

“Hindi pa naman huli ang lahat, nak. Bangon ka ulit at mag-aral. Huwag kana kumapit sa mga patalim na makapagdadala lalo sayo sa hirap. Gawin mo yung mga bagay na alam mong tama, naiintindihan mo? Uulitin ko ha, hindi mo kailangan ng matandang mayaman dahil kaya mo mag-isa maging matagumpay kahit hindi ka ma-peraa.” nakangiting sabi ng kaniyang nanay.

Sabi nga nila, kung walang tiyaga, walang nilaga. Ang yamang hindi galing sa mabuti at marangal na paraan ay para ring biglang hihipan ng hangin at mawawala. Magsikap, magtiyaga at magsipag sa buhay, para makamtan ang minimithing tagumpay.