Gustong-gusto ng Batang Ito na Mag-mall, Hindi Para Magshopping kundi Para Kumanta ng Libre, Isang Babae ang Nagmagandang-Loob na Tuparin ang Pangarap Niya

“Ma, punta po tayo sa mall!” excited na yaya ng batang si Czerina sa kanyang ina.

Masaya namang tumugon si Aling Clara, “Sige, anak. Pero bawal magturo ng mga bilihin, ah?”

Tumango ang bata, “Opo, Mama. Promise po!”

Nang makarating sa mall ay agad silang nagtungo sa department store kung saan naroon ang tindahan ng microphone, CDs, at DVDs na gamit sa pagpapatugtog. Doon ay muling hiniram ni Czerina ang microphone sa salesman na nagbabantay ng pwesto.

At dahil mabait at kilala na siya ng halos lahat ng nagtitinda doon ay palagi siyang pinapayagan ng mga ito na kumanta. Agad siyang umawit at napahanga naman ang mga mamimili ng mall. Tuwang-tuwa siyang pinalakpakan ng mga ito matapos niyang umawit ng maganda.

Nagulat pa sila nang may isang babaeng lumapit sa kanila at bumili ng isang set ng videoke at binigay iyon nang libre kay Czerina.

“Seryoso po kayo? Sa akin po ito, Ma’am?” tanong ng bata sa ginang.

Ngumiti ito sa kanya, “Oo, hija. Magaling kang kumanta at may potensyal kang magtagumpay. Gusto kong nakakapag-practice ka rin sa bahay niyo para mas matutukan mo pa ang iyong pagkanta.”

Advertisement

Tuwang-tuwang nagpasalamat ang mag-ina sa mabait na ginang, “Thank you po. Promise po kapag sumikat na ako, hahanapin ko po kayo at magpapasalamat muli.”

Natawa ang ginang sa kanyang tinuran. Hindi ito sineryoso pero pinayuhan niya nang maganda ang bata, “Basta kapag sumikat ka na, huwag mo kalimutang tumapak sa lupa ah?”

“Opo, pangako po!”

Hindi naman binigo ni Czerina ang kahilingan ng ginang dahil nagpraktis siya nang todo sa bahay.

Ilang taon ang lumipas at naging matagumpay siyang mang-aawit na nakilala sa Singapore. Isang gabi habang nagpe-perform siya ay may namataan siyang pamilyar sa mukha sa audience. Agad siyang napangiti nang makilala kung sino ito.

“This song is for someone who made my dream come true. I used to sing to a department store in a mall, but then she came right next to me and gave me a reason to strive more,” nilapitan niya ang ginang na noo’y tumanda na. “Thank you so much po. This success is for you.”

Tuwang-tuwa naman ang matanda na niyakap siya, “Masayang-masaya ako na natupad mo ang pangarap mo, hija,” naluluhang pahayag ng matanda. “Isa pa’y masaya ako dahil tinupad mo rin ang pangako mo sa akin na huwag kalimutang maging humble kahit na nasa tuktok ka na ng kasikatan.”

Ngunit ang dalaga sa matanda, “Dahil po sa inyo ‘yun. Utang na loob ko po sa inyo itong pagtupad ko ng pangarap. Kaya naman po bilang-ganti ay hindi ko po makakalimutan ang binilin niyo.”

Advertisement

Hindi talaga natin aakalain kung paano at kailan natin makakamit ang ating pangarap. Ngunit ang mas importante ay ang pagiging mapagkumbaba kahit pa nasa rurok na tayo ng karangyaan at tagumpay. Dahil ang hindi pagkalimot sa ating pinanggalingan ang tunay na depinisyon ng pagiging “matagumpay na tao.”