Palaging Pinakikialaman ng Ate Niya ang Binatilyong Ito, May Madilim Pala Itong Sikreto na Itinago sa Kanya sa Mahabang Panahon

Dahan-dahang humakbang si Migs papunta sa kanyang kwarto, alas dos na ng madaling araw at kakauwi niya lang. Nagkayayaan kasi sila ng kanyang barkada na mag inom, nasa 4th year highschool sila at akala nila ay kaya na nila ang mga sarili. Pipihitin niya pa lang ang doorknob ng kwarto niya nang biglang bumukas ang ilaw.

“Saan ka galing?” tanong ng ate niya, nakataas ang kilay nito.

“Dyan lang.” sagot niya naman, lihim siyang napabuntong hininga, mas okay pa kung mama niya na lang ang nakakita sa kanya dahil mas mabait pa ito kaysa sa mama niya. Ang ate niya kasi, parang pulis kung magbantay sa kanya.

Kinse anyos na siya, at ito naman ay 33, pero parang matanda na kung magalit.

“Ipapaalala ko lang sayo Miguel, na 5pm ang uwian mo. Alam mo ba kung anong oras na?!” bulyaw nito.

“Sorry na ate. May g-ginawa lang kami sa school.” pagdadahilan niya, lumapit ito sa kanya at sininghot-singhot ang kanyang damit. Patay!

“At kailan ka pa natutong uminom? Hindi ka namin pinapaaral para lang magloko ka, tandaan mo yan. Wag mong sayangin ang buhay mo, Miguel.” sabi nito.

Sayangin agad? Di ba pwedeng nagpapakasaya lang siya?

Advertisement

“Si mama nga di nagagalit. Ikaw pa, feeling nanay ka rin ate eh. Chill ka lang kasi, masyado ka nang nakikialam sa akin.” sabi niya, dala na rin siguro ng kalasingan. Kita niyang nagulat ito at sinampal siya.

Napahawak siya sa kanyang pisngi, “O talaga naman eh, kung magalit ka sa akin wagas. At ako lang lagi nakikita mo. Get a life! Wag ako ang pakialaman mo te, hindi mo ko anak!” sigaw niya rito.

Nagulat siya nang di sumagot ang kanyang kapatid at tumakbo lang ito papunta sa sariling kwarto. Kinabukasan, ginising si Miguel ng kanyang ina, bakas sa mukha nito ang lungkot.

“Sinagot-sagot mo raw si Mira kagabi?” tanong nito.

“Oo ma, di ko napigilan. Buti ka pa nga hinihintay mo kong magpaliwanag. Yan si ate galit agad, tsaka kapatid ko lang naman siya.” sabi niya sa ina.

Napabuntong hininga ang ginang.

“Miguel, may kailangan kang malaman.” sabi nito. Umupo naman siya sa kama at tumitig dito.

“Noong 18 years old ang ate mo, nag aaral pa siya noon sa kolehiyo sa Maynila. Palagi siyang sinusundo ng iyong papa sa babaan ng bus, pero isang gabi ay nagkasakit ang papa mo kaya hindi siya nasundo. Nag-text siya na magiging okay lang daw siya kaya napanatag na kami, alas otso pa lang noon. Pero alas onse na siya nakauwi dito sa bahay, sira ang butones ng kanyang uniporme, puro putik ang palda, luhaan siya at tulala.” sabi nito.

Advertisement

Nagsisimula nang kabahan si Migs sa mga naririnig. Posible kayang…?

“Nagahasa siya Miguel..” pabulong na sabi ng kanyang ina, naluluha na ito.

Kaya pala hindi pa nag-aasawa ang ate niya, baka na-trauma ito sa mga lalaki. Kaya rin siguro ganoon na lang kung mag-alala ito sa kanya kahit na lalaki siya. Ngayon naiintindihan niya na ang lahat.

Muling nagsalita ang ginang. “Nagahasa siya, at ikaw ang bunga noon.”

Ano?! Parang nabingi siya bigla sa mga narinig. Agad napuno ng emosyon ang pagkatao niya, pero ang nauna roon, ay pagsisisi. Tumayo siya at lumabas ng kanyang kwarto, pumasok siya sa kwarto ng ate niya na naabutan niyang patagilid na nakahiga. Alam niyang gising ito, nakikita niyang humihikbi ang babae dahil gumagalaw ang mga balikat nito.

“Mama..” sabi niya.

Gulat na napalingon ito sa kanya.

“Bakit di mo po sinabi sa akin?” tanong niya.

Advertisement

“A-ayokong isipin mong isa kang pagkakamali, kahit na bunga ka ng pananamantala, mahal kita Miguel.” sabi nito.

Niyakap niya ang babae. Simula noon ay nag-aral na siyang mabuti para maging proud ang dalawa niyang ina, sa araw ng kanyang graduation ay si Mira ang umakyat sa stage, napakalaki ng ngiti nito habang sinasabitan siya ng medalya. Hindi rin siya nahihiyang sabihin sa harap ng marami na ito ang kanyang nanay.

Utang ni Miguel ang buhay niya sa babaeng ito, napakatapang nito. Hindi nito ipinagkait sa kanya na makita ang mundo kahit na isa pa siya sa nagpapaalala rito ng masakit na nakaraan.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.