Ang Hindi Inaasahang Tulong

Mahaba ang pila sa City Hall isang beses na nagpunta si Diane upang maglakad ng papeles para sa kaniyang itatayong maliit na negosyo. Kailangan niya kasing kumuha ng business permit para rito.

Dahil baguhan at hindi sanay si Diane ay laking gulat nito nang makita ang mahabang pila na nakabungad sa loob ng city hall. Mahabang pila para sa lahat ng departamento. Pila para sa civil registrar, pila para sa building permit, pila para ssa cedula, pila para sa amilyar, pila sa building permit, at iba pa.

Tulad ng nakasanayan sa ating bansa, pila lang nang pila, dahil uusad din naman. Kaya agad na pumila si Diane sa unang hakbang sa pagkuha ng business permit. Ngunit, hindi niya sukat akalain na lumipas na halos ang dalawang oras ay halos magkakalahati pa lamang siya ng pila at hindi na nakakarating sa unahan.

Dahil wala naman ibang gagawin, tiniyaga na ni Diane ang paghihintay. At nang dahil sa inip ay hindi na niya naiwasan mapabuntong hininga at mapabulong sa sarili.

“Ay grabe, sobrang bagal pala talag ng pila kapag ganito,” bulong ni Diane habang tinatanaw ang unahan ng pila na tila malayo-layo pa.

Sa pagkakabulong niya ay bigla naman siyang kinausap ng isang babae na ay katandaan na rin.

“Ganiyan talaga ineng, ako nga limang beses nang kumukuha ng business permit, at walang kahit anong pagbabago. Tiyaga-tiyaga na lang talaga ‘neng,” wika ng babae.

“Oo nga po eh, talagang dapat paglaanan po pala ng oras dahil mauubos at kulang ata ang araw para maglakad nito,” ani Diane.

Advertisement

“Oo, kulang nga talaga ang isang araw sa paglalakad. Pero depende na rin sa diskarte ‘yan, lalo na kung alam mo na lahat ng dapat mong gawin, mapapabilis nito ang paglalakad at pagpila,” wika ng matanda.

“Ganoon po ba? Naku baguhan pa naman po ako sa ganito. Ano po bang susunod na gagawin pagkatapos ng pila na ito?” tanong ni Diane.

“Bibigyan tayo ng numero at tatawagin, at doon pala tayo makakapagpasa ng mga dokumento. Kaya dapat kumpleto ka na para hindi ka na magpapabalik-balik. Tulad niyan, yung babae na ‘yan, nagkakamot na ng ulo. Bakit? Panigurado may kulang pa siya, kaya hindi pa kinuha lahat ng dokumento. Pipili siya ulit niyan, kasi para pantay-pantay,” kwento ng babae.

“Hala, dapat po pala ayusin ko na ngayon,” ani Diane na naaligagang ayusin ang mga dalang papel.

“Sige. Tulungan kita, sasabihin ko kung anong dokumento at tingnan ko kung mayroon ka. Limang beses na kong kumukuha ng business permit, naku kabisado ko na nga,” sabi ng babae.

At tinulungan ng babae si Diane na ayusin at tingnan kung tama ang mga dokumentong dala nito. Dito ay napag-alaman niya na kulang sa ng litrato at photocopy ng mga dokumento.

Nang matawag si Diane at ang katabi niyang babae, ay kusang nag-alok ang babae na samahan muna siyang magpakuha ng litrato at magpa-photocopy. Hindi rin kasi sanay at kabisado ni Diane ang lugaw kung nasan ang city hall, dahil unang beses pa lang niyang nagtungo rito.

Habang hinihintay na matawag ang numero ay mabilis na magawa ni Diane ang mga kulang miya dokumento, dahil na rin sa tulong ng kanyang kasamang babae. Nang makabalik ay, natawag na rin ang kanila ng nga numero at matagumpay nilang naipasa ang mga papeles.

Advertisement

Maging ang pagpapahiram ng ballpen ay nagawa rin ng kasama niyang babae, dahil walang dalang ballpen si Diane upang gamitin para ipanulat sa form. Naagmistulang gabay niya ang kasabay na babae na kumukuha rin ng builder’s permit.

Habang naghihintay ay patuloy na nagkwentuhan ang dalawa upang malibang. Hindi nila masyadong nararamdaman ang bagal ng pila dahil lumilipas ito habang patuloy silang nagku-kwentuhan. Patuloy rin na nagbibigay ng payo ang babae kay Diane sa mga paglalakad ng mga dokumento sa mga government office, mga dapat niyang tandaan at iwasan para hindi masyadong matagal ang paglalakad nito.

Sa mahabang pila, at pagku-kwentuhan ay hindi na lang nila namalayan na patapos na pala sila, saktong mag a-alas kwatro na nang hapon.

“Ang galing niyo po ate, sumakto tayong natapos bago magsara ang city hall,” wika ni Diane.

“‘Di ba? Sabi ko sa’yo e. Mas mapapabilis kung alam mo kung ano ang gagawin mo at kung kumpleto lahat ng dala mo,” nakangiting sagot ng babae.

“Pagkatapos po natin dito, hayaan niyo po akong ilibre ko kayo ng meryenda sa labas,” pag-aaya ni Diane.

“Naku, hindi na ‘neng. Kailangan ko rin makabalik agad, hinihintay na ako ng asawa ko niyan sa bahay,” sagot ng babae.

“Sige na po, kahit softdrinks lang po at tinapay sa may tindahan sa labas,”pamimilit ni Diane.

Advertisement

“Para makabawi po ako sa inyo. Kung hindi po dahil sa inyo, naku baka nakapila pa rin po ako at inabot na ng bukas para matapos,” patuloy na pag-aaya ni Diane.

“Hindi mo kailangan bumawi. Normal na dapat sa ating mga pinoy ang pagtulong, pagtulong na walang kapalit,” nakangiting wika nito.

“Alam mo ba minsan, may mga tulong na hindi natin kailangan bayaran, o palitan mula sa taong nagbigay satin nito. At ang paraan para maibalik mo ang tulong na ginawa sayo, ay ang pagtulong mo naman sa ibang mas nangangailangan,” seryosong wika ng babae.

“Ang pagtulong ko sayo, ay tulong na hindi nangangailangan ng kapalit o kabayaran. Ang simpleng pagtulong ko na ‘yon, ay nagpapaaalala sa’yo, na lagi kang magpasa ng tulong o kabutihan sa ibang tao, kilala mo man ‘yon o hindi, hanggang sa abot ng iyong makakaya,” patuloy na wika ng babae.

“O siya, sige na. Tapos na ako, mag-ingat ka ha,” pagpapaalam ng babae kay Diane, na noon ay seryosong nakikinig at nakatulala.

Nagulat na lang ito na nasa malayo na ang babae at papalabas na ng gusali. Dahil hindi pa inaabot ng staff ang builder’s permit niya, ay hindi niya agad nahabol ang babae at hindi man lang nito nagawang tanungin ang pangalan niya.

Pero mula noon, nag-iwan ng marka kay Diane ang mga sinabi ng babae sa kanya. Baon-baon niya ito, san man siya makarating at patuloy na ipinamamalas ang kabutihan na busilak, at hindi nag-aantay ng kahit ano mang kapalit.