Ang Regular na Pag Dumi ng Dalaga ay Siyang Usap-usapan sa Opisina Dahil sa Tindi ng Amoy Nito

“Girls negative, nandoon si Queen B.” Wika ni Barbie sa kapwa niya katrabaho.

“Yuck! Sa 7th floor na lang ako magbabanyo, hahaha.” Sagot naman ni Elaine.

Si Meldy Estantol ang nasa banyo ng mga oras na iyon, siya ang binansagang Queen B sa kanilang opisina at wala siyang kaidi-ideya tungkol dito. Napakabaho di umano ng dumi nito na hindi matitiis ng kahit na sinong makakasabay niya sa banyo.

Nag tratrabaho bilang HR Head si Meldy sa isang kumpanyang nag bebenta ng mga TV.

Mabait at masipag ang dalaga kaya naman sa edad na 29 ay na promote na ito. Ngunit parating pinagtatawanan at pinag-uusapan dahil nga sa kanyang regular na pag dumi sa opisina at sa napakabahong amoy nito.

“Girls, ano pustahan tayo? Nasa banyo ngayon si Queen B, umeerna! Hahaha!” Pabirong sabi ni Elvie sa mga katrabaho nito.

Kaya naman nagpunta nga ang mga ito sa banyo at pagbukas pa lamang ng pinto ay agad ng bumungad ang napakasamang amoy!

Andun nga si Meldy sa isang cubicle ng banyo, habang kita ang kanyang mga binte at sapatos, maaaninag rin ang pabangong spray nito at liquid soap.

Advertisement

At biglang ibinagsak nila Elvie, Janine at Paola ang pinto ng banyo, pang-aasar nito sa nag popookus na si Meldy. Sabay-sabay nila itong pinagtawanan at hinawakan nila ang kanilang mga ilong para di na maamoy pa ang masangsang na dumi nito.

“Shems!Bakit kaya ganun araw-araw ang erna ni Madam?! Ang bahooo!” Wika ni Paola.

“Baka kumakain ng Panis! Hahaha.” Tumatawang sagot ni Elvie.

“O baka natural niyang amoy iyon!” Dagdag naman ni Janine. At sabay-sabay na naglakad pabalik sa kani- kanilang pwesto at ikinalat ang balita.

Parating inaabangan ng ibang emplyedo ang pagbabanyo ni Meldy dahil iniiwasan na makasabay siya roon. Nandoon na rin na sinisilip muna siya sa kanyang opisina at kapag nandoon ito ay sasabihin ng mga empleyadong “Positive, nasa office pa si Queen B, nag-iipon, hahaha. ” At magtatawanan ang mga ito. Kapag naman wala ito sa opisina, may sisigaw muli na isang empleyado at sasabihing “Red Alert mga kababayan! Ang Reyna ay nawawala!” Hagalpakan na naman ang mga tao sa kakatawa.

Hangang sa napansin na ni Meldy na tila ba pinag-uusapan na lamang siya parati sa opisina.

“Kit, may alam ka ba sa umuugong na chismis dito sa atin?” Tanong ni Meldy sa kanyang assistant. Baguhan at bata pa si Kit at naawa na ito sa kanyang boss na palagi na lamang nilang pinag-uusapan.

“Ah, eh. Ma’am Meldy, kasi ano po..” Utal-utal na sagot ng dalaga.

Advertisement

“So ako ba? Ako ba pinag-uusapan nila?” Nakangiting tanong ni Meldy dito.

“Actually ma’am kasi ano po, mmm. Matagal ko na po sanang gustong sabihin ito, noong bago pa lang ako, kaso baka kasi isipin nyo po na masyado akong feeling close o di kaya naman mapahiya po kayo sa akin…” Nakayukong wika ni Kit.

“It’s okay. I just need to know kung ako ba. Kasi kung hindi, dapat alam ko rin, you know chismis is the best hahaha.” Halakhak ni Meldy na pang kontrabida habang pinangdidilatan niya ng mata ang assistant.

“Kasi ano po ma’am.. Ikaw po kasi yung trending topic ngayon.” Malungkot na sabi ng dalaga.

“Teka hulaan ko, pinag-uusapan nanaman nila ang pagka promote ko ano? I knew it hahaha.” Sabay pasok ni Meldy sa kanyang opisina.

Hinabol siya ni Kit at pumasok din ito, naglakas loob na siya at hindi na hinintay pang tanunging muli ng boss.

“Ma’am. Hindi po iyon ang pinag-uusapan nila tungkol sa inyo. Hindi niyo po ito magugustuhan pero feeling ko e dapat nyo na pong malaman.” Wika ng assistant niyang nakasandal sa pintuan ng opisina ni Meldy.

“So what is it?” Tanong ni Meldy habang naka-upo sa mesa nito.

Advertisement

” SOBRANG BAHO PO NG T*E NIYO.” Diretso at mabilis na sinabi ni Kit.

Natigilan si Meldy ngunit hindi ito nag pahalata, imbes tumawa ito ng malakas.

“HAHAHA lahat naman ng dumi ay mabaho, Kit.” Sagot ni Meldy.

“Sobrang baho lang po ng sa inyo, mas malala sa normal na amoy ng dumi.” Singit agad ni Kit at lumabas na ito.

Sinilip niyang muli ang kanyang boss at nakitang nakangiti naman ito, sa palagay niya’y hindi naman ito nagalit.

Dali-daling nag send ng text si Kit sa kanilang group chat na “Queen B’s update.”

”Guys! I’m sorry! Ligwak na ako. Alam na ni Ms. Meldy na siya ang trending topic natin ngayon at alam narin niyang MABAHO ANG T*E NIYA.” Mensaheng isinend ni Kit at hindi siya nakatangap ng kahit anong reply.

Habang nasa loob ng opisina niya si Meldy, nasaktan siya sa nalaman ngunit hindi niya ito pinapakita. Kaya naman kinabukasan, maaga siyang dumating sa opisina na may dalang malaking ARENOLA, inilagay niya ito sa ilalim ng kanyang mesa.

Advertisement

Hindi pa man sumasapit ang lunch break, nag aalboroto na ng tiyan ni Meldy, lagi kasi siyang umiinom ng pampapayat at katumbas nito ay ang pagdurumi.

Dali dali niyang kinuha ang wipes, sinara ang pinto at bintana ng kanyang opisina at tumago sa ilalim ng kanyang mesa.

*Pluk Pluk Sshhh* Sunod-sunod na tunog, natawa si Meldy sa kanyang ginagawa ngunit maya-maya ng konte ay sumasakit ang ulo niya.

“Sh*t! Tang*** t*e yan! Bat ang baho ng tae ko?!’ Pabulong na sabi ng dalaga sa kanyang sarili at agad-agad na tinapos ang pagdumi. Nagispray ng kanyang pabangong pink na may pangalang ‘So In Love’ .

Lumabas siya at inilagay niya ang arenola sa pulang eco bag na may tatak na SM at itinapon ang laman sa banyo habang wala pang tao.

Sumandal siya sa pader at sinabing,”Hayup ka Meldy, ang ganda ganda mo pero nakakasulasok ang dumi mo.”

Simula noon ay iniba na ng dalaga ang kanyang diet. Nagpa check-up na rin ito dahil baka may sakit na siya sa baho ng kanyang dumi at sa kabutihang palad nama’y wala daw sabi ng doktor.

Hindi na rin siya pinag-uusapan sa opisina at kung dudumi man ito ay tinatadtad niya muna ng pabango ang buong banyo. Nagdonate din siya ng sandamakmak na albatross at ibinigay ito sa janitress.