Matagal nang Niloloko ng Misis na Ito ang Kaniyang Mister at Ngayon ay Isang Binata Pa ang Pinatos Niya, Hindi Niya Alam na Ito na Rin ang Kaniyang Karma

Tatlong taon na naging magkasintahan sina Edward at Nicole at dahil nabuntis ang babae ay pinakasal siya ng kaniyang magulang sa lalaki kahit pa nga hindi naman niya ganoon kamahal ang nobyo.

“Hoy, tumigil ka na nga diyan sa kakachat sa mga ex mo. Para kang tanga, may asawa ka na e lumalandi ka pa rin,” saad ni Isabel, katrabaho ng babae.

“Sus, para naman chat lang. Kapag ba nakikipag-usap sa mga ex ay unfaithful na agad? Grabe kayo sa akin,” sagot naman ni Nicole.

Image courtesy of www.google.com

“Parang di kita kilala, mamaya lang e makikipagkita ka na diyan tapos magsisinungaling ka na naman kay Edward. Tignan mo nga Nicole, hindi mo ba nakikita? Kawawa yung asawa mo sa’yo,” baling pang muli ng babae.

“Hayaan mo na ako, ganito talaga pag boring ang asawa. Isa pa, sa kaniya naman ako umuuwi, kaya walang kaso di ba,” wika naman ni Nicole.

Kahit noong magkasintahan pa lang ang dalawa ay sadyang maloko na ang babae, pinagsasabay niya sa ibang lalaki si Edward dahil alam niyang hindi siya mahuhuli nito. Bukod kasi sa limang taon ang agwat nila ay napakaseryoso din nito sa buhay, kaunting lambing lamang ni Nicole ay agad niyang nakukuha ang gusto sa lalaki. Ang tingin pa nga ng iba ay wala lang pagpipilian ang babae kaya niya pinakasalan ang nobyo.

“Edward, malalate ako ng uwi ha. Need ko lang mag OT dito sa work,” saad ng babae sa telepono.

Image courtesy of www.google.com

“Ah ganun ba? Sige, ipagluluto na lang kita ng hapunan tutal maaga akong makakauwi mamaya,” baling naman ni Edward.

Advertisement Image courtesy of www.google.com

“Okay, love yeah,” wika ni Nicole bago niya ibinababa ang telepono. Hindi naman trabaho ang aatupagin ng babae dahil makikipagkita siya sa kaniyang gwapong ex na si Jose na hanggang ngayon ay may pagtingin pa rin siya doon.

Nagkamustahan muna ang dalawa habang kumakain sa restaurant, maya-maya pa ay magkatabi na ito at nakayakap na ang lalaki sa bewang ni Nicole at hinahayaan naman niya iyon.

“Sayang talaga tayo ano? Kung hindi ka lang nagpakasal diyan sa pangit mong asawa, baka tayo pa rin hanggang ngayon,” bulong ng lalaki sa babae.

Image courtesy of www.google.com

“Malapit ko na ngang hiwalayan iyon e. Sobrang boring, ang bait masyado. Wala man lang kaming pinag-aawayan, kahit nga madaling araw na akong umuwi ay wala lang sa kaniya. Feeling kasi niya ata hindi ko siya niloloko at hindi ko siya magagawang lokohin,” tumatawang saad naman ng babae.

At naghalikan ang dalawa katulad ng kanilang ginagawa noong sila pa, tuwang-tuwa naman si Nicole dahil pakiramdam niya kahit na may asawa’t anak na siya ay malakas pa rin ang tawag ng kaniyang alindog sa lalaki. Gustong-gusto rin ng babae na pinagtitinginan siya sa daan at sinisipulan, palagi ring hapit ang kaniyang mga damit upang kumurba ang magandang hubog ng kaniyang katawan.

Umuwi na ang babae at kaagad na nagpunas para tumabi sa kaniyang mister.

“Kumain ka na?” tanong ni Edward na gising pa pala.

“Oo,” maikling sagot ng babae at natulog kahit nga nilalambing pa siya ng kaniyang mister.

Advertisement

Kinaumagahan ay maagang pumasok ang babae sa opisina at napatigil sa bagong empleyado dahil ubod ng gwapo ito.

“Walang isang buwan, magiging akin ka,” pahayag ni Nicole sa kaniyang sarili. Napakahilig sa gwapong lalaki ni Nicole kaya mas lalo pa siyang nawawalan ng gana kay Edward dahil ito daw ang pinakapangit sa lahat ng nakarelasyon niya.

“Hindi mo ba type?” tanong niya sa bagong lalaki.

“Type, pero may asawa’t anak ka na. Kaya mas okay sa akin na maging magkaibigan lang tayo,” sagot naman ni Mateo.

Image courtesy of www.google.com

“Hindi naman niya malalaman, oh ano? Motel tayo mamaya,” saad naman ng babae at nginitian lang siya ng lalaki.

Agad siyang nagsabi kay Edward na gagabihin siya ng uwi at katulad ng inaasahan ay hindi na naman nagsalita ang lalaki.

“Oh una na ako duh ha, room 121. Hihintayin kita,” bulong ni Nicole sa binata. Gusto lang patunayan ng babae na hanggang ngayon ay kakagat pa rin ang kamandag niya kahit sa mga mas bata sa kaniya at walang sabit sa pamilya o nobya.

Agad na naligo ang babae at inantay na dumating si Mateo sa motel. Sinabihan din niya ang lalaki na kumuha na lang ng susi sa front desk dahil hindi niya bubuksan ang katok nito.

Advertisement

Habang patay ang ilaw ay biglang kinabahan ang babae dahil bumukas na ang pinto.

“Ang tagal mo naman, ganyan ba talaga ang mga kabataan ngayon?” wika nito sa lalaking pumasok.

Wala siyang narinig na sagot at kinabahan si Nicole kaya agad niyang pinaandar ang ilaw at tumambad sa kaniya si Edward na nakaupo sa dulo ng kama, hindi nakapagsalita si Nicole.

“Ganito ba talaga ang buhay na gusto mo? Hindi mo ba talaga ako mahal? Isa ba talagang kahihiyan ang tulad ko sa’yo?” malungkot na pahayag ng lalaki. Napalunok ng laway si Nicole.

“Pwede naman tayong maghiwalay, kesa sa binababoy mo yung sarili mo ng ganyan. Mahal kita, totoong pagmamahal yung nararamdaman ko sayo at sa anak natin pero kung ito lang ang igaganti mo, mabuti pang tapusin na natin ito. Matagal ko nang alam na nakikipagkita ka sa mga ex mo, pero yung pumatol ka sa mas bata, sobra na e. Hindi lang ako makapagsalita dahil wala akong pruweba, ngayon na meron na, sobrang masakit pala,” dagdag na wika ni Edward at tuluyang bumagsak ang kaniyang luha.

Tinawagan pala ni Mateo ang asawa ni Nicole para turuan ng leksyon ang babae, ngayon ay laking pagsisisi nito dahil kitang kita niyang nasaktan niya ang asawa.

Doon lang rin napagtanto ni Nicole na mahal pala niya ang asawa ngunit huli na ang lahat, nag-uusap na lang ang dalawa ngayon para sa kanilang anak at hinayaan na muna ni Edward ang babae sa kanyang buhay. Humiwalay ito ng bahay at suporta na lang ang binibigay sa kanila, ngayon kahit sinong landiin ng babae ay wala nang sumeseryoso sa kaniya. Wala na ring naghihintay sa kaniya sa gabi, nagluluto at naglalaba.

“Bakit kailangan mo munang mawala sa akin bago ko nakita kung gaano kita kamahal?” saad ni Nicole sa litrato nilang mag-asawa habang lumuluha.