Tumakbo Palayo sa Ina ang Batang Ito nang Hindi Nito Bilhin ang Itinuturo Niya sa Mall, Nalaman Niya Kung Gaano Siya Kaswerte nang May Mabangga Siyang Nakakaawang Bata

Si Allen ay walong-taong gulang na batang sinanay ng kanyang ina na bigay lahat ang kanyang luho. Sa ibang bansa kasi nagtatrabaho ang kanyang ama. At bilang nag-iisang anak ay binibigay lahat ng mga magulang ang kanyang luho.

Ngunit dumating sa pagkakataon na na-late ang sahod ng kanyang ama at biglang may naisipang si Allen na bilhin sa mall na pinapasyalan nilang mag-ina.

Madalas sila doon ngunit ngayon niya lang napansin ang bagong-labas na tablet. Mamahalin ang tatak nito kaya naman nakaagaw atensyon agad ito sa kanya.

“Ma, gusto ko pong bilhin ‘yung tablet dun.”

Kinabahan agad si Alice dahil sa pagtuturo ng anak. Dumaan lang naman sila sa mall ngayon upang itanong sa agency ng asawa kung bakit late ang sahod nito ngayon.

“Naku, anak wala pa tayong budget. Tiis-tiis ka muna. Kapag nagpadala si Papa, bibilhin agad ni mama ‘yan okay?” paliwanag ng kanyang ina.

Ngunit hindi ‘ata nasanay ang bata na hindi agad nakukuha ang nagustuhan. Kaya naman agad itong sumimangot at umaktong nagmamaktol.

“Anak, next time okay?”

Advertisement

Lalo pa itong nainis sa sinabi ng ina kaya naman pabalibag itong umupo at nagwala. Alalang-alala naman si Alice dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao sa mall, “Anak tumayo ka d’yan. Ano ka ba?”

Ngunit sadya ‘ata ayaw paawat ng bata hangga’t hindi nakukuha ang gusto. Tumayo pa ito at tumakbo palayo sa ina. Hindi niya man alam kung saan siya patungo ay nagpatuloy lang siya sa pagtakbo.

Hanggang sa hindi na niya namalayang nasa labas na pala siya ng mall. At umuulan pa. Ninerbyos si Allen at saka hinanap muli ang kanyang ina. Ngunit dahil sa dami ng tao ay nalito na siya kung saan papasok muli.

At sa kanyang paghahanap ay bigla siyang nabunggo ng isang batang marungis. Magagalit sana siya dito nang bigla itong magsalita, “Sorry po.”

Ngumiti rin ito sa kanya kaya naman nahawa na lang rin siya sa ngiti nito, “Okay lang.”

“Naliligaw ka po?” tanong ng bata sa kanya.

Doon bumalik ang kanyang nerbyos, “Oo.”

Hinawakan nito ang kamay niya. Iiwas sana siya ngunit hindi niya na nagawa dahil pakiramdam niya naman ay mabait ang bata kahit marungis.

Advertisement

Dinala siya nito sa entrance ng mall, “Paano mo nalaman ang daan eh ang laki-laki nito?”

Ngumiti itong muli, “Lagi kami dito eh.”

“Ha? Paano nangyari iyon? Eh hindi naman kayo mayaman?” nagtatakang-tanong niya.

Napakamot ito ng ulo, “Namamalimos kasi kami. Minsan nag-aabang ng matitirang pagkain ng mga kumakain.”

Biglang naawa si Allen sa bata. Ilang sandali lang ay nakita rin siya ng inang alalang-alala sa kanya, “Naku, anak saan ka ba nagpunta?”

Magpapasalamat palang sana siya sa batang tumulong sa kanya ay bigla nalang itong nawala. Nakita niya na ito sa malayo na pinulot ang nahulog na pagkain sa may basurahan at pinag-agawan ito ng iba pang batang kasama niya.

“Saan ka nagpunta, anak?” muling tanong ng kanyang ina.

Umangat ng tingin si Allen, “Ma, sorry po.”

Advertisement

Nagtaka naman ang kanyang mama Alice, “Sorry po kasi akala ko noon kahit anong gusto ko dapat makuha ko. Hindi ko po alam na suwerte na pala ako kahit walang tablet o ibang toys. Promise po mama, hindi na po ako manghihingi ng mahal na toys.”

Simula noon ay hindi na nga nagpapabili si Allen ng mga mahal na laruan o gadget na hindi naman kapaki-pakinabang para sa kanya. Sa tuwing nagtutungo rin sila sa mall ay palagi siyang umoorder ng pagkain para sa kanyang bagong naging kaibigan.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.