Hindi Inakala ng Babaeng Ito na Makikisalo sa Picnic Nila ang Isang Estranghero, Mas Nagulat Siya sa Iniwan Nito Para sa Kanilang Pamilya

Masaya si Mimi sa kanyang pamilya. Mayroon siyang mapagmahal na asawa at masunuring mga anak. Sa katunayan ay tuwing sasapit ang Linggo ay nagpi-picnic sila sa parke matapos magsimba sa hapon.

“Ma, anong lulutuin natin ngayon? Tanong ng asawa niya habang naghahanda ito ng mga dadalhin nila sa kanilang family picnic.

“Mag-adobo nalang tayo, Pa.”

Ganoon na nga ang ginawa nila. Sabay nilang niluto ang paboritong ulam ng kanilang dalawang anak–adobong may itlog.

Tuwang-tuwa ang mga ito na tila gusto na agad kainin ang ulam matapos nilang lututin.

“Tumikim lang kayo mga anak, baon pa natin mamaya ‘yan,” mahinahong payo ng ama sa mga anak.

Napangiti si Mimi sa senaryong nakikita. Napakaswerte niyang nilalang. Hindi niya alam kung ano bang kabutihan ang nagawa niya noon, dahil sobra-sobra ang biyayang sinusukli sa kanya ng Panginoon. Napakalalambing ng asawa’t mga anak niya. Hindi rin niya nararanasan ang stress ng isang pangkaraniwang housewife at ina.

Sa simbahan ay lubos-lubos ang pasasalamat niya sa Panginoon sa mga biyayang natatamo. Matapos ang misa ay magkasunod na nagmano sa kanilang mag-asawa ang dalawang anak. Advertisement

Excited rin ang mga ito ukol sa kanilang family picnic. Dahil katabi lang ng simabahan ang parke ay nagtakbuhan na agad ang mga ito doon.

Naglatag sila ng sapin at inilabas ang mga pagkain. Tradisyon na nila ito simula nang magpakasal sila. Para kasi kina Mimi at sa asawa niyang si Armand ay kahit tuwing linggo ay kailangan nilang mag-bonding upang mas tumatag ang kanilang relasyon.

Ugali rin nilang magyaya ng mga estrangherong napapadaan sa tapat nila, “Kain po.”

Ngunit nagulat sila ng isa ngang estrangherong marumi ang lumapit sa kanila, “Sige ineng, gutom na gutom na nga rin ako eh.”

Nagulat at medyo nailang ang kanilang mga anak sa estranghero dahil marumi ang pananamit nito. Pero imbes na ipagtabuyan ito ay ngumiti si Mimi at pinaghandaan niya pa ito ng makakain.

“Pasensya na po kayo dito ko lang nilagay sa tupper ware ang pagkain, kulang na po kasi ng plato. Pero sana po magustuhan ninyo. Luto po naming mag-asawa iyan.”

Ngumiti ang matanda, “Napakabait mo naman ineng, napakaswerte ng iyong asawa.”

Ngumiti rin si Armand, “Kain po ng kain ‘tay. May saging pa po dito.” Advertisement

“Oo nga po, Lolo. Huwag po kayo mahihiya ah?” sabi ng panganay nilang si Mica na tila gumaan din agad ang loob dito.

“Masarap po ba, Lolo?” sabi rin ng bunso nilang si Mico.

Masaya silang napagkwentuhan hanggang sa matapos silang kumain. Tumayo na ang matanda at nagpasalamat sa kanila. Malayo na ito nang mapansing naiwan nito ang maliit na itim na bag, “Tay ‘yung bag niyo po!”

Hinabol niya pa talaga ito, pero nagtaka siya nang ngumiti lang ito pagkasabi niyang nalaglag nito ang bag nito, “Para sa inyo talaga ‘yan ineng. Napakabuti niyong pamilya. Nararapat lang na pagpalain pa kayo ng Poong Maykapal.”

Pagkatapos noon ay umalis na ang matanda. Binuksan niya ang bag at laking-gulat niya nang makita ang laman nito–napakaraming salapi.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.