Nang Makilala ng Binatilyo sa Beerhouse ay Nagustuhan na Niya ang Babae, nang Makita Nito ang Malaki at Mahaba Niyang Peklat sa Dibdib ay Naiyak Ito

Lumaking sutil at bulakbol si Jameson kaya kinaiinisan siya ng kanyang mga magulang.

“O, saan ka na naman galing kagabi? Huwag mong sabihin na gumawa ka ng project dahil hinding-hindi na ako maniniwala pa sa iyo! Nakausap ko ang kaklase mong si Markus at ang sabi niya ay hindi raw kayo magkasama!” bulyaw ng kanyang ina.

“Ma, puwede ba mamaya niyo na ako sermunan? Wala pa akong tulog, e!” aniya bago pumasok sa kuwarto.

Tama naman ang ina, hindi nga siya gumawa ng project kasama ang mga kaklase. Iyon kasi ang paalam niya sa mga magulang. Ang totoo ay sumama lang siya sa mga barkada niya at magdamag silang nag-inuman.

Hindi dating ganoon si Jameson. Masunurin at mabuti siyang anak. Nagsimula ang lahat nang bawian ng buhay ang kanyang nakatatandang kapatid na si Felix dahil sa malubha nitong sakit sa baga. Mahal na mahal ng kanyang ama at ina ang kanyang kuya. Mula nang mawala ito ay napansin niyang wala nang amor ang mga magulang niya sa kanya. Minsan nga ay sinabi pa ng kanyang ina na sana ay siya na lang ang nawala at hindi ang kanyang Kuya Felix. Mula noon ay nagtanim siya ng galit sa mga magulang at naging pasaway.

Isang araw ay niyaya na naman siya ng mga kaibigan na gumimik.

“Ano, Jameson puwede ka ba mamaya?” tanong ni Dominic.

Sige ba, saan tayo mga bro?”

Advertisement

“Basta, mag-eenjoy ka sa pupuntahan natin!” nakangising wika ni Allen.

Pagkalabas nila sa eskwela ay dumiretso na ang magbabarkada sa kanilang pupuntahan. Hindi na nagpaalam si Jameson sa mga magulang dahil sigurado naman na hindi siya papayagan ng mga ito.

Ilang minuto lang ay narating na agad nila ang sadya. Pumarada ang kotse ni Dominic sa harap ng isang beerhouse.

“Bro, sigurado ka bang dito ang hangout natin?” tanong ni Jameson sa kasama.

“Oo, tiyak na magugustuhan mo rito. Maraming magagandang chicks sa loob!” ani Gilbert.

Sabay-sabay na pumasok ang apat na binatilyo sa loob ng beerhouse.

Pagpasok pa lang nila ay namangha na sila sa patay sinding ilaw at mga naggagandahan at nagseseksihang mga babae na nagsasayaw sa entablado.

“Ano, Jameson, maganda rito ‘di ba? Pumili ka na ng babaeng gusto mong i-table!” yaya ni Allen.

Advertisement

Pinagmasdan munang mabuti ng binatilyo ang mga babaeng nagsasayaw na maiikling damit ang suot. Sa paggala ng kanyang mga mata ay napansin niya ang isang napakagandang babae na nakaupo sa isang tabi. Kahit mukhang mas matanda ng ilang taon sa kanya ang babae ay ito ang pumukaw sa kanyang atensyon kaya agad siyang tumawag ng waiter.

“Boss, sino ang babaeng iyon? Maaari ba siyang mai-table?” aniya.

“Siya po si Milagring! Suwerte mo sir at siya ang napili mo. Magaling na, mabait pa!” anito.

Sinipulan ng waiter ang babae na tanda na mayroon na itong customer. Mabilis itong lumapit sa kinauupuan nila.

“Hi mga pogi, sino sa inyo ang gusto akong i-table?” tanong nito.

“Tabihan mo miss itong kaibigan namin, malungkot ‘to e, naghahanap ng magpapasaya sa kanya,” tatawa-tawang sabi ni Dominic at pinaupo ang babae sa tabi ni Jameson.

“Hi, pogi, ikaw ba ang pumili sa akin?” anito.

“A, e oo. Ako nga,” medyo nahihiya pang sabi ng binatilyo.

Advertisement

Kumuha na rin ng mga babaeng ite-table ang mga kaibigan at nang magsiupo na ang mga ito ay nagsimula na ang kanilang inuman at kwentuhan.

Kahit ilang minuto pa lang niyang nakilala at nakausap ang babae ay nagustuhan na niya ito. Makuwento at malambing kasing kausap si Milagring.

Makalipas ang ilang oras ay napagpasyahan ng magkakaibigan na ilabas sa beerhouse ang mga kasamang babae at dalhin sa pinakamalapit na motel.

Nagkanya-kanya na sa pagpili ng kuwarto ang tatlong kaibigan ni Jameson. Kumuha na rin siya ng kuwarto para sa kanila ni Milagring.

Pagpasok sa madilim na kuwarto ay agad na nagpunta ang babae sa banyo para maligo. Hinubad na ni Jameson ang suot na damit at humiga sa kama. Paglabas ng babae ay hinubad na rin nito ang suot na bathrobe at tumabi sa kanya.

“Ang bango-bango mo naman,” bulong ng lalaki habang inaamoy-amoy nito ang leeg ni Milagring.

“Ano, game na tayo?” wika ng babae.

Nang may maramdam ang binatilyo at bigla itong bumangon sa kama. Pinindot nito ang lampshade para magbigay liwanag sa buong kuwarto.

Advertisement

“Sandali lang ha? Tinatawag ako ni kalikasan,” anito.

Nagulat si Milagring na may mapansin sa dibdib ng binatilyo.

“A-ano iyang nasa dibib mo?” gulat niyang tanong.

Napatingin si Jameson sa kanyang dibdib. Ang tinutukoy ng babae ay ang malaki at mahabang peklat nito sa dibdib.

“A, ito ba? Bata pa lang ako mayroon na ako nito. Tinatanong ko naman ang mga magulang ko pero hindi naman nila alam kung ano, kasi ampon lang naman nila ako, e.”

Nang marinig ang salitang ‘ampon’ ay kinilabutan ang babae. Bumangon ito sa kama at nagmadaling nagbihis.

“A-ano ang pangalan ng mga umampon sa iyo?” nanginginig niyang tanong.

“Serafin at Virginia Santos, sila ang umampon sa akin,” sagot ng binatilyo.

Advertisement

Napaiyak si Milagring nang marinig ang mga pangalang binanggit ni Jameson.

“H-hindi ito maaari!’ malakas niyang sabi.

“Bakit, kilala mo sila?”

Dahan-dahang nilapitan ni Milagring ang binatilyo at mahigpit na niyakap.

“Ang laki-laki mo na! Sorry, hindi ko inakalang sa sitwasyon pang ito tayo magkikita!” aniya habang lumuluha.

“A-anong ibig mong sabihin? Sino ka ba?”

“Ako ang nakatatanda mong kapatid at ikaw ang bunso kong kapatid na si Milo,” bunyag niya rito.

“What?” naguguluhang nitong tanong.

Advertisement

“Apat na taong gulang ka noon nang maagang mawala sina nanay at tatay. Mula noon ay ako na ang nag-alaga sa iyo. Ipinanganak ka na may kumplikasyon sa puso kaya labas-masok ka sa ospital. Isang araw ay lumubha ang lagay mo at kinakailangan kang operahan. Wala akong alam na mapagkukunan ng malaking halaga para sa operasyon mo. Kahit maghapon akong magtinda ng basahan ay hindi kita kayang maipagamot. May dalawang mag-asawa na nangangailangan ng isa pang anak na lalaki dahil hindi na kaya pang magbuntis ng babae. Hiling nila na ampunin ka at sila ang gagastos sa operasyon mo. Hindi ko kayang makita kang nahihirapan sa ospital, kaya pinaampon kita sa kanila dahil alam kong gagaling ka at mabibigyan ka pa nila ng magandang buhay. Sila si Mr. at Mrs. Santos, ang mga magulang mo. Nakita pa kita matapos ang operasyon sa iyo, at tandang-tanda ko ang malaki at mahabang peklat na iyan sa dibdib mo.”

Hindi makapaniwala si Jameson sa ipinagtapat ng babae. Kaya pala mas mahal ng mama at papa niya ang kanyang Kuya Felix dahil ito ang tunay nilang anak at kaya pala nararamdaman niya na iba ang pakikitungo ng mga magulang sa kanya ay dahil hindi siya totoong anak ng mga ito.

Napaiyak na lang ang binatilyo nang malaman ang katotohanan.

“Sana mapatawad mo ako sa ginawa kong pagpapaampon sa iyo. Kung hindi naman ay naiintindihan ko. Ang mahalaga ay masaya akong makita kang maayos at buhay,” sabi pa ni Milagring.

Tangkang lalabas na sa kuwarto ang babae ngunit pinigilan siya ni Jameson.

“Kadarating mo lang pero iiwan mo na ulit ako, ate?”

Muling napaluha si Milagring sa narinig at nilingon ang kapatid.

“Huwag kang umalis, ate. Gusto pa kitang makilala, e! Kaya pala nung una kitang makita ay magaan na ang loob ko sa iyo, dahil magkapatid pala tayo,” nakangiti nitong sabi.

Advertisement

Mahigpit na nagyakap ang magkapatid at magdamag na nagkuwentuhan.

Muling ipinakilala ni Jameson sa mga magulang na umampon sa kanya ang kanyang Ate Milagring. Naalala naman ng mag-asawa ang babae. Humingi rin ng tawad ang mga ito sa binatilyo at nangakong magpapakamagulang na rito. Huminto na rin sa pagtatrabaho si Milagring sa beerhouse at naghanap ng mas marangal na pagkakakitaan para mas maipagmalaki pa siya ng bunsong kapatid.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!